The Snake
Bumalik ang lahat sa normal. Sabay na kami pumasok at sabay na rin kami kumain sa school. Dun na naman siya sa kwarto nag tutulog. Kailangan niya daw ako bantayan at baka saan lupalop na naman daw ako mapunta.
"Hintayin mo ko mamaya babae." Sabi nito. Kakatapos lang namin kumain at hinatid niya ko ngayon sa room ko.
"Opo." Sabi ko dito. Lately napaka bossy niya na. But I find it cute for him.
"Wag mo ng isama yung kengkoy na yon ah." Sabi nito at sinamaan ako ng tingin.
"Sinong Kenkoy?" Takang tanong ko.
"Yung lalaking kasabay mo noon." Sabi nito sabay kurot ng pisnge na para bang pinang gigilan. "Trip mo kong pagselosin eh noh?"
"Baka ikaw." Sabay suntok sa tiyan nito.
"Nagseselos ka?" Napairap naman ako sa tanong niya. "Kanino?"
"Wala." Sabi ko at tumawa. "Pasok na ko mag uumpisa na yung klase. " Tumango lang ito at naglakad paalis.
Napatitig na lang ako sa upuan ni Lucas. Dalawang araw na siya absent. Ano kayang nangyari don? Maya maya ay dumating ang ang isa namin guro at nag simula ng mag turo.
Pagkadismiss naman ni Ma'am ay nagdiwang ang mga kaklase ko ba wala ang pangalawa sa huli naming guro. Dahil bawal lumabas kapag hindi pa uwian ay napag pasyahan kong mag libot libot.
Napapad naman ako kung saan ako dinadala ni Lucas. The school garden. Dumako naman tingin ko sa babae na nakahawak sa lalaki. Yung lalaki naman ay may hawak na walis at hinahampas ang lapag. Lumapit ako dito at nakita ko ang puting ahas na may napakagandang asul na mata.
"Teka lang ano ginagawa mo!" Sabay tulak sa kaniya palayo sa ahas.
"Makakakagat yang ahas na yan!" Sigaw ng lalakin sakin.
"Wala pa naman ginagawa sa inyo!" Inis kong sigaw at kinuha ang ahas. Pumulpot naman ito sa kamay ko.
Tumayo naman ang lalaki at umalis kasama ang babae. Napatingin naman ako sa ahas na nakapulupot sa kamay ko. Kawawa naman ito. Hindi naman sila inaano pero kung mapanakit sa hayop wagas. Napatitig na lang ako sa asul na mga mata nito ng tumingin ito sakin.
"Lucas." Wala sa sarili kong sabi. Umiling iling nalang ako at nilapag ang ahas sa damo.
"How did you know?" Rinig kong sabi ng pamilyar na boses. Napatingin naman ako ahas at nag ibang anyo ito.
Nag angat ito ng tingin at pagkakita ko palang sa mata nito ay kilala ko na. Its Lucas. He's not a human.
"Why so shocked? Hindi naman tayo nag kaiba." Nagulat naman ako sa sinabi nito.
He knows I'm not a human. How?
"How did you know?" Taka kong tanong.
"Im a gentleman, Eunice I can't leave you at the mall while your body is burning up like hell." Tumayo ito at tumingin sakin ng diretso. "So I followed you to the park. You did absolutely nothing then the boys came."
"N-nakita mo?" Gulat kong tanong.
"Yup, I was about to help but I froze when I saw you lift him up. I saw everthing." Lumapit ito sa kaliwang tenga ko. I can feel his breath. It sent shivers down my spine. "I saw how you killed the dude. Don't worry your secret is safe with me. Yung lalaking pinatay mo? He deserve it. That guy kidnaps kids and rapes them."
"I trust you to not spread a word." Sabi ko dito at tumalikod.
"Anything for you Eunice." After that ay tuluyan na akong umalis para pumasok sa susunod kong klase.
Habang nag lalakad hindi ko mapigilan mapaisip. There's more like me huh. What was I like before? Do I have friends before? Dumako naman ang paningin ko sa babaeng masama ang tingin sakin. Somehow she has different eyes right know. Hindi katulad noon ay nakakalunod tinggan nito. Nakakapagtaka ang mga mata niyang parang reptile eyes. Lumapit ito at napatitig lang ako sa mata niya.
"Stay away from Luther." Malamig na sabi nito. I just starred at her eyes. Her eyes are totally different from before. Baka katulad din siya ng kapatid niya.
"May lahi kayo ahas ano?" Natigilan naman ito at bumalik sa dati ang kaniyang mga mata.
"W-what do you m-mean?" Nauutal niyang tanong.
"Listen to me." Lumapit ako sa tenga and I can hear her heart beat. "You should stay away from what is mine." Pag kasabi ko non ay iniwan ko na siya ng tuluyan.
No one is going take away Luther from me. Who ever tries , I'll make them pay.
Mamaya ay nakarating na ko sa classroom. Saktong pagdating ko dumating na ang huli naming guro. Nakinig naman ako ng mag turo ito. Hindi ko naman mapigilan ngumisi nang malaman na tungkol sa reptiles ang topic namin ngayon.
What a coincidence.
Maya maya ay nag dismissal na ang guro. Binitbit ko naman ang bag ko at lumabas ng silid. Pag kalabas ko ay nakita ko si Luther. My mood change when I saw that girl again. Her eyes were normal again. She got the nerves to show up again.
"Eunice, this is Lilie my classmate." Sabi ni Luther pagkalapit ko.
"Im Eunice Alcon. Nice to meet you." Sabay lahad ng kamay ko.
"Lilie Falson." Maikli niyang sabi at nakipag kamay sakin. Dama ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko pero hindi naman masakit.
"Do you like reptiles?" Tanong ko dito. I saw her eyes changed again. "What a coincidence, you guys have the same surname. Mag asawa kayo?"
"What are you saying, Eunice?" Naiinis na tanong sakin ni Luther.
"Nothing. I was just joking." Sabay siko kay Luther. "Do you like reptiles?" Tanong ko kay Luther.
I saw her eyes changed again. I confirmed it, she's like her brother.
"No, why?"
"Nothing , just asking." Sabi ko at nag lakad na palayo.
No one takes whats mine. This is a game she won't win.

BINABASA MO ANG
A Love Under The Red Moon
VampireSi Eunice ay ang reyna ng mga bamipra. Nawala ang mga alaala niya ng tumalon siya sa isang bangin one hundred twenty five years ago. Laking pagtataka niya ng magising ito sa isang ospital. Hangang sa may dumating na lalaki at sinabi na mayroon siyan...