Pagkalabas ng school dumeretso agad sa parking lot si Denver para kunin ang motor nya. Ngayon sya lilipat ng bahay at handa narin ang mga gamit nya. Hindi nya maintindihan kung anong nararamdaman nya ngayon pero parang excited na excited syang lumipat. Kinausap na rin nya ang bestfriend nyang si Jameson para tulungan sya.
"Der, ano okay na ba mga gamit mo?" tanong ni Jameson.
"Oo, kaya mo namang i-drive tong motor ko diba? ako na lang sasama sa tricycle papunta roon" paliwanag nya rito at dumeresto na sila sa boarding house nya para maghakot ng gamit. Di naman naging mahirap dahil nakapagimpake na sya kagabi ng lahat ng mga dadalhin nya. Ilang minuto lang ay nadala na ang mga ito sa bago nyang dorm. Tumulong sa pag-aayos si Jameson at Melvin kaya naisa-ayos nila ito ng mabuti."Oh there baby, ayos na bago mong kwarto hahahha" pang-aasar ni Jameson.
"Loko ka, salamat sa inyong dalawa, libre ko nalang kayo ng ice cream pag may time" bawi nya rito.
"teka sigurado kana talaga? si Cyron ang roommate mo hahaha mukhang mapapasubo ka" sabay kindat pa nito na halatang double meaning ang sinabi nito.
"Tss. tumahimik ka nga jan" saway nya rito at nagtawan silang tatlo nang biglang pumasok si Cyron. Biglang tumahimik ang buong kwarto. Pagkababa ng bag ni Cyron ay agad nagtapon ng tingin kay Jameson at Melvin. Tingin na nagsasabing lumabas na sila."Mukhang ayos na lahat hehehe, pag may kailangan ka pa, malapit lang kami Der" palusot ni Jameson at ngumisi pa ito habang hinihila si Melvin palabas.
"Oh, sige salamat!" paalam nya sa mga ito at binalingan nya si Cyron.
"Ahmm, nakalipat na ako, di ka na namin hinintay". paliwanag nya rito. Tingin lang ang tugon ni Cyon sa kanya tumalikod ito habang nagbubukas ng polo. Sobrang awkward ng pakiramdam ni Denver kaya naman pumunta sya sa kusina. Walang divider ang kwarto kaya naman makikita ang kabuuan kahit nasaang sulok pa ng kwarto. Nagluto nalang ng kanin si Denver kesa naman patuloy na mailang kay Cyron na kanina pang walang imik at ngayo'y nagbabasa na ito ng libro.
Walang ibang stock si Denver puro noodles at can goods kaya naman naggisa nalang sya ng Corned beef. Paminsan minsan sinusulyapan nya si Cyron na nagbabasa parin."Hindi ba sya nagugutom at nagbabasa lang sya?, ang weird nya" sa isip isip nya habang naghahain sa mesa.
"Ah, Cyron, halika gusto mo bang sumabay kumain? o baka may-" bigla itong tumayo at lumapit sa mesa. Hindi nya maintindihan ang gusto nitong mangyari pero ngayon ay kasabay nya itong kumain.
"Pasensya na, yan lang ang ulam, bago pa lang naman ako rito, pag nakapagrocery ako pwedeng madagdagan pa yan." sabi nya habang kumakain sila.
"Hmm, kahit anong ulam ayos lang," bigla itong nagsalita.
"Okay, mas maganda na yung-"
"Hindi mo kailangang magsilbi, kwarto mo na rin to at hindi kita katulong, kung anong nakahain at kahit sino magluto, kumain nalang tayo, " Nakatingin ito sa kanya habang sinasabi ito at natigilan naman sya."Sino bang nagsabi na katulong mo ako? nagluluto ako kasi nga dito na ako nakatira, normal lang yun" paliwanag naman nya at nagpatuloy lang sa pagkain si Cyron.
"Nung una pinuputol nya nang pinuputol ang mga sinasabi ko tas ngayon parang wala syang narinig? may sira yata tong mokong nato" sa isip isip nya at nagpatuloy nalang din sa pagkain.
Si Cyron ang nagligpit ng mga ginamit nila pagkatapos kumain bago ito nagbukas ng laptop at palagay nya'y nag-aaral ito ng report nya.
Napupuno ng katahimikan ang buong kwarto. Palagi namang walang kausap si Denver at sanay syang tahimik ang paligid sa dati nyang kwarto pero kakaiba ang dating ng nangyayaring ito sa kanya ngayon. Paminsan minsan ay nagtatama ang tingin nilang dalawa pero agad din itong napuputol.
Naupo nalang din sya sa sariling kama ang nagbukas ng laptop. Naalala nyang may system syang tinatapos at kailangan nya itong matapos para next week.
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 1 - Mindoro BL Story Completed ❤
RomanceIf you're a fan of gay couples, you must read this. A new Story plot flavored with true experiences. Subscribe to be updated on every chapter.