Magic Poetry (Tatlong tula sa iisang piyesa)

12 0 0
                                    

Unang tula: Basahin ng buo
Pangalawang tula: Basahin ang malalaking titik
Pangatlong tula: Basahin ang maliliit na titik
"MASAYA KA KAYA MASAYA NA RIN AKO"
SA TUWING NAKIKITA KITANG MASAYA sa tuwing aking nasisilayan ang iyong bawat pagngiti at ang pagtawa ng iyong makikislap na mata
PATULOY KONG TINATANONG ANG SARILI KUNG SINO KAYA ANG DAHILAN? ako'y napapaisip kung sino kaya ang dahilan ng iyong labis na saya
SANA'Y AKO, ITO ANG LAGING HILING SA MGA TALA pinapangarap na ako ang sa puso mo'y nagpapaligaya
SUBALIT HINDI PALA AKO MALI ANG AKING AKALA , napapangiti na lamang sa tuwing iisiping may mahal ka na palang iba.

AKO'Y NABIHAG MO SA PAMAMAGITAN NG IYONG BAWAT PAGNGITI ako'y napaibig mo sa matatamis na salitang binibigkas ng iyong mga labi
AKO'Y NAHULOG NANG HINDI KO SINASADYA ako'y tinamaan at sa pana ni kupido'y hindi nakailag
KAYA PASENSYA SAPAGKAT INAKALA KONG WALANG MAGBABAGO inakalang mga sinabi mo sa akin noon ay totoo
AKO'Y NAGPADALA AKO NGA'Y NILINLANG NI KUPIDO kaya ngayon mga mata ko'y lumuluha at utak ay litong lito.

KAIBIGAN KAIBIGAN LANG PALA KITA ikaw ay isang  kaibigang inibig ko nang higit pa
SALAMAT AT NGAYON SA AKIN AY MALINAW NA ako'y hindi na pala dapat umasa
SAPAGKAT IBA PALA ANG IYONG SINISINTA ikaw ay may mahal nang iba
KAYA TAMA NA NARARAMDAMAN KONG ITO'Y ITITIGIL NA ako'y titigil na upang hindi na madagdagan pa ang sakit na nadarama.

MASAYA  KA, GAYUNDIN AKO ngumingiti ka ngumingiti din ako
HINDI KO NA RIN LANG IISIPIN NA ANG KASIYAHAN MO'Y HINDI AKO pipiliting maging masaya lang alang sa pagmamahal sa iyo
PIPILIIN ANG BAGAY NA MABUTI AT MAKAPAGPAPASAYA SA IYO ito ay ang piliin siya na matagal mo nang gusto
PALALAYAIN KA NA KAHIT NI MINSAN IKA'Y HINDI NAGING PAGMAMAY-ARI KO kaya't masaya pa rin akong makitang ikaw ang hari at siya ang iyong reyna sa inyong kuwento.

ISANG SEGUNDO LAMANG AY NAHULOG NA AKO NGUNIT ISANG TAON NA PAG-IBIG KO'Y HINDI PA RIN NAGBABAGO , minamahal pa rin kita kahit ika'y may iba na
HINDI PALA GANOON KADALING KALIMUTAN KA hindi ganoon kadaling alisin ang espesyal na nadarama
SAANMAN AKO DALHIN HANAP KA PA RIN NG AKING MGA MATA ngunit alalahanin naman sanang may iba ka nang gustong makita
NAKAKALUNGKOT LANG SAPAGKAT KAHIT PA AKO ANG NAKIKITA NG IYONG PANINGIN AKO'Y HINDI MO MAGAWANG PANSININ siya at siya lang ang nais mong lingunin.

MALI ,MALI ITONG AKING NARARAMDAMAN ngunit bakit ang mga tenga ko'y mali pa rin ang nais pakinggan
PANGALAN MO NGA'Y NARARAPAT NANG KALIMUTAN ngunit bakit puso ko'y ikaw pa rin ang nilalaman
MAHIRAP PERO AKIN PA RING SUSUBUKAN pipigilan kahit pa ang puso sa pagtibok
'PAGKAT ANG PUSO'Y HINDI SANAY NA MASAKTAN , kaya't ito'y tuturuan na ang nararamdaman para sa iyo'y kalimutan.

MASAYA KA NA KAYA'T AKO'Y PILIT RING MAGPAPAKASAYA ang pagmamahal ay pagpaparaya hindi ba ?
MAKITA KA LAMANG NA NAKANGITI AKO'Y NALULUWALHATI kahit pa ang puso'y nababalot ng pighati
MASAKIT NGUNIT AKIN PA RING BUONG PUSONG TATANGGAPIN kasiyahan mo ang mas mahalaga sa akin ginoo
MAHAL MO SIYA KAYA'T HAHAYAAN NA LANG KITANG MAHALIN SIYA masaya ka kaya masaya na rin ako.

The Best Of Binus (Mga Mapanakit At Mapang-akit Na Tula At Prosa)Where stories live. Discover now