Si Alondra

22K 124 5
                                    


PART 1: VENGEANCE IS MINE

"Before setting out for revenge, first dig two graves: one for your enemy and one for yourself.'

                                                                                                 - Confucius, Chinese Philosopher

A SMART man once said, "revenge is a dish best served cold." Alondra believed the saying was true. She waited a lot of years, earned a lot of money, harbored a lot of negative feelings. Now, it was time to get even.

"Pangalan?" tanong ni Alondra kay Marius. Assistant niya si Marius. Nasa opisina sila sa bahay niya. Nakadulog sila sa mesa nang inabot nito sa kanya ang puting folder na hawak nito kanina.

"Kenneth Gatmaytan," sabi ni Marius.

Binuklat ni Alondra ang folder. Kinuha niya sa mesa ang salamin sa mata at isinuot iyon. Litrato ni Kenneth ang una niyang nakita. Maputi si Kenneth, deep set ang mga mata na tila inosenteng-inosente. Matamis ang ngiti sa camera.

"Saan siya nagtatrabaho?" tanong ni Alondra.

"As you can see diyan sa profile, he is a university professor. Nagtuturo siya ng Psychology students sa isang state university."

Binuklat ni Alondra ang mga papel sa folder. She saw it, all right. Binasa pa niya ang profile ni Kenneth.

Interests: singing, playing musical instrument, going to Church.

Tumaas ang kilay ni Alondra. "Church?"

"Kenneth is a very religious man, according sa private investigators natin. He does some charity work and likes teaching kids sa slums at sa mga liblib na parte ng Pilipinas. He likes travelling sa mga bundok, magdodonate ng mga libro sa mga bata na naroon."

Tumango-tango si Alondra. "I wondered how Misha landed this guy."

Kapag naalala niya si Misha ay lalong kumukulo ang dugo niya.

"So, what's the catch?" sabi ni Alondra. "Nalaman ba ng PI natin kung ano ang kahinaan ni Kenneth?"

"Sexually?" tanong ni Marius, umangat ang kilay.

Alondra gave Marius a meek smile. "Of course."

"The PI asked all of his ex-girlfriends. Paid for them to talk. Apparently, he has this kink," Marius said. "Gusto niya ng schoolgirl porn."

Umangat ang kilay ni Alondra. "And he is a professor?"

"You have to understand, fantasy lang ito ni Kenneth. He's a very normal guy na may fantasy. Wala siyang negative record sa university. Students like him."

"I bet," sabi ni Alondra. "Guwapo siya, eh."

"Yes, so the schoolgirl thing is just a fantasy."

Tumitig si Alondra sa mga maamong mata ni Kenneth. Kapag kaya nagnanasa ito, ganoon pa rin kaamo ang mga matang iyon? Gusto niyang malaman ang sagot.

Isinara niya ang folder. "Let's make his fantasy a reality," sabi ni Alondra. Tinanggal niya ang salamin at tumitig kay Marius. "Samahan mo ako mamaya sa mall."

"What would you do?" sabi ni Marius.

"Bibili ako ng tela," sabi ni Alondra, nakangiti. "Magpapatahi ako ng school uniform."

Napailing si Marius. "You are so twisted."

"You don't know half of it," sabi niya.

Tapos ay itinabi niya ang folder na naglalaman ng mga impormasyong nakalap ng PI nila tungkol kay Kenneth. Alam niya na mapapakinabangan pa niya iyon sa mga susunod na araw. Binuksan niya ang drawer niya at inilabas niya ang class picture nila ng section nila, a decade and two years ago.

Tiningnan ni Alondra ang sarili. Her malnourished body, her wiry hair, her pimpled skin, her awkward smile. She looked sick, almost corpse-like. Naalala niya kung gaano siya kahina, kung gaano siya kadaling mauto.

Patay na ang Alondra na iyon. Pinatay niya.

Tiningnan niya si Misha sa class picture. Nakaupo sa dulo si Misha, hindi nakangiti. She had this pink butterfly hair clip. Salubong ang kilay nito habang nakatingin sa camera na parang nasisilaw. It was a sunny day when that picture was taken.

Kinuha niya ang red marker niya sa pen holder niya. Tinanggal niya ang takip at binilugan si Misha. Tapos ay tinitigan lang niya ang mukha ng dating kaklase.

"You're the first one, bitch," she said. And smiled.

Ganti (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon