Moving out
Tatlong araw na ang lumilipas. Nakakaalala na ko ng nakaraan ko ng kaunti. Napatingin naman ako kila Fredrick at Luther. Kahit ilang dekada pa kami nabubuhay kaylangan namin mamuhay na para bang normal na tao.
"Fredrick, Luther." Tawag ko sa kanila.
"Yes, my lady?"
"Bakit po, wife?" Binatukan ko naman siya. "Aray! Bakit ba?"
"Uuwi tayo ng maynila." Sabi ko. Napakamot naman si Fredrick sa ulo.
"Bakit naman po?" Tanong niya sakin.
"Mag aaral tayo." Sagot ko. "Kailangan natin makihalubilo sa mga tao."
"Anong meron sa manila?" Takang tanong ni Luther.
"Hindi ka pa ba nakakapunta don?" Takang tanong ko.
"Hindi pa. Hindi naman ako umalis dito."
Naawa naman ako sa sinabi niya. Talagang hinintay niya ko dito. For how many years, he waited for my return.
"Kung ganon po ay pupuntahan ko na po si Fredo." Sabi ni Fredrick.
"Fredo?" Takang tanong ko.
"Isa rin po siya sa servant niyo. Siya rin po ang abugado na kumausap sayo." Sabi nito. Napakamot naman ako ng ulo ko. So sila pala ang nag alaga ng ari arian ko habang tulog ako.
"Kalhati na lang pala natitira sa naiwan na pera sakin." Sabi ko.
"Wag po kayong mag alaala si Fredo po ang nag papalago ng pera niyo."
"Ganon, buti naman. Sa totoo lang hindi ko kayo nakikita bilang servants. Nakikita ko kayo bilang kaibigan." Sabi ko at ngumiti.
"Ahh ganon po ba. Kaya namin maging kahit ano basta para sa inyo." Sabi nito ng pormal.
"Edi pwede ko ba kayong maging kaibigan?" Tumango naman ito sa tanong ko
"Una na po ako." Pag papaalam nito.
"Sige, ingat." Sabi ko at tukuyan na siyang umalis.
"Para naman akong hangin dito." Sabi nito. Natawa naman ako sa mukha nitong parang nalugi.
"Tara alis tayo." Aya ko sa kaniya.
"Saan tayo pupunta?" Tanong niya.
"Bibili tayo ng gamit niyo. Kain din tayo sa labas." Sabay hatak ko sa kamay niya. Gumuhit naman ang ngiti labi niya sa sinabi ko.
Babawi ako sa mga taon wala ako sa tabi mo. Sumakay kami tricyle papuntang bayan. Balak ko siya bilhan ng damit at mga gagamitin pag papasok na kami. Pagdating namin sa bayan ay para naman siyang bata habang nililibot ang kaniyang mata.
"Ngayon ka lang nakapunta dito?" Tanong ko.
"Hindi ako umalis don." Sagot niya. "Teka ano yon?" Sabay turo sa mga taong nakukumpulan sa may tusok tusok.
Hinila ko naman siya at pumunta don. Nakipagsiksikan kame hanggang sa mapunta sa may tapat. Kumuha ako naman ako ng isang baso at nag lagay ng tatlong kwek kwek't atay.
"Tikman mo to." Sabay abot ko ng baso. Tinanggap niya naman at tinikman.
"Ang sarap." Sabi nito at ngumiti. "Tikman mo." Sabay subo sakin ng kwek kwek.
"Tara na." Aya ko sa kaniya pagkatapos namin. Sinundan niya naman ako.
Naglibot libot kami hanggang saan mapadpad sa lugar na maraming nag titinda ng damit. Hinila ko naman siya sa tindahan ng T shirt.
"Pili ka ng gusto mo." Sabi ko. Pumili naman siya ng limang damit at lumapit sa akin. Pumunta naman kame sa tindera at nag bayad. Siya na ang nahawak ng plastic at nag patuloy kami sa pa pamimili.
Mga alas-singko naman kami natapos mamili at nag pasiyahang umuwi. Samakay naman ulit kami sa tricycle pauwi. Nagtaka naman ako makita ang isang mamahalin na kotse sa tapat ng bahay ko. Nauna naman ako pumasok kesa kay Luther. Narinig ko siyang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko yon pinansin.
"My lady." Nagulat naman ako ng sumulpot sa gilid ko si Fredrick.
"Kaninong kotse yung nasa labas?" Tanong ko.
"Kay Fredo po. Siya po ang mag susundo satin ngayong gabi." Paliwanag niya.
"My lady." Napatingin naman ako sa kabilang gilid ko.
"Fredo."
"Ikaw talaga Eunice. Sabi ko hintayin mo ko." Sabi ni Luther at umakbay sakin.
"Akala ko bukas pa aalis hindi ako nakapag impake." Sabi ko at napakamot na lang sa ulo.
"Hindi na po kailangan. May gamit na po kayo sa bahay at lupa sa maynila." Sabi ni Fredo.
"May bahay ako don?" Takang tanong ko.
"Nais ko pong huminggi ng tawad. Ginalaw ko ang inyong mga yaman at pinalago." Sabi nito at yumuko sakin.
"Ok lang." Ngumiti naman ako. "Kahit wag na mango-po. Hindi naman na ako reyna." Sabi ko dito.
"Kahit wala na pong sinusunod na reyna ay ang pinangako namin sa inyong mag lilingkod kami at dadalhin namin iyon hanggang kamatayan." Singit naman ni Fredrick.
"Kukuha na lang po ako ng tauhan para bantayan ang inyong bahay dito." Sabi nito. "Tara na po." Sabi ni Fredo at nauna na sa paglabas.
"Iniwan mo ko." Napatingin naman ako kay Luther na nakanguso. Kinurot ko na lang ang pisnge nito at tumawa. "Bat ka tumatawa?"
"Ang cute mo kasi."
"Ms. Eunice!" Tawag sakin ni Fredrick mula sa labas.
Hinawakan ko naman sa kamay si Luther at sabay na lumabas. Sumakay kami sa likod ng kotse. Si fredo ay ang mag mamaneho at si Fredrick naman ay nakaupo sa harap.
Napatingin na lang ako kay Luther nang sinandal nito ang ulo nito sa balikat ko. Hinding hindi na kita iiwan.
Pangako.

BINABASA MO ANG
A Love Under The Red Moon
VampierSi Eunice ay ang reyna ng mga bamipra. Nawala ang mga alaala niya ng tumalon siya sa isang bangin one hundred twenty five years ago. Laking pagtataka niya ng magising ito sa isang ospital. Hangang sa may dumating na lalaki at sinabi na mayroon siyan...