Chapter 16 (Way Back Home - The Misunderstanding)

214 5 0
                                    

Nagising si Denver sa mga katok. Nagmulat sya ng mata at kaagad bumangon para tingnan kung sino iyon.

Si Angelo pala ito. Nakangiti agad ito nang makita sya.

"Ohh, napadalaw ka?" bati nya rito. "tuloy ka"

"Namiss kita ehh" sabi nito nang makapasok sa loob.

"Loko ka, kumain kana ba?" tanong nya.

"Oo, ikaw lang naman ang mahilig magpalipas ng gutom eh"

"Grabe ka, nagluto kaya ako kanina" sagot naman nya.

"Talaga?, bigla akong nagutom ano ba yan"

"Talaga lang ha, akala ko ba kumain kana?"

"Wala eh, teka ano bang makakain dito?" nagpumta agad ito ng kusina. Buti nalang at nakapagluto sya ng adobong manok kanianang tanghalian at may natira pa ring tinola.

"Wow naman, marunong ka palang magluto?" sabi nito at kumuha na agad ng plato. "Pakain ha"

Naupo rin sya at pinanuod ito sa ginagawa. Nagsimula na itong kumain.

"Sabayan mo kaya ako" alok pa nito.

"Ayos lang ako, kakatapos ko lang kumain eh" sabi nya.

"Mukhang linis na linis ang kwarto mo ahh" napuna nito ang ayos ng mga bagay bagay.

"Sinipag ako kanina eh, saka wala namang kasi akong magawa" sagot nya lang.

Ang gwapo gwapo ni Angelo habang kumakain ito. Enjoy na enjoy ito sa luto nya. Di nya maiwasang matulala rito.

Naalala nya tuloy si Cyron, paborito nito ang adobong manok. Balak nyang ipagluto rin ito sakaling bumalik ito.

"Natulala ka na naman jan" biglang sabi ni Angelo.

"pasensya na, sige lang kumain kapa" sabi nya nalang dito.

"Sarap mo pala magluto ehh" puri nito sa kanya.

"Natuto lang ako kay mama"

"Ang mama ko rin, masarap magluto." sagot naman nito.

"Talaga? edi marunong ka rin?"

"Medyo, pero di gaya nitong sayo" ngumiti pa ito.

"Mukha mo, bolero ka talaga"

"Di nga ako bolero ano kaba" tanggi naman nito.

"Buti nalang pinayagan ka ng papa mong pumunta dito, teka, san kaba nakatira dito?"

"ahhh, sa tita ko, Capitol road" sabi nito at nagulat sya.

"Oh? san doon?

"Katabi lang ng bahay nyo" sagot nito.

"K-katabi ng bahay namin? teka pano mo-"

"Sinabi ko kay tita na may kakilala ako dito at ikaw yun. tas sabi nya kapit bahay ka lang daw namin, kilala pala pamilya nyo rito" paliwanag nito.

"Ahhh, okay" sagot nya lang.

"Bakit ba dika nauwi doon? mukhang walang tao sa inyo lagi"

"Hmm.. wala talagang tao doon, nasa SJ sila, kina kuya"

"Ohh? buti okay lang sayo?"

"Oo naman, kaya ko naman"

"Ano bang trabaho ng kuya mo?"

"Engineer sya"

"Oh talaga? bigatin pala pamilya mo" sabi nito.

"Di naman"

Blind Love Season 1 - Mindoro BL Story Completed  ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon