Chapter 2

10 2 0
                                    

Soon to be wife

Nagising na lang ako ng may naramdaman na kung anong mabigat sa tiyan ko. Hindi ko naman mapigilan mapatili ng makita nakayakap sakin ang lalaki kagabi.

"Tarantado ka!" Sabay sampal ko sa kaniya. Tumayo naman ako at kinuha ang vase sa may tabi ng night table. "Wag kang lalapit!"

"Kumalma ka muna!" Inis nitong sabi. Siya pa may ganang mainis.

Nababaliw na ata ako. Pusa na nag aanyong tao? Nababaliw na siguro ako. Napahawak naman ulit ako sa ulo ng makaramdam ng hilo.

"Hindi mo lang ako naalala." Sabi nito sa malungkot na tono. "Lilinaw din ang lahat kapag nakaalala kana." Nag anyong pusa siya at umalis.

Im just hallucinating. Tumayo na ko para makapag ayos. Pagkatapos ko mag sipiliyo at hilamos ay kinuha ko ang mga susi ng bawat pinto ng bahay. Napag desisyonan ko mag linis at baka may makita ako na makapapagpaalala ng nakaraan ko.

May kalakihan ito at luma ang disensyo. Maganda na sana ito kaso puro alikabok at bakbak ang pintura.

Una akong pumasok sa tapat ng kwarto ko. May malaking piano dito at isang malaking tela na nakasabit sa pader. Binuksan ko ang kurtina para magkaroon ng silaw ng araw. Pag kabukas ko naman ay nagliparan ang mga alikabok. Naubo ubo pa ako.

Hindi ko mapigilan mamangha sa view na nakita ko mula sa bintana. Bukod sa kulay asul na langit ay nakakalmang tinggan ang mga puno na nakapaligid sa bahay.

Nag umpisa na kong mag walis at para bang walang katapusan ang alikabok sa kwarto na 'to. Napatingin naman ako sa puting tela. Lumapit ako at hinila ito. Napapikit na lang ako ng mapuwing ako dahil sa alikabok. Pag kamulat ko ng mga mata ko ay nakita ko ang malaking portrait ko. So ako nga talaga ang may ari ng bahay na to.

"Ako ang nag pinta niyan." Nagulat naman ako ng may mag salita sa likod ko. Yung lalaki lang pala. Teka! Nababaliw na ata talaga ako. Nakaupo ito sa upuan ng piano at seryosong naka tingin sakin.

"Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa diyan?" Sunod sunod kong tanong. Napakamot na lang ako sa ulo ng tanungin ko ito. Naalala ko Im just hallucinating.

"Oo." Sagot nito. "Kelan ka maniniwala?" Tumayo ito at lumapit sakin. "Ikaw ang reyna... ako naman ang iyong mapapangasawa."

"Hindi ako reyna—" Nagulat naman ako ng suntukin nito ang pader sa gilid ko. "Ano bang problema mo?"

"What do you expect me to feel?" Tanong nito. Napatitig naman ako sa mga mata nitong puno ng galit. "I've been waiting for years for you. You came back like what you promised pero nakalimutan mo ko!"

Hindi ko alam pero na konsensya ako. Niyakap ko siya at binaon ang ulo ko sa dibdib niya. Why am I feeling this? Why does it hurt me seeing him this way? Why do I feel this way? Hindi ko nga alam kung totoo ba siya o gawa gawa lang ng isip ko.

"Will you trust me?" Tanong nito. Nag angat tingin naman ako sa kaniya. Nakita ko ang mga mata niya na parang kaunti na lang ay tutulo na ang luha dito.

Am I that special to him?

"I will." Sagot ko. Nanlaki naman ang mata ko ng sugatan njya ang gilid ng leeg nito. "Teka, ano ginagawa mo?"

"Sipsipin mo." Maikling sabi nito ng may seryosong tono.

"What? Ayoko!" Hindi na ko nakapalag ng hilahin niya ang ulo ko papunta sa leeg niya. Maya maya ay nalasahan ko  na ang dugo niya.

Para naman akong naadik sa lasa nito. It's sweet. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hugupin ang dugo niya. Unti unti naman nilamon ng kadiliman ang paningin ko.

Where am I? Wala na kong makita kundi walang katapusan na kadiliman. Maya maya ay bigla na lang lumiwanag.

"Eunice!" Napatingin naman ako sa kaniya. It's Luther.

May ngiti sa labi at para bang iba ang mata nito. Ang mata niya ngayon ay walang bahid ng kalungkutan. Lalapit na sana ko pero may babaeng lumapit sa kaniya.

Natigilan naman ako ng makita ang sarili ko. I was smilling. I was laughing. I was having fun with him.

"I love you, Luther."

"I love you too."

"I wish I could be a human like you."

"Humans die."

"Mas ok na yon. Kesa naman sa buhay ka nga nakikita mo naman mamatay ang tao sa paligid mo. Do you know how painful that feels?"

"C'mon. Don't think to much."

Rinig kong usapan nila. Yinakap niya naman ito at hinalikan sa noo. Did I really experienced this with him?

Unti unti naman dumilim at nag iba ang paligid. Napunta ako sa bangin sa panaginip ko. Nakita ko ang sarili ko na nakatayo at nakatigtig sa pulang buwan.

"Eunice!" Napatingin naman ako sa lalaking tumatakbo. He was crying while running. Huli na ng makalapit ito ay nahulog na ko.

Bakit ko nga ba ginawa yon?

Nag iba ulit ang paligid. Nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa lapag at duguan. Kita kong gumagalaw pa ang dibdib ko. I was still breathing. How can I survive from that kind of fall?

"Eunice!" Nakita ko naman siya na tumatakbo palapit sa katawan kong walang malay. "Eunice, wake up."

Hindi naalis ang paningin ko sa mga mata niya. He was crying. Bakit ba ko tumalon? Napahawak na lang ako ulo ko ng makaramdam ng hilo. Unti unti naman nilamon ng kadiliman ang paligid ko.

"Eunice..." Pag karinig ko ng boses niya ay minulat ko ang mata ko. Napalayo naman ako ng malaman na sinisipsip ko pa rin ang dugo niya.

"You're Eunice Alcon. The queen... and my soon to be wife." Pagkasabi niya non ay may kumawala na luha sa mata niya.

May naalala ako ng kaunti pero may natirang misteryo sakin.

"You're Luther Falson. The human I fell inlove with." Sabi ko at lumayo sa kaniya. "Paano?" Nalilito kong tanong.

Bakit nga ba ulit ako tumalon? Napahawak naman ako sa ulo ko ng maalala. I jumped of that cliff for him.

"I was a human before." Sabi niya at ngumiti ng mapait.

Why did he ended up this way?

A Love Under The Red MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon