Reverse Poetry 2

8 0 0
                                    


(Basahin pababa)
Siya'y masaya
Hindi totoo na
Siya'y nakararanas ng labis na kalungkutan
Na siya'y nalunod na sa sakit na kaniyang nadarama
Siya'y unti-unting pinapatay ng matinding problemang bumabagabag sa kaniya
Siya'y nabubuhay sa mundo na pulos panlalait, paninira at pananakit
Siya'y patuloy na tinatapakan ng masaklap na katotohanang hindi siya kanais-nais
Siya'y natalo na ng takot at poot
Tamang isipin na
Siya'y kailanmang hindi makararanas ng lungkot, ng sakit at pait
Siya ay masaya na walang bahid ng anumang pagpapanggap
Siya'y kinahuhumalingan at hinahangaan ng lahat
Siya'y nabubuhay ng tahimik na walang pagkamuhi at gulo
Siya'y hindi nagkakamali
Siya'y nirerespeto at iginagalang
Isang pantasya lamang pala ang lahat na
Siya'y malungkot
Siya'y kailanmang hindi magiging masaya.
(Basahin pataas😉)

The Best Of Binus (Mga Mapanakit At Mapang-akit Na Tula At Prosa)Where stories live. Discover now