Friendly date
Sabay kaming umuwi ni Lucas kahapon at hinatid niya ko samin. Pagkauwi ko naman wala si Lucas. Hindi ko rin siya nakasabay sa papasok ngayon.
I was worried all night. Tinatawagan ko siya pero out of reach siya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ng lalaking yon at hindi umuwi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nag rereply or nag cacall back.
Hindi ko naman maiwasan matulala sa kakaisip kung nasaan siya. Sana man lang kasi nag paalam siya para hindi ako nag aalala. Napakamot na lang ako ng ulo pagkadismiss ng teacher sa klase. Walang pumasok na lesson sa utak ko sa pagkatapos ng tatlong oras.
"Anong nangyayari sayo?" Tumingin na lang ako kay Lucas. His eyes reminds me of Luther.
Nasaan na ba kasi yung monggoloid na yon?
"Wala." Sabi ko at binitbit ang bag ko.
"Sabay tayo kumain." Tumango na lang ako at sinundan siya papuntang cafeteria.
As always maraming tao. Amoy na amoy ang iba't ibang ulam. Nakakagutom. Kumain na ka siya?
"Umupo ka na, ako na bibili." Sabi ni nito. Kinuha ko naman ang isandaan sa wallet ko at binigay sa kaniya.
Pag kahanap ko ng upuan ay umupo na ako. Hindi ko naman mapigilan mapangalungbaba. Kung may lakad man lang siya sana ipinaalam niya sakin. Ano bang problema ng tukmol na yon? Maya maya ay dumating si Lucas dala ang pagkain at binagay ang sukli ko.
"Is there something bothering you?" Tanong nito pagkaupo.
"Im just worried. Naalala mo yung lalaking hinintay ko noon? Hindi kasi siya umuwi kahapon. Hindi ko pa rin siya nakikita ngayon." Sagot ko sa kaniya.
"Mamaya mo na problemahin. Kumain ka muna." Sabi nito. Nginitian ko naman siya.
Nag simula naman kami kumain. When I'm with Lucas, he really reminds me of Luther. Si Lucas ay merong asul na mga mata na katulad ni Luther. Tipong nakakalunod pa tumitig dito. Umiling iling na lang ako na maalala kung paano ako titigan ni Luther at pinag patuloy ang pag kain.
Natapos kami kumain at napag pasiyahan bumalik sa classroom. Napako naman ang isang tingin ko sa isang table. Our eyes met pero nag iwas tingin agad ito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Should I be happy kasi nakita ko na siya? O should I be sad kasi kasama niya ulit yung babae?
Hindi siya uuwi tas makikita ko siya na may kasamang ibang babae. Does he even consider what would I feel? My heart ached when I saw him smile to that blue-eyed girl.
"Don't look." Rinig ko sabi ni Lucas. Tinakpan niya ang mga mata ko gamit ang kaniyang palad. He's always saving me from crying.
Inakay niya naman ako palabas ng cafetria ng nakatakip pa rin ang palad niya sa mga mata ko. Pag katanggal niya sa pgkakatakip ay hinawakan niya ko pulsuhan. The next thing I knew we were running.
He brought me here again. Napahawak naman ako sa dibdib ko ng maalala ang nakita ko kanina. Yung tukmol na yon, nakakainis. Kung gusto niya pala makipag landian, eh sana sinabi niya para hindi ako nag aalala.
"I saw it again." Rinig kong sabi ni Lucas. Napatingin naman ako dito na nakatingin sa puno. "I saw the pain in your eyes again."
Lumapit ito sakin at tinitigan ako. My heart ached again when I stared back at his eyes. He really reminds me of Luther.
"Kahit bahid ng kalungkutan sa mga mata mo ang ganda pa rin nito tingan." Sabi nito.
"Thank you." Sabi ko at nginitian siya.

BINABASA MO ANG
A Love Under The Red Moon
VampireSi Eunice ay ang reyna ng mga bamipra. Nawala ang mga alaala niya ng tumalon siya sa isang bangin one hundred twenty five years ago. Laking pagtataka niya ng magising ito sa isang ospital. Hangang sa may dumating na lalaki at sinabi na mayroon siyan...