A/N: At dahil ginreet niya ko nung birthday ko sa personal with smile at nakuha ko pa number niya at kilala niya na ko at ginreet din ako sa chat sa facebook, marami tong kilig moments!
Chapter Five: Slowly, Deeply, Secretly Falling Inlove.
Jeyu'S POV
"Haaaayes! May tama ka talaga!"
"Nyahahaha!! Mukha kang usa! HAHAHAHAH!!"
"Arghhh! Kainis ka! Oh ayan sayo!"Sabi ko kay Hayes sabay lagyan siya ng Strawberry ice cream sa chin niya.
Nandito kami sa Astro Park habang kumakain ng Ice cream. Yung ice cream na tinatawag na "dirty ice cream" pero hindi siya dirty! Masarap kaya!
Nag enjoy kami ng nagenjoy. Humiga kami sa grass.
Ngayon, hindi kilig ang nararamdaman ko.
Parang.... Saya na hindi ko ma-explain!
Inlove na ba ako?
Oo sinasabi ko lagi na mahal na mahal ko si Hayes. Pero hindi ako seryoso dun noh! Crush na crush ko siya dati at hindi ko siya mahal.
Pero.... iba na ngayon! Ang saya saya ko! Yung sayang may halong kilig sa balun-balunan na dati ay sa mga kamay ko lang!
Tapos.... yung puso ko.
Dati, dub.dub.dub.dub. lang.
Ngayon.. BOOMBOOMBLAGADUM!
Takshapo ka cupid!
Crush na crush ko to! Pero hindi ko hinangad na maging totoo ang pagmamahal ko sakanya!
Kasi.... mas matanda siya sakin.
3 years ang agwat sa age namin.
Tapos, may girlfriend siya.
Yung girlfriend niyang.... Perfect.
At ako... Imperfect.
"Hayes, Mahal na mahal mo talaga si Tinne noh?"
"Mahal na mahal. She's so perfect that i cant explain."
Hindi ako pwedeng ma-inlove sakanya! Masasaktan lang ako!
"Oo nga eh. Bagay kayo. Perfect siya, Perfect ka."
Bigla siyang napaupo pati na rin ako.
"Kung Perfect ako at Imperfect ka at friends tayo.... So Mr. Perfect Meets Ms. Imperfect? Cool! Hahaha!"
Ipinamuka pa sakin ng g@go na perfect sila at ako hindi.
Oh Good Heavens, am i inlove?
"Uy Hayes~ Bili tayong Fish ball! Pati yung kikyam!--Ayun paaa! Waaaah! Tara! Pati balooooottt!!! Ohmygash ang sasarap niyaaan! Ayun! Shet! Isaw!"
"Chill ka lang Yu! Bibili tayo nun lahat!"
****
"Kuya, 20, fishballs po tska 10 kikyam tapos... Ah! Tska po 10 isaw. Tska 2 pong balot."
"Nako iho ang dami ah! Naglilihi na ata ang kasintahan mo?"Sabi ni manong. Hala! Asa lang ako noh. Wushu.
"Hala ka, binuntis mo! Tatadyan ka na ng tatay mo. Lagot ka."Sabi naman nung bata na apo ata nung nagtitinda.
"Nako hindi po! Patay gutom lang po talaga to--"
"Ako lang? Ikaw din noh! Che! Ikaw magbayad!"1 point! WAHAHAHHA!
BINABASA MO ANG
Mr. Perfect meets Ms. Imperfect [Revised&Completed]
Teen FictionNagpapansin ka, iba ang pinansin. Aray noh? Hinabol mo, may ibang hinabol. Sakit noh? Mahal mo, may mahal na palang iba. Ano? Kakayanin mo pa ba? Bigti na. For you, he's perfect. No flaws at all. While you're there, standing in the dark side with al...