Patuloy sa pag-iyak si Denver ng makadama ng mahinang tapik s balikat nya.
"Denver" mahinang tawag nito sa kanya.
Nagdilat sya ng mata sabay napabalikwas ng bangon.
"Ayos ka lang preng?" si Chay pala ito at halatang bagong gising rin lang.
Napatitig sya rito. Patuloy parin ang pagtulo ng luha nya kahit alam nyang panaginip lang ito. Habol ang paghinga nya dahil dito. Bakas naman sa mukha ni Chay ang pag-aalala.
Hindi nya alam ang nararamdaman pero nakadama sya ng pagkakampante habang nakatingin sya kay Chay.
"I woke up hearing you as if you're not ok-" naputol ang sasabihin nito nang bigla nya itong yakapin.
Nabigla man si Chay, kusa namang gumalaw ang kamay nito para haplusin ng kanyang likod na para bang isa syang batang pinapatahan nito.
Kahit sya ay nabigla sa nagawa nya pero sa tingin nya kailangan nyang yakapin si Chay para makampante ang sarili. Ayaw nyang mag-isip ng kung anoman, walang malisya ang ginawa nyang ito. Pakiramdam nya lang na mas magiging okay sya sa gayung sitwasyon.
Habang nakayakap pa rin sya kay Chay, biglang bumukas ang pinto at sabay silang napatingin.
Si Cyron ito at ngayon ay natigilan sa may pinto habang nakatitig sa kanila. Bumitaw naman sya sa pagkakayakap kay Chay.
Huminga lang nang malalim si Cyron, dahan dahang itong tumalikod at lumabas.
Naiwan silang dalawa. Hiyang hiya sya kay Chay at naguilty naman kay Cyron. gusto nyang habulin ito at sabihing mali ng iniisip nya pero alam nyang mahihirapan syang kumbinsihin ito.
Napatingin sya kay Chay na ngayo'y nakatitig lang din sa kanya."Are you okay?" tanong nito.
"A-ayos nako, pasensya kana" sagot nya lang dito.
"Okay lang, mukhang masama ang panaginip mo?" tanong ulit nito.
"Oo, akala ko talaga totoo" paliwanag nya.
Huminga lang ito nang malalim.
"Tara na sa labas, para makapagkape, nagkakape ka ba?" alok nito. Tumango lang sya at sumunod dito.
"Nakita nya agad si Cyron at Lander sa sala. Nagkakape ang mga ito habang nanunuod ng TV. Ni hindi manlang tumingin sa kanya si Cyron. Dumeretso sila sa kusina at ipinagtimpla naman sila ng kape.
Nagtungo rin sila sa sala upang doon ito inumin. Masayang nanunuod parin ang dalawa. Tawa nang tawa ang mga ito s comedy na pinapanuod.
Naupo sila ni Chay. Nakatingin lng sya kay Cyron na hanggang ngayon ay hindi parjn sya nililingon. Nakaramdam sya ng sobrang guilt at lungkot sa nangyayari. Ngayon siya pa ang lumalabas na nagloloko para kay Cyron dahil sa nakita nito. Nakatingin lang si Chay at nakinuod na rin.
Maya maya ay lumapit ang isang kasambahay kay Cyron.
"May mga tao po sa labas" sabi nito.
"Sino daw po?" tanong naman nito.
"Jameson daw po ang pangalan" sagot nito. At sa unang pagkakataon nilingon sya ni Cyron pero binaling rin nito ang tingin sa kasambahay.
"Sige po manang, puntahan ko nalang" sabi nito at tumayo. Tumingin ulit ito sa kanya na para bang sinasabing harapin nya ang mga kaibigan, kaya naman napatayo rin sya at sumunod rin dito.
Nasa labas nga sina Jameson at Melvin.
"Uy kamusta?" bati ni Cyron.
"Totoo bang may pa-outing ka daw?" tanong naman ni Jameson.
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 1 - Mindoro BL Story Completed ❤
RomansaIf you're a fan of gay couples, you must read this. A new Story plot flavored with true experiences. Subscribe to be updated on every chapter.