Chapter 12 (The Temptation - The First Time SPG)

245 5 0
                                    

Ganap na 5:30 na nang makabalik sila sa rest house at gaya ng napag-usapan, naghanda ng mga inumin sina Mang Ben at Mang Jun. Nagpaluto rin ng mga pulutan at isa rito ang lechong manok na native dahil malasa talaga ito. Sa extension pa rin ng bahay nila inihanda ang lahat. Naligo muna sila para presko ang pakiramdam.

"Wag kana iinom ha, baka di mo kayanin" paalala sa kanya ni Cyron.

"Kahit konti, bawal ba?" tanong naman nya rito.

"Hmm, basta konti lang, bawal maparami, hindi mo kakayanin" sabi naman nito.

"Okay boss" sagot nya lang.

"Boss ka dyan"

"Okay po babyboy" at ngumiti naman ito.

"Pakiss nga" sabi nito.

"Baka may pumasok"

"sige na, isa lang naman" katwiran naman nito at agad namang humalik sa kanya. Gumanti naman sya rito. Namiss nya ang halik na iyon. Kahit di nya aminin, uhaw na uhaw sya sa mga labi ni Cyron.

"Tara na sa labas" yaya nito.

"Mauna kana, aayusin ko lang to" sabi nya rito habang inaayos ang mga gamit nya.

"Hintayin na kita" alok naman nito.

"Hindi, okay lang babyboy" ngumiti sya rito.

"Okay sige, sunod ka din agad ha, baka may maitulong ako sa kanila" at lumabas na ito ng kwarto.

Inayos nya ang mga damit na pinagbihisan niya kanina. Buti nalang talaga at marami rami ang damit na nadala nya.

"Nandito ka lang pala"

napalingon sya sa nagsalita, hindi na sya nagulat na si Angelo ito.

"Oo, inaayos ko lang ang mga gamit ko"

Naupo ito sa gilid ng kama malapit sa inaayos nya.

"Kayo na ba ni Cyron?" biglang tanong nito. Hinarap nya ito. Natigilan sya saglit.

"ahh, Oo" sagot naman nya.

Yumuko lang ito.

"Ano kaya kung di tayo nagbreak noon ano?"
tiningnan nya lang ito. "Tayo pa kaya hanggang ngayon? Ano kayang Callsign natin? Madadala rin kaya kita sa baha-"

"Angelo, tapos na yun" Putol nya rito at napatingin lang ito sa kanya halatang nanghihinayang. "Wala na tayo, at..at may mahal na akong iba"

"Sigurado ka nabang hindi mo na ako mahal?" natigilan naman sya sa sinabi nito. Wala na nga ba syang nararamdaman para rito. Pero bakit ganito ang epekto nito sa kanya sa tuwing makikita nya ito. Parang ang bilis lagi ng tibok ng puso nya.

Nagbuntong hininga sya.

"Alam mo Angelo, masaya na ako ngayon, sana maging masaya kana rin lang para sa akin"

Tumayo sya at naglakad palabas.

"Hindi ako naniniwala" napatigil sya sa paghakbang. "Di ako susuko agad, Denver. Alam kong ako parin ang laman nyan." sabi pa nito.

Huminga sya ng malalim saka tuluyang lumabas ng kwarto.

Nasalubong nya si Melvin.

"Uy Der, ayos kalang?" tanong nito.

"Hah? Oo ayos lang ako, bakit?"

"Wala naman, mukhang malalim ang iniisip mo eh, nga pala pinapatawag ka ni Cyron" sabi nito.

"Ah sige, papunta na ako" sagot nya lang at sabay naman silang lumabas.

Agad syang sinalubong ng ngiti ni Cyron at pinatabi sa kanya.

Blind Love Season 1 - Mindoro BL Story Completed  ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon