Chapter 1 (The sweet first meet)

1.1K 16 0
                                    

PROLOGUE

Napakaraming sitwasyon ng buhay ang hindi natin maitatangging nagkaroon ng malaking kontribusyon sa ating pagkatao. Maaring ito ay dahil sa nangyari ito mismo sa atin o sa mga taong malapit o may kaugnayan sa atin. Hindi rin maikakaila ang mga panghuhusga mula sa ibang taong wala naman talagang kinalaman rito.
Ang kwentong ito ay patungkol sa napapanahong isyu o sitwasyon na tumutukoy sa tinatawag ngayong "third sex". Sa totoo lang, napakalawak ng ideyang ito kaya naman sa panahon ngayong ang terminong "third sex" ay hindi na ginagamit. Dahil kung pagkakapantay-pantay lamang ang pag-uusapan bakit magkakaroon ng pangatlo sa uri o bilang?
LGBT-Q community, hindi lang yan, mas maraking letra pa ang pumapaloob dito ngunit isa lamang ang tinutukoy walang ibang kundi ang pagkakaroon ng ibang gender bukod sa Girl at Boy. Masyadong mahaba kung iisa isahin ngunit madaling maintindihan ng mga taong may bukas na isipan at hindi puro kakitiran ng utak ang pinapairal.
Sa mundo ng isang babae at isang lalaki madalas ang Pag-ibig ay nagiging komplikado at nauuwi sa hindi kanais nais na wakas. Ngunit papaano pa kaya kung ang Pag-ibig ay mamagitang sa magkaparehong kasarian ng isang lalaki at isa pang lalaki? Mas komplikado kaya? O baka naman mas magiging masaya at matagumpay na pag-iibigan.

************************************
CHAPTER ONE
(The sweet first meet)

Umaga ng Lunes ngayon at may pasok ng maaga si Denver ngunit dahil sa pagod kagabi sa paggawa ng limang narrative reports ay hindi nya nagawang magising upang makapagprepare para sa school.
Unti-unting idinilat ni Denver ang mga mata.
"ang silaw" sabi ng utak nga kaya muli syang napapikit. Pagkalipas ng isang minuto'y nagdilat muli. "ano ba, ng sakit sa mata ng araw" inis na sambit nya sa isip nang biglang magsink in ang reyalidad.
"ARAAW?!" napabalikwas sya ng bangon at agad hinanap ang cellphone nya.
"Putch* naman oh! Late na ko!" at napatakbo sya sa banyo para mag ayos ng sarili. 7:10 Am na at may klase sya ng 7:30 Am kasabay nun ay deadline ng submission ng narratives nila tungkol sa mga nakaraang events sa school.
"ano bang iniisip mo Denver?!" inis nyang tanong sa sarili habang nagbubutton ng polo.
Bago magkalimutan, let's define Denver. Isa siyang IT student sa isang sikat na unibersidad sa Mindoro. Ang Mina de oro University o mas kilala sa tawag na M.U Mamburao Campus. Meron na itong Campus sa iba't ibang panig ng lalawigan kasama na  rito ang katatayo palang sa Sta. Cruz. Third year na si Denver at alam nyang ito ang pinakakomplikadong taon o yugto ng pag-aaral ngunit para sa mga magulang nya'y hindi sya susuko. Bukod pa sa mga projects at assignments ay kailangan pa rin nyang magfocus sa paggawa ng system na talaga namang halos sinusukuan ng ibang estudyanteng gaya nya.
Sa hitsura naman, 21 years old na si Denver. 5'7 ang height nya at syempre isa sa mga nagagwapuhang lalaki sa campus nila and to be honest maraming gwapo sa Mindoro. Makapal na kilay, malamlam na mga mata, mapupulang labi at matikas na pangangatawan ilan lamang yan sa mga hinahangan kay Denver bukod pa riyan ang ugali. 1st year college noon si Denver nang malaman nyang iba ang ang gusto ng puso at katawan nya. Dati madali syang maattract sa mga babae pero isa lang ang babaeng seneryoso at minahal nya nung 4th year high school sya at yun ay noong mga panahon na pinipilit nyang labanan ang kanyang paghanga sa kapwa nya lalaki.
Ngayon alam na nya ang kanyang gusto pero mas priority nya ang pag-aaral. Bukod pa rito, hindi pa nalalaman ng pamilya nya ang tungkol sa pagkatao nya at kinakailangan nya pa itong itago at pigilin dahil alam nyang hindi papayag ang mga ito. Bunso sya sa apat na magkakapatid at lahat ng mga kapatid nya ay may asawa na kaya sya na lamang ang pinag-aaral ng pamilya. Kahit hirap sa buhay noon ay nagawang pagtapusin ng pag-aaral ng mga magulang nila ang tatlo nyang kapatid. Engineer ang panganay nila, Nurse naman ang ate nya sa Provincial Hospital ng Occidental Mindoro, at Businessman naman ang kuya nya na may-ari ng isang department store sa Son Jose at Mamburao. Hindi lang halata sa kanya pero ngayon ay maginhawa na ang buhay nila. Mas pinipili lang ni Denver na maging simple at sanay syang pinaghihirapan ang mga bagay na gusto nya.Sa ngayon wala pa talagang oras para sa pag-ibig si Denver dahil bukod sa schedule nya, kailangan nyang magfocus pa sa pag-aaral nya.

Blind Love Season 1 - Mindoro BL Story Completed  ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon