Natapos ang linggo at wala paring pinagbago si Denver. Hindi na sya lumalabas ng room nya. Puro noodles nalang ang kinakain nya at halos gabi gabi rin syang umiinom. Hindi na rin nya nagawang mag ayos pa ng sarili.
Madalas syang tulala lang sa kawalan. Maraming beses rin syang nagcheck ng facebook account nya, nagbabakasaling nagmemessage si Cyron. Pero hindi manlang ito nakapag On line kahit na isang beses.
Isang linggo nalang at pasukan na naman pero parang wala syang ganang mag-aral. Iniisip nya kasi kung magpapatuloy pa ng pag-aaral si Cyron dahil sa palagay nya'y hindi na ito babalik para ipagpatuloy ito. Buong araw syang nakakulong sa room nya.
Madalas kumakatok sa labas si Jameson pero di nya ito hinaharap kahit pa nakakailang balik na ito. Wala syang balak na gawin kundi ang maghintay lang sa mga mangyayari at hintayin ang pagbalik ni Cyron.
Minsan lang sya umibig nang ganito at nakakalungkot dahil sa ayaw yata ng tadhana na maging masaya sya. Pakiramdam nya, wala syang karapatang magmahal.
Si Cyron ang kauna-unahang lalaking nakasama nya at minahal nang buong buo. Sa maikli nilang pinagsamahan, masasabi nyang wala na syang mahihiling pa bukod sa binata.
Inubos nya ang natitirang laman ng beer at tumayo para pumuntang banyo. Medyo hindi na nga maayos ang lakad nya dahil may tama na talaga sya. Umagang umaga, alak ang laman ng sikmura nya.
Biglang bumukas ang pinto. Nagulat sya dahil inilock naman nya iyon. Si Angelo pala ang nagbukas. Napatingin sya rito na mukhang gulat na gulat sa nakita.
"A-aahh, hiniram ko kay kuya Alex tong duplicate ng susi, kasi... nag-aalala ako sayo" sabi nitong hindi inaalis ang tingin sa mga mata nya. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Mahahalata ring may inis at panghihinayang sa hitsura nito. "Sabi nina Jameson, hindi ka na daw lumlabas dito at..di mo daw sya kinakausap"
Nanatili silang nakatayo at magkaharap.
"Ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Angelo. "Balak mong sayangin ang buhay mo sa ganito? agang aga, alak yang inaatupag mo. May balak kabang magpakamatay ha!?" Sunod sunod nitong tanong na ikinagulat nya. Halatang naiinis ito sa ginagawa nya pero di sya umimik at napayuko nalang.
"Ano ganyan kana lang ba? kakawawain mo ang sarili mo?" sabi pa nito.
"Oo!" nagtaas sya ng boses at nagulat naman si Angelo. "ganito nalang ako! ano bang pakialam mo ha? sinabi ko bang pumunta ka dito? hiningi ko ba concerns mo?"
Nagtiim bagang naman si Angelo sa narinig.
"Tama ka..., wala akong pakialam, kasi wala akong karapatan sayo, diba? yun ba ang gusto mong sabihin? kasi hindi ako ang boyfriend mo kaya hindi dapat ako nag-aalala sayo? sana nga ganun kadali yun kasi hindi eh. Kahit alam kong ayaw mo akong makita, kahit alam kong hindi ako ang gusto mo, para akong tanga na ipinagsisiksikan ang sarili ko sayo! Nasan ba yung pinagmamali
aki mong boyd
friend mo ha??.. iniwan ka nya, ni hindi nga nya alam kung ano nang nangyayari sayo eh!"Natigilan sya sa sinabi nito. Tumutulo na ang luha ni Angelo ngayon. Nakaramdam sya ng guilt sa nasabi nya. May punto naman talaga si Angelo. Nasaan nga ba si Cyron? Iniisip kaya sya nito?
"I-I'm sorry Denver, hindi ko naman gustong pagtaasan ka ng boses, kaya lang, yun kasi ang nararamdaman ko eh" Mahinahon nitong sabi, kahit na ganon ang sitwasyon, nagawa pa rin nitong humingi ng paunmanhin sa kanya.
"I'm sorry rin sa mga nasabi ko-" naputol ang sasabihin nya nang bigla syang makaramdam na parang maduduwal sya. Agad syang tumakbo sa banyo. Sumunod naman agad si Angelo. Halos ibuhos nya ang lakas sa pagduwal dahil sa tama ng alak ng nainom nya mula kagabi hanggang ngayong umaga.
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 1 - Mindoro BL Story Completed ❤
RomansaIf you're a fan of gay couples, you must read this. A new Story plot flavored with true experiences. Subscribe to be updated on every chapter.