Sa araw ng pasukan, numerong TRES na naman ang SIKAT
Pamamaalam ng ma-TIKAS at maliligayang araw at "REST" na naghuhudyat
Tunay ngang kaybilis ng ORAS na tila ba likido sa SARO na hindi napupuknat
Kaya't mapurol na utak ay gawin na muling maTALAS kahit pa sa salapi ay SALAT.Sa araw ng pasukan, huwag mo na munang isipin ang LUKS dahil ikaw ay tutungo na naman sa SKUL
Bagkus iyong hawakan ang AKLAT upang ika'y may maTALAK at hindi mabulol
Aanhin mo ang magandang sapatos at SANDAL kung LANDAS mo rin ay mabubuhol
Kaya't ika'y magsumikap at maging PILAS ng papel at LAPIS na hindi mapurol.Sa araw ng pasukan, ikaw sana'y maging AKTIBO gaya ng palakpakang umaa-TIKABO
Hindi baleng sa larong TETRIS ay matalo basta ang grado kay TITSER ay makasigurado
Masarap maging TIPO ng estudyanteng walang marka na PITO
Kaya't maging ma-SIGLA at ma-GILAS upang numerong siyamnapu ay hindi maglaho.Sa araw ng pasukan, maging isang mag-aaral na INARAL ang bawat ARALIN
Magkaroon ng ISIP na di tulad ng PISI na kayang tangayin ng hangin
MagSULAT sapagkat sa hirap ng buhay ikaw lamang ang makaka-LUTAS
Sa mundong nakakaSAKAL, Edukasyon ang magsisilbi mong LAKAS.Sa araw ng pasukan, gamitin mo sanang GULOK na pantibag ng KULOG ang iyong pinag-aralan
Ang SAGOT sa pagsusulit ay magdulot ng TAGOS sa puso ng kahirapan
Iahon! Iahon ang BANAL mong hangarin sa pakikipag-LABAN
At GAWIng marangal ay pairalin upang magWAGI ang magandang kinabukasan.Sa araw ng pasukan, YAKAPin mo ng mahigpit ang papel ,lapis at bolpen na PAYAK
At magalak sapagkat ka-LAKIP nito'y hinaharap na kawangis ng PILAK
Mangarap ka at mga MATA mo'y ilagay lamang sa TAMA
At sa pagbilang ng LIMA, MALI ay iwasto na at ituring na sandata.Sa araw ng pasukan, pasensya mo sana'y maging maHABA
Sapagkat asahan mo ang pag-BAHA ng mga proyekto at takda
Matutuhan mo ring bumigkas ng TULA at prosa
Upang hindi maUTAL sa pagsasalita.Sa araw ng pasukan, hahayaan mo bang sarili mong opinyon ay manatiling BULOK at nakaKULOB?
Kailangan mong maTALOS na hindi ka OLATS upang hayaan ang damdaming maiwan sa putik na nakalublob
Sa mapanganib na BATIS , dila ang magsisilbing SIBAT
Kritisismo'y iindahin ang TALAB kahit pa magkagalos ang BALAT.Sa araw ng pasukan, alalahanin na anomang pagod at lumbay ay malayo sa ATAY
At paka-isiping pangarap ang nakaTAYA kaya magsikap at maghintay
Huwag paapekto sa iba 'pagkat masama ang kanilang PAKAY
Bagkus sa YAKAP ng pagtitiwala ay magtumibay.Sa araw ng pasukan , huwag mong indahin ang ALAT ng iyong mata kung sa tulog ma'y nagkukulang
Isipin mo na lamang na may makinang na TALA na sa iyo'y nakaabang
Laging tandaan na walang taong TANGA na may pangarap sa buhay na nakaatang
Dahil magkakasama tayo sa pag-ANGAT at paglutang.Kaya , Sa Araw ng Pasukan iyon nang suutin ang puting BLUSAng kawangis ng pag-asang kailanman ay hindi maigagapos
Huwag mabahala kung BULSA ma'y walang laman at naghihikahos
'Pagkat pangarap ang iyong puhunan kaya't ikaw na'y gumayak at PUMASOK
Upang sa araw ng bukas , tagumpay sa buhay ay umapaw at hindi KUMAPOS.Uniporme'y iyo nang i-SUOT at sa pangarap ay makipag-TUOS!
YOU ARE READING
The Best Of Binus (Mga Mapanakit At Mapang-akit Na Tula At Prosa)
PoetryIt is a poem