Chapter 18

8 0 0
                                    

Luther's brother

Nagising ako ng wala si Luther sa tabi ko. Kumain ako ng hindi kasabay si Luther. Pumasok ako ng hindi kasabay si Luther. Ewan ko ba kung saan nag punta yung tukmol na yon. Tinanong ko si Fredrick kanina kung saan nag punta yon sagot naman niya ay nauna lang.

So ayun, natapos ang tatlong oras ng ibat ibang klase na nag aalala pa rin kay Luther. Dumako ang tingin ko sa bakanteng upuan ni Lucas. Hindi na naman siya pumapasok?

Dahil wala akong gana kumain napag desisyonan ko na mag libot na lang. kung saan saan na ko napadpad. Umabot pa ko sa garden pero walang tao doon.

Nahinto naman ako sa pintong bukas. Pagkapasok ko doon ay bumungad sakin ang hagdanan pataas. Hagdanan ata  'to papuntang rooftop. Maya maya pag akyat ay nakita ko ang pintuan ng rooftop ng bukas. Sumalubong sakin ang tagilid na pag patak ng ulan. Sasarado ko na dapat ang pinto kaso may nakita akong pamilyar na pigura ng lalaki.

"Luther." Sabi ko. Hindi ko pinansin ang ulan at lumapit pa rin sa kaniya. "Luther!"

Pagkalingon nito sakin ay napahinto ako sa pag lapit sa kaniya. Apat na ako metro ang layo namin sa isa't isa. Kahit umuulan ay hindi ako nag kakamali. Hindi siya si Luther. Kahawig niya ito at meron siyang kulay asul na mata katulad ni Luther.

"The queen..." Sabi nito. Lumapit naman ito sakin at ako naman ay naistatwa. "So it is true. You're awake."

"Who are you?" Tanong ko pagkahinto niya sa harap ko.

"I am Lucian."

Lucian? Sumakit naman ang ulo ko sa sinabi nito. That name sounds familiar. Hindi ko lang alam kung saan ko narinig.

"Lucian Falson." Nakapo ko na lang ang noo ko sa tindi ng sakit sa ulo. "Luther's brother. Nice to finally meet you again my queen."

"Lucian?" Naguguluhan kong sabi. Unti unti naman binalot ng kadiliman ang paningin ko. Gusto ko man dumilat ay nabigo ako. Para bang naubusan ako ng lakas bigla.

'Eunice?'

Rinig kong tawag sakin ng pamilyar na boses.

'It's me, Ellise.'

Para bang piniga ang utak ko sa narinig ko. Another name that's sounds familiar.

'Finally you're awake. Wait for me. I'm coming for you my little sister.'

Sa huling sinabi ng pamilyar na boses na iyon ay minulat ko ang mga mata ko. Napahawak na lang ako sa dibdib ko na para bang may nagkakarera sa loob.

I have a sister? Bakit hindi sinabi sakin ni Fredrick? Bakit hindi sinabi sakin ni Luther?

"You're awake." Napatingin naman ako sa nag salita.

Siya yung lalaki sa rooftop. Nilibot ko ang paningin ko sa hindi pamilyar na silid. Umupo naman ako ng maayos at tiningan ito sa mukha.

"Siguro nalilito ka pa. Dinala kita dito sa bahay ko. Nasa living room tayo." Sabi nito at tumayo.

Pumunta naman ito sa tapat ng isang painting. Sumakit naman ang ulo ko ng makita ang painting ng isang babae. She looks someone I know.

"This is my wife..." Sabi niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa painting. "Ellise Alcon-Falson."

Sumakit naman ang ulo kaya napakapit ako sa ulo ko. He's toying with me. Napahawak naman ako ng mahigpit sa unan sa gilid ko. This guy is playing with my mind.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Love Under The Red MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon