Kung Nandito Ka Lang Sana

3 0 0
                                    

Kung nandito ka lang sana
Naranasan kong magkaroon ng kasama
Sa panonood ng telebisyon at paboritong pelikula
Hindi sana pusa't aso ang karga.
Kung nandito ka lang sana
May kaagaw ako sa kendi't tsitsirya
May kahati ako sa manok at isdang nakahain sa mesa
Eh di sana masaya akong kumakain at hindi mag-isa.
Kung nandito ka lang sana
May makukurot ako sa tuwing ako'y inaabutan ng inis
May mauutusan ako kapag katawan ko'y tinatamad magwalis
May mapagsasabihan ng "Punta na ko!" sa tuwing ako'y aalis
At may magsasabing "Ika'y aking mamimiss."
Kung nandito ka lang sana
Eh di may masisigawan ako kapag ika'y pasaway
Mararanasan kong makipag-away
At Hahampasin kita hangga't singit mo'y magkalatay.
Kung nandito ka lang sana
May matututuruan ako kung sakaling ika'y naguguluhan sa iyong takda
Tutulungan kitang gawin kahit gaano pa karami ang proyekto mo sa eskwela
Kaya kong magpuyat para lamang kinabukasan ikaw ay makapasa.
Kung nandito ka lang sana
May cellphone sana akong kukumpiskahin sakaling ulo mo'y nagiging matigas na
May apps sana akong buburahin at ito'y ibabalik ko ng pataray ang mata
Eh di sana magagalit ka sa akin at hahabulin ako bigla.
Kung nandito ka lang sana
May kasama sana akong pumasok sa eskwela
May ma-kokotong  sana akong baon sa iyong bulsa
May pandagdag sana ako na pambili ng meryenda.
Kung nandito ka lang sana
Kung nandito ka lang sana
May magtatanong sa akin "Kung okay ka lang ba?"
May masasabihan ako ng aking mga problema
Hindi yung ganito, kinikimkim ko lang mag-isa.
Kung nandito ka lang sana
Mas masaya sana ang buhay kasama sila ama at ina
Hindi sana matatakot oras na sila'y pagpahingahin na
Sapagkat may kasama naman ako , ikaw yun at walang iba.
Kung nandito ka lang sana
Hindi sana nanatiling tikom ang aking mga bibig
May mag-uusisa sana kung ako ma'y may mabigat na ligalig
May makakapitan sana sakaling mundo ay mayanig.
Kung nandito ka lang sana
May pupunas ng mga luha sa aking mga mata
May yayakap sa akin ng mahigpit upang mapawi ang nadarama
May bubulong ng " Ate , nandito lang ako tutulungan kita." 
Sayang ano? Kung nandito ka lang sana ..

The Best Of Binus (Mga Mapanakit At Mapang-akit Na Tula At Prosa)Where stories live. Discover now