The cat
Simula kagabi ay hindi na umalis sa tabi ko ang pusa. Parati tong nakasunod sa akin. Kahit nasa banyo ako ay kakalmutin niya ang pinto hanggang sa papasukin ko siya.
Nag unat naman ako pagkatapos ko mag walis. Pangalawang araw ko na dito sa bago kong bahay. Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng bahay. Wala naman akong maalala sa nakaraan ko. Hindi ko nga alam kung may naging pamilya ba ko.
Biglaan na kang ang mga nangyari ng dumating yung abugado. Binigay niya sakin yung titolo at napakalaking pera. Pag mamayari ko daw tong mga ito. Binigay niya rin sa akin lahat ng papeles ko. Katulad ng birth certificate, civil registry, junior high school diploma at kung ano ano pa.
Wala pa rin akong nabibiling furniture para sa bahay. Meron lang itong isang lamesa, dalawang upuan at isang malaking kama sa itaas. Balak ko sana rin bumili ng pintura. Bakbak at luma na ang pintura ng bahay na ito at mukhang walang nakatira.
Ngayon araw ay nag babalak na ko bumili ng Pintura at konting kagamitan para sa bahay. Kinuha ko ang wallet ko at sinugurong lahat ng ilaw ay nakapatay bago lumabas.
"Meow!"
"Kasalanan mo yan paharang harang ka." Sabay urong sa pusa gamit ang paa ko. Sinarado ko na ang pinto at sinigurong nakasara yon. Baka mamaya manakawan pa ko.
'Ikaw na tong nang apak ikaw pa galit.'
Madalas ko na marinig ang boses na yon pero hindi ko na lang pinapansin. Nagulat naman ako ng pagharap ko ay may batang lalaki.
"Ikaw yung bagong nakatira diyan ate?" Tanong nito sakin. Lumapit naman ako dito at yumuko para mapantayan siya.
"Oo, bakit?" Tanong ko.
"Matagal ka ng hinihintay nung pusa." Sabi nito. "Ayan siya oh." Sabay turo sa puting pusa na nakadikit sa paa ko.
"Matagal niya na kong hinihintay?" Takang tanong ko.
"Oo, naawa nga ko sa kaniya. Nag hintay siya dito mag isa." Sabi nito at ngumuso.
"Buti na lang nandito na ko noh?" Sabi ko at hinawakan siya sa ulo. "Uwi ka na sa inyo. Aalis kasi kami."
"Ahh sige po. Ingat!" Sabi nito habang kumakaway paalis.
Napatingin naman ako sa pusa na kinikiskis ang ulo sa binti ko. Inurong ko ulit to gamit ang paa ko at nag lakad ulit. Sumakay na lang ako ng tricycle papuntang bayan. May kalayuan din kasi ang bahay ko sa bayan. Siyempre hindi naman mawawala ang puting pusa. Nakaupo ito ng maayos sa tabi ko.
Maya maya ay nakarating kami sa bayan. Una naman itong bumaba sakin. Iligaw ko kaya to? Habang tumitingin ng pwedeng bilhin ay sinasabayan nito ako mag lakad.
"Miss, sayo yang pusa na yan?" Tanong ng isang lalaki na nakasalubong ko.
"Oo, gusto mo sayo na lang?" Sabi ko.
"Talaga!" Hahawakan na niya dapat ang pusa kaso inangilan siya nito.
"Eh, wala pa palang anti rabies ito." Sabay bitbit ko ng pusa at nag lakad paalis. Pag nakakagat pa to ako pa mag babayad
'Wala akong rabies!'
Napahawak na ulit ako sa ulo ko ng marinig ulit ang boses na iyon.
'Binubugaw mo na ko.'
Malungkot naman ang pagkakasabi nito. Hindi ko naman mapigilan makonsensya. Hinimas himas ko na lang ulo nito.
Bumili ako ng mga sabon at pagkain. Gusto ko sana bumili ng mga pintura ngayon pero kulang yung dala kong pera. Mag gagabi ng makauwi kami. Bitbit ko pa rin tong tamad na pusa na ito.
Kumain lang ako cup noodles ngayon gabi at tinatamad akong magluto. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ko para maligo. Siyempre hindi mawawala ang pusang parating nakasunod sakin. Nilabas ko naman siya ng sumunod siya sakin sa loob ng banyo. Narinig ko naman ang pagkalmot niya sa pintuan.
Bahala siya dyan. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na rin ako sa loob ng banyo. Pagkalabas ko naman ng banyo ay nakita ko ang puting pusa na nakahiga sa kama ko.
Feel at home masyado. Tumabi na lang ako dito at nagkumot. Pinikit ko na ang mga mata ng madama ang presensya ng antok.
"Take on me, take me home... I'll be gone."
Nagising naman ako ng may marinig na kumakanta. Napakapit naman ako ng mahigpit sa unan ko ng makitang may lalaking nakaupo sa gilid ng kama ko. Nakatalikod ito sakin kaya hindi niya alam na gising na ako.
"In a day or two." Patuloy nito sa kanta nito.
Agad ko naman hinila ang unan ko at hinampas sa kaniya.
"Talagang dito ka pa kumanta." Sabay hampas ulit sa kaniya.
"Teka! Teka!— aray!" Hindi ko pa rin tinigilan ang kakahampas sa kaniya ng unan. "Ako yung pusa!" Nag ibang anyo ito.
Siya yung pusang puti! Hinampas ko ulit ito kaya siya tumulpik.
"Pagkatapos mo kong di pa kain ganto susukli mo." Sabay talon ulit sa kama.
"Nag sasalita ang pusa!" Sabay hampas ko ulit dito.
"Teka nga lang!" Nag anyong tao ulit ito at seryosong tinggan. "Mapanakit ka na Eunice!"
"Ikaw! Ikaw yung boses na naririnig ko." Sabi ko at akmang hahampasin siya ulit.
"Mag papaliwanag ako." Sabi nito. Napatitig naman ako sa mata nito.
"Ikaw, ikaw yung lalaki sa panaginip ko."
"Hindi yon panaginip ang kulit mo." Sabay kamot nito sa ulo. "Alaala mo yon."
"Sino ka ba?" Akmang hahampasin siya ulit.
"Luther Falson." Ngumiti ito sakin. Ako naman ay na dedemonyo at gusto ko siyang hampasin ulit.
"Long time no see, Love."

BINABASA MO ANG
A Love Under The Red Moon
VampireSi Eunice ay ang reyna ng mga bamipra. Nawala ang mga alaala niya ng tumalon siya sa isang bangin one hundred twenty five years ago. Laking pagtataka niya ng magising ito sa isang ospital. Hangang sa may dumating na lalaki at sinabi na mayroon siyan...