Chapter 5

4 2 0
                                        

New house

Dumating kami sa maynila mga alas-singko ng umaga. Hindi ko naman mapigilan mamangha sa loob ng bahay. Moderno ang disenyon nito at hindi katulad ng bahay ko noon ay makaluma.

"My lady, kung gusto niyo po ay dito na rin ako tumira para tumulong ako sa inyo." Sabi ni Fredrick. Umiling na lang ako sa offer niya.

"Kaya ko naman." Sabi ko at ngumiti sa kaniya.

"Tama, kaya naman namin." Sabi ni Luther. Kinurot ko naman siya dahil sa pag sali niya sa usapan namin.

"Kung ganon ay mauna na po kami ni Fredo. May aasikasuhin pa po kami sa mga negosyo niyo." Sabi nito. Tumango na lang ako.

Mga negosyo? Hindi nila binawasan ang pera ko pero dinagdagan pa nila. Nakakatuwa naman at may ganon pa pala akong tagapaglingkod.

"Asawa ko." Napatingin naman ako kay Luther na hinahatak hatak ay laylayan ng T shirt ko.

"Tumigil ka jan." sabi ko at dumiretso sa kusina.

Pagkadating ko ay binuksan ko ang ref. Napatingin naman ako sa isang bote na may nakadikit na papel. Kinuha ko naman ito at binasa.

'Welcome to your new home, My lady.
-Fredo.'

Jack Daniels? Binuksan ko naman ito at uminom. Kahit mapait ay tinuloy ko pa rin ito sa pag inom. Ano bang klase inumin ito?

"Hoy Eunice! Ano yang iniinom mo?" Sabay agaw nito sakin. Tumikim naman ito at pinandilatan ako. "Bakit ka naman nag lalasing?"

Lumapit naman ito sakin at ako naman ay umatras hanggang sa wala na kong maatrasan kinulong niya ko sa bisig niya at tinitigan ako. Anong problema ng tukmol na to?

"Ang sabi ko, bakit ka nag lalasing?"

"Hindi ko naman alam na alak pala yan." Sabi ko at kumawala sa pag kakakulong niya.

Nag martsa naman ako paalis pero natigil yon ng hawakan ako nito sa pulsuhan. Hinatak niya ako pabalik sa kaniya. Nakakainis naman tong tukmol na ito. Nagulat na lang ako ng hawakan ako nito sa baba at inangat ang ulo ko para makatingin sa kaniya.

"Do you know how happy I am?" Hindi ako sumagot at tumitig sa kulay asul na mga mata nito. "Im very happy. Thanks to you."

Hinalikan niya ako. Hindi iyon normal na halik. Halik na puno ng pagmamahal. Napapikit naman ako at sinagot ang halik niya. Pumulupot ang kamay ko sa kaniyang leeg. Hindi ko alam kung bakit pero ayokong tumigil. Lalo akong lumapit dito at pinag patuloy ang pag hahalik sa kaniya.

"Akyat tayo." Sabi niya ng kumalas sa pag hahalikan namin.

Nakakahiya. Nakakahiya. Nakakahiya!!!

Namula naman ako. Nawalan ako ng control sa sarili. Nakakahiya. Ayoko man amin pero, na bitin ako! Napapikit naman ako sa kahihiyan. Masyado ba akong wild? Nasobrahan ata ako.

Nagulat naman ako ng bitbitin niya ako. Sinubukan ko naman bumaba pero ayaw niya kong pakawalan.

"Hoy, Falson. Ibaba mo nga ko!" Inis kong angil.

"Aakyat tayo. Bababa kita sa kama." Sabi nito.

Namula naman ako sa sinabi at pumiglas ulit. Hindi na ko nakaalis at nadala niya na ko sa isang kwarto. Binaba niya naman ako ng marahan at humiga sa tabi ko. Yinakap niya ko na para bang mawawala ako kapag bumitaw siya.

"Hoy teka lang. Maliligo muna ako." Sabi ko sabay tanggal ng kamay niya.

"Sabay tayo." Sabi nito. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na batukan siya. "Aray!"

Pagkatapos mo ko bitinin gusto mong sumabay sa pagligo. Bahala ka jan. Binukas ko ang cabinet doon at kumpleto nga sa damit. Kumuha ako ng isang T shirt, short, salawal at tuwalya bago dumiretso sa banyo. Kahit sa banyo ay kumpleto. May dalawang toothbrush na hindi pa na bubukasan, toothpaste at kung ano ano pa. Nag umpisa ako na kong maligo at para naman gusto ko ng mag babad sa banyo dahil sa maligamgam na tubig.Nag bihis ako at kumuha ako ng suklay. Habang nag susuklay ay lumabas ako.

Paglabas ko naman ay nakita ko si Luther na mahimbing na tutulog. Dahan dahan naman ako tumabi dito para hindi ito magising. Hindi ko alam pero niyakap ko siya. In his arms I feel safe. Pinatong ko ang kamay ko sa kaniyang dibdib. I can feel his heart beating so fast. Nagulat naman ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Ang tagal mo." Sabi nito.

Lumayo ako sa kaniya ng kaunti at pinag masdan ang mukha nito. Meron siya napaka tangos na ilong. May maliit at mapulang labi. Makapal na kilay. Mas kapansin pansin sa kaniya ang mga mata niyang kulay asul.

Tinitigan niya naman ako na para bang kinakabisado ang mukha ko. Hinawakan niya ang pisnge ko at nanatili ang titig sakin. Ang tingin ko naman ay bumaba sa labi niya.

The next thing I knew nag hahalikan kami. He was kissing me passionately. Gumalaw naman ito para pumangibabaw sakin hangang sa dumausdos ang gilid ng kamay niya sa dibdib ko. Tumigil naman siya at ako naman ay namula.

"Wala kang bra?" Tanong nito.

"Labas!!"

A Love Under The Red MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon