•Prologue•

12 2 1
                                    

Bakit ako nandito? Isang lakad na lang ay mahuhulog na ko sa bangin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magalaw ang katawan ko. Kanina pa ko nakatingin sa pulang buwan. Wala akong ginawa kundi tumitig dito.

"Eunice!"

Kusang humarap naman ang katawan ko sa kung sinong sumigaw ng pangalan ko. Nakita ko ang isang lalaking tumatakbo palapit sakin. Napako naman ang tingin ko sa mga mata nito na kulay asul at may bahid ng luha.

'Bakit ka umiiyak?'

Gusto kong mag salita pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Naramdaman ko naman ang pag galaw ng paa ko paatras.

'Tulong! Mahuhulog ako!'

Huli na ang lahat ng makalapit ang lalaki. Nahuhulog na ko. Gusto ko man tumingin sa iba pero napako ang tingin ko sa pulang buwan.

"Eunice!" Rinig ko ulit sigaw bago tuluyan lamunin ng kadiliman ang paningin ko.

Nasapo ko naman ang noo pagkagising ko. Anong klaseng panaginip yon? It felt so real. Napahawak naman ako dibdib ko ng maramdaman ang tibok ang puso ko na para bang may nagkakarera.

"Meow."

Napatingin naman ako sa balkonahe sa narinig ko. Nakita ko ang isang puting pusa na may nakakaakit na asul na mata.

"Ang ganda mo naman." Sabi ko at binuhat ito sa kama. Umupo ako sa tabi nito saka hinimas himas ang ulo nito.

'Ang tagal kitang hinintay.'

Napahawak na lang ako sa ulo ko na marinig ang pamilyar na boses.

'Eunice.'

Nababaliw na ata ako. Naramdaman ko ulit ang tibok ng puso na para bang may nag kakarera. Hindi ako nag kakamali ang boses na naririnig ko ay boses ng lalaki sa panaginip ko.

'Hindi yon panaginip, alaala mo iyon.'

Nahilo naman ako bigla. Unti unti naman lumabo ang paningin ko hanggang sa lamunin na ng kadiliman.

Sino ba yung lalaking iyon?

A Love Under The Red MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon