Chapter 15

3 0 0
                                    

Cliff

Bumangon naman ako sa higaan ko ng hindi pa rin makadama ng antok. Alas dose na at hindi pa rin ako makatulog. Maybe a walk could help?

Kahit naka night dress ay nag suot ako ng jacket at napagpasyahang lumabas. Naglakad ako ng naglakad pero hindi pa rin ako dinalawan ng antok. Huminto na ko sa paglalakad ng mapunta sa isang cliff. Pag nahulog ka dito ay diretso ka sa bato bato at nag wawalang agos na tubig ng dagat.

Kahit malayo layo ay dama kong may sumusunod sakin. Alam ko na kung sino iyon amoy pa lang. Tumitig na lang ako sa buwan at hinintay siya makalapit.

"Hindi mo kailangan mag tago... alam kong sinusundan mo ko." Tumingin naman ako kung saan siya nag tatago. "Lucas."

Lumabas naman ito sa anyong puting ahas. Lumapit ito sakin bago ito nag anyong tao. I starred at his blue eyes. Sana ganyan din kaconcern sakin si Luther.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sa akin. Tinalikuran ko naman siya at muling tumingin sa buwan.

"Hindi ako makatulog kaya ako pumunta dito." Sagot ko sa kaniya. "Ikaw bakit mo ko sinusundan?"

"Nakakapagtaka lang kasi kung anong gagawin ng babae sa labas ng ganyan ang suot." Sabi nito at tumabi sakin. Natawa na lang ako sa sinabi niya pero hindi ko pa rin maiwasan malungkot.

I really wish na ganyan kaconcern si Luther para sa akin.

"Now is the perfect time to say this." Sabi nito. Hindi ko naman maiwasan malito sa sinabi nito.

"Eunice, I don't know what this feelings are." Rinig ko sabi nito. Humarap naman ako sa kaniya at tiningan siya sa mata.

Is he about to confess? Hindi naman ako nakagalaw ng yakapin ako nito.

"When I first saw you, I knew you weren't human. I can tell by smelling you."

Alam niya una pa lang? Then why did he act so nice to me?

"You're not human but you act like one. Hindi ko alam kung paano... pero kinain ng kadiliman ang mundo ko tapos dumating ka. You showed me light. Wala kang ibang ginagawa pero kada makikita kita lahat ng makikita ko lumilinaw."

I didn't do anything to make him feel this way.

"Eunice Alcon... I think I'm inlove with you."

Pagkasabi non ay hindi ako nag salita o gumalaw.  Nanatili lang itong nakayakap sakin. I dont know what to do but I have to say this.

"Lucas... I'm sorry—"

"Stay away from her!" Napatingin naman ako sa sumigaw. It was Luther.

Kumalas naman ako sa pagkakayakap. Naglakad ako papunta sa kaniya pero napako ang tingin niya kay Lucas. I saw his blue eyes full of anger.

"Luther... look at me." Tawag ko dito pero nanatili pa rin ang tingin nito kay Lucas. "I said look at me!"

"I told you to stay away from her." Natigilan naman ako sa sinabi ni Luther. "Hindi siya tao Eunice. Get away from him."

"At bakit naman kita susundin? Eh wala ka naman ibang ginawa kundi pag selosin si Eunice!" Sabay sugod ni Lucas kay Luther.

"Stop!" Sigaw ko ng mag away ang dalawa.

Nang magkahiwalay sila ay humarang ako sa tapat ni Lucas. Nakita ko naman labi ni Luther na dumudugo. Gusto ko siyang lapitan pero mali ang ginawa niya kay Lucas.

A Love Under The Red MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon