Tumigil sila sa isang Department store. Ipinarada ni Cyron ang motor.
"Anong gagawin natin dito?" tanong nya rito.
"Maglalaro?" sabi nito at tumawa ito "Malamang bibili" nakangiting sabi nito.
"Bibili ng?" tanong ulit nya.
"Daming tanong, samahan moko, maglalabas ako ng sama ng loob" sabi nito at pumasok na sa loob. Wala syang choice kundi ang sumunod dito.
Kumuha ito ng basket at pinakapit sa kanya. Dumeretso sila sa mga snacks doon. Kung ano anong junk food ang kinuha nito.
"Gusto mo ng nachos?" tanong nito hawak ang isang bag ng nachos. Tumango nalang sya.
"Magpapakasawa tayo sa junk food?" sarkastikong tanong nya. Umiling lang si Cyron. Naglakad ulit ito at sinundan nya lang. Sa mga alak naman ito lumapit.
"Ah, kaya naman pala" nasabi nya lang at ngumiti lang ito.
"Sabi ko sayo diba? maglalabas ako ng sama ng loob" tumawa pa ito. Kumuha ito ng mga beer in can.
"Mauubos ba natin yan?" tanong nya.
"No, mauubos ko yan" ngumiti ito. "Hindi ka iinom" at itinaas pa nito ang bag ng nachos. Napaiiling lang sya. Kumuha ito ng dalawa pang lata ng beer at inilagay. Lima ito lahat.
"mabigat ba?" kinuha nito ang basket.
"Ayos lang naman" pero nakuha pa rin nito. Naglakad na ito papuntang counter.
"Haayyyy" napabuntong hininga lang sya.
Napalingon sya sa may entrance. Napansin nya si Lorrence, papasok ito kasama si Chay. Napansin din sya agad nito at lumapit.
Napatingin sya kay Cyron na nakapila ngayon, Nakatingin din ito sa dalawang palapit sa kanya.
"Denver! andito ka pala, kayo I mean" sabi ni Lorrence.
"so you're Denver" sabat ni Chay.
"Oo, roommate ni Cyron kaibigan ko" pakilala pa nito at tinapik ang balikat nya.
"Magaling pumili si Cyron ha" sabi ni Chay habang sinisipat sipat sya nito. "You're actually cute, and innocent" ngumiti ito.
"Ano ka ba, roommate lang to ni Cyron" bawi naman ni Lorrence. Hindi nya alam ang sasabihin kaya panay lang ang lingon nya kay Cyron na nakatingin lang din sa kanila.
"Bakit type mo?" tanong ni Chay kay Lorrence. Ngumiti lang ito at tumingin sa kanya.
"I know that look" at tumawa bahagya si Chay.
"Dami mong sinasabi" sagot lang ni Lorrence. "Teka Denver, may lakad ba kayo?" baling nito sa kanya.
"Ahh meron yata" sagot nalang nya.
"Ahh sama ka sana namin stroll tayo" alok pa nito habang inaayos ayos ang buhok.
"Tara na" biglang singit ni Cyron at hinila na sya nito palabas. Dala na nito ang mga binayaran.
"Ohh, didn't see that coming" sabi lang ni Chay, tumawa pa ito bago tuluyang pumasok sa loob.
Hanggang parking lot ay hindi bumibitaw si Cyron sa pagkakahawak sa kamay nya. Bigla itong tumigil at huminga ng malalim.
"Anong sinabi nila sayo?" biglang tanong nito. Hawak pa rin ang kamay nya.
"W-wala naman, nangamusta lang." sagot nya habang nakatingin sa magkahawak nilang kamay. Unti unti namang bumitaw si Cyron.
"Sorry" sabi nito. "Bakit kasi kailangan nandyan lagi sya?" inis na tanong nito sa hangin.
"May problema ba?" tanong din nya.
"Wala, halika na" yaya nito at sumakay na ulit sila sa motor. Madilim na dahil tumatakbo ang oras, maliwanag ang buwan kaya maganda ang ambiance ng paligid. Buti nalang at nakaJacket sila, malamig ang simoy ng hangin.
![](https://img.wattpad.com/cover/186288162-288-k652481.jpg)
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 1 - Mindoro BL Story Completed ❤
RomanceIf you're a fan of gay couples, you must read this. A new Story plot flavored with true experiences. Subscribe to be updated on every chapter.