Jealous
Isang linggo na kami dito sa maynila at walang ibang ginawa kundi mag hanada para sa pasukan. Pinagawa ko na lang si Fredo ng pekeng junior high graduate certificate para samin dalawa ni Luther. Si Fredrick naman ay tumanggi at sinabing tutulong na lang sa mga negosyo. Tinuruan din si Luther kung paano gumamit ng cellphone dahil mag kaiba kami ng section pero pareho kami ng strand.
"Oy babae." Tiningan ko naman siya ng masama. Lumapit ito at pinitik ang noo ko. "Hintayin mo ko mamayang uwian ah."
"My lady, malalate na po kayo sa una niyong araw." Sabi naman ni Fredrick. Hindi ko naman pinansin si Luther at pumasok sa kotse
Simula ng gabing yon hindi ko na ulit siya pinatulog sa kwarto. Im still upset. Ewan ko kung bakit, dahil siguro sa kahihiyan.
"Hindi mo talaga ako papansinin?" Hindi ko ulit ito pinansin at tumingin na lang sa bintana.
Pagdating naman sa Wiltern Campus ay puno ng istudyante. Hindi ko naman mapigilan mailang sa sout ko ngayon. Ngayon lang ako nag sout ng palda na above knee. Bwisit na uniporme na to. Napakamot na lang ako sa ulo ko at nag lakad.
"Hintayin mo ko ah." Sabi nito. Tumango naman ako at nag lakad papunta sa classroom.
Pagkadating ko naman ay may mga istudyante na rin doon. Nag hanap naman ako ng bakanteng upuan. Nanlumo naman ako ng makitang sa gitna na lang ang walang umuupo. Gusto ko sana sa may tapat ng bintana. No choice. Nag lakad naman ako papunta dito.
"Sorry." Sabi ko ng masanggi ang table. Pinulot ko naman ang ballpen na nahulog. Natigilan naman ako ng mahawakan niya ang kamay ko. Tumingin naman ako dito at hindi ko mapigilan mapatingin sa asul na mata nito. "Ballpen mo oh." Sabay lapag nito sa table niya. Nakakahiya, napaka clumsy ko.
Simula non ay wala na kong ibang kinausap sa loob ng tatlong oras. Salamat naman at vacant na. Inayos ko na ang gamit kong nakakalat at naglakad palabas.
"Teka!" Napatingin naman ako sa sumigaw. Siya yung lalaking nasanggi ko yung table. "Kakain ka?" Tanong nito sakin.
"Ah, oo."
"Sabay na tayo." Aya nito at naunang mag lakad. Napahinto naman ako ng huminto siya. "Ako pala si Lucas. Lucas Falson." Sabay lahad ng kamay nito. Tinanggap ko naman ito at ngumiti sa kaniya.
Falson? Kaapelido niya si Luther. Maybe I'm just exaggerating. Baka coincidence lang na magkaapelido sila ni Luther.
"Eunice Alcon." Sabi ko naman.
"Tara na." Aya nito. Naglakad naman siya, ako naman ay nakasunod lang sa kaniya.
Pagdating naman cafeteria ay nilibot ko ang paningin ko. Hinahanap ko kahit anino man lang Luther pero wala akong nakita. Nasan na kaya yon? Ayaw niya ba kumain?
"Ano ba kakain mo? Ako na bibili. Ikaw na lang mag hanap ng upuan." Sabi nito.
"Ah kahit ano basta makakain kasama ng kanin." Sabi ko. Inabot ko naman ang pera ko sa kaniya at naghanap ng upuan.
Nang makahanap ako ay umupo ako. Tinass ko naman ang kamay ko ng makita ko si Lucas lumilinga para makita niya ko. Nakita niya naman ako at nag lakad palapit sakin.
"Hindi ko alam kung anong gusto mong kainin kaya tinola lang ang binili ko." Sabay lapag ng mangkok na may tinola at plato na may kanin.
"Salamat." Sabi ko at nginitian ko siya. Tumango lang ito at nag simulang kumain.
Nagsimula naman akong kumain. Hindi ko naman maalis sa isip ko si Luther. Parang kanina lang gusto niya ko kasama ngayon wala siya. Pagkatapos namin kumain ay sabay kami naglakad pabalik sa classroom.
Pag kapasok namin ay saktong dumating ang guro namin at nag umpisa ng mag klase. Natapos naman ang apat na oras sa sunod sunod na klase. Makakauwi na din. Nag unat muna ako bago tumayo.
"Uuwi ka na?" Tanong ni Lucas sa akin.
"Hindi pa may hihintayin pa ko." Sabi ko at tumalikod.
"Sandali, samahan na kita." Sabi nito. Sinabayan naman niya ako mag lakad.
It feels so strange. He's being awfully nice to me. Nang makarating sa gate ay wala akong nakitang Luther. Naghintay kami ng thirty minutes pero wala pa rin. Umuwi na siguro yon.
"Umuwi na ata yung kasabay ko. Mauna ka na umuwi. Mag papasundo na lang ako sa kakilala ko." Sabi ko at tumalikod sa kaniya.
Nakakahiya. Pinag antay ko pa siya dito ng matagal. Napatingin naman ako sa kaniya ng hawakan niya ang braso ko. He has the same eyes of Luther.
"Eunice." Tumingin naman ako sa gilid ko at nakita si Luther. Kanina pa ba siya nandito?
"Nag iintay sa may labas si Fredrick." Malamig nitong sabi."Ah, pasensya pinag hinatay kita ng matagal. Ingat sa pag uwi." Sabi ko habang kumakaway paalis.
Sinabayan ko naman si Luther mag lakad. Hindi niya ko tinapunan ng tingin o kinausap man lang. Binuksan naman ni Fredrick ang pinto ng kotse at umupo ako sa may likod. Nanibago naman ako kay Luther ng umupo ito sa harap.
Ano kayang problema nito sakin? Wala naman akong ginagawa sa kaniya. Tss, para siyang babae umasta.
Hanggang sa nakadating kami sa bahay at nakauwi na si Fredrick ay hindi pa rin niya ko pinapansin. Binaba ko naman ang gamit ko sa sofa at nag tungo sa kusina. Kinuha ko mula sa ref ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto ng Menudo.
Mabilis naman akong natapos kaya hinanda ko na ang mesa para kumain. Umakyat naman ako sa taas para mag palit. Pagkapalit ko ay kumatok ako sa pintuan ni Luther pero hindi siya sumagot.
"Luther, kakain na." Muli naman akong kumatok pero wala naman akong narinig sagot sa kaniya.
Bumaba na lang ako at kumain mag isa. Nagtira naman ako kung sakaling magutom siya mamaya. Kahit galit siya sakin sana naman ay sinabayan niya ko. Niligpit ko ang pinagkanan ko at pinatay ang ilaw sa kusina.
Narinig ko ang yapak niyang pababa. So ngayon siya bababa kapag tapos na ko kumain. Ang galing talaga nito mamikon. Umakyat naman ako ng hindi siya tinatapunan ng tingin.
"Eunice." Sabay hawak niya sa braso ko. "Im sorry. I was jealous." Sabi nito.
Humarap naman ako sa kaniya at tinangal ang pagkakahawak ng kamay niya sakin. Bahala siya. Im not in the mood. Pagkapasok ko sa kwarto ay nilock ko ang pinto.
Jealous of what? Sa kaklase ko? Tss, He should have known much better. Im disappointed. Hindi ko inakalang matitiis niya ko.
Humiga naman ako sa kama ng makaramdam ng presensya ng antok. I closed my eyes. For some reason I felt cold.
BINABASA MO ANG
A Love Under The Red Moon
VampirSi Eunice ay ang reyna ng mga bamipra. Nawala ang mga alaala niya ng tumalon siya sa isang bangin one hundred twenty five years ago. Laking pagtataka niya ng magising ito sa isang ospital. Hangang sa may dumating na lalaki at sinabi na mayroon siyan...