Chapter 9 (The Vacation - Officially In love)

313 8 2
                                    

Pagkatapos ng tanghalian dumeretso na agad sila sa rest house nila Cyron. Malawak ito at gaya nga sabi ni Chay, malapit ito sa tabing dagat. Ilang kilometro lang layo nito sa ipinagmamalaking Parola Park ng Sablayan. Matatanaw rin mula rito ang pulo kung saan nagtatapos ang longest island to island Zip line na talagang dinadayo hindi lang ng mga karatig bayan kundi ng buong lalawigan at maging buong bansa. Marami ring pagbabago rito gaya ng bagong tayong hotel sa baba nito at ang mga nakakaaliw na water park malapit rito. May mga resort din na nagbukas at kanya kanyang gimik ang mga ito upang makapang-akit ng mga bakasyonista.

Malaki rin ang bahay at nappaligiran ng iba't ibang mga halamang namumulaklak, iba pa rito ng mga punong kahoy at mga puno ng prutas sa may bandang likuran ng bakuran. Napakarelaxing ng paligid. Malamig ang simoy ng hangin at napakakalmado ng dalampasigan. Tanaw na tanaw ang tabing dagat mula sa veranda ng bahay. Gaya sa kahoy ang extension na ito at tamang tama sa mga gustong magpahangin dahil na rin sa napapaligiran ito ng mga halaman.

Agad nilang inayos ang mga gamit. May tatlong bedroom ang bahay at pang-apat rito ang malaking guest room. At dahil iilan lang sila, nagdesisyon silang sa guestroom silang lahat matutulog. Pumayag rin si Chay na sumama sa kanila. Nagpahanda lang sila ng mga comforter na gagamitin nilang higaan. Kanya kanya silang pili ng pwesto. Nagkusa nakan humiwalay na si Lander para naman makatabi sya ni Cyron sa pagtulog. Air conditioned din ang kwarto kaya nagpadagdag sila ng extrang mga kumot.

Si Mang Jun, bunsong kapatid ng mama nina Cyron, ang care taker ng buong rest house ang namamahala dito kapag nababakante ang bahay. Malapit rin lang kasi ang bahay nito sa rest house na iyon. Tinatawag nila itong "Boss" dahil simula bata sila'y katiwala na ito ng mga magulang nila at higit pa riyan, bilang tiyuhin nila'y ito rin ang tumulong para disiplinahin sila lalo na nung mga bata pa sila. Mabait si Jun, kaya malapit ang loob ng dalawang binata sa kanya, sa katunayan parang ama na rin ang turing nila rito. Ang asawa nitong si Bell ay impleyado naman sa kompanya ng papa nila. May tatlo dalawa rin itong anak.
Ang mga kasambahay naman ay naka stay in rin upang may tumira sa bahay kapag wala ang pamilya nila Cyron. Hindi rin kasi masabi kung kailan nila kakailanganing pumunta roon kaya dapat lang na palaging maayos ang lugar.

Nagpahinga sila sa sala at naghanada naman ng meyrenda ang kasambahay nila. Kanya kanya naman sila ng pwesto dahil na rin sa agod sila sa biyahe. Nagbukas rin sila ng TV para may paglibangan.

"Kamusta ang mama nyo, balita ko naaksidente sya nitong nakaraan?" Tanong ni Jun.

"Okay na po sya boss, nakalabas na rin nga hospital, buti na nga lang at hindi malala ang naging lagay nya" Paliwanag ni Chay.

"Oo nga boss, katunayan nga nasa meeting na agad sya ngayon" sabi nmn ni Cyron at napatingin naman si Mang Jun na parang nagulat. Alam kasi nitong hindi sila okay ng mama nya.

"Yang mama nyo talaga, basta tungkol sa kapakanan ng negosyo nyo, parang hindi napapagod, pero syemprepara na rin sa ikabubuti nyo iyon" sagot lang ni Jun.

"Boss, medyo matagal tagal na rin since our last visit here, may nagbago po ba?" tanong ni Chay.

"Hmm, wala naman, ganun parin. Ang bahay, ang hardin kung saan madalas kayong naglalaro nung maliliit pa kayo. Walang nagbago. Yung bilang ng pagdalaw nyo lang naman. Lumalaki na kasi kayo, sigurado kanya kanya na rin kayo ng mga gusto sa buhay" sagot naman ni Jun na halatang sinasariwa ang nakaraan.

"Opo boss, gaya ko, third year college na rin ako at maraming mga kailangang intindihin sa school, kaya bawas talaga ang paggagala" nakangiting sabi naman ni Cyron.

"Sabagay. Teka, oo nga pala, Third year na rin si Angelo, at IT naman ang kinukuha" sabi nito at napalingon naman si Cyron sa kanya dahil alam nitong IT rin sya.

Blind Love Season 1 - Mindoro BL Story Completed  ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon