Halos hindi maimulat ni Denver ang mga mata dahil medyo masakit ang kanyang ulo. Kahit nakakaramdam ng hilo, dahan dahan syang bumangon. Huminga sya nang malalim.
Nilingon nya ang buong kama, magulo ng cover noon. Biglang pumasok sa isip nya ang mga nangyari kagabi. Ang gabing malamig na pinag-init nilang dalawa ni Cyron.
Si Cyron.
Bigla syang nagising sa reyalidad. Wala si Cyron sa tabi nya nang magising sya.
"Baka nauna nang bumaba, di manlang ako ginising"
Kinusot nya ang mga mata. Tumayo sya sa pagkakaupo at hinawi ang kurtinang tumatakip sa bintanang salamin. Ini-angat nya iyon upang dumungaw sa labas.
Napakaganda ng paligid. Tanaw na tanaw nya ang dalampasigan mula rito, gayun din ang payapang pag-alon ng dagat.
Maya maya pa, nakita nyang lumabas si Angelo bitbit ang isang tasa ng kape. Bumaba ito sa tabing dagat at naupo sa buhanginan.
Pinagmasdan nya ang binata. Hanggang ngayon di pa rin sya makapaniwalang nagkita sila nito.
Nakaharap ito sa dagat at parang malalim ang iniisip habang humihigop ng kape.
biglang may asong lumapit dito, tingin nya alaga ito ni Angelo dahil na rin sa napakasweet nito.Tumayo si Angelo at nakipaglaro sa alagang aso. Tuwang tuwa ito sa ginagawa.
Sobrang saya nitong tingnan na lalong nagpapagwapo sa binata.Natulala sya sa nakangiting si Angelo. Pakiramdam nya naging slow motion ng mga bagay bagay.
Bigla nyang naalala ang mga usapan nila dati.
A: Kahit malayo, di ako susuko sayo.
D: Talaga ba?
A: Oo naman. Ikaw ba, iiwan mo pa ba ako?
D: Hindi nuh, Kahit magkalayo tayo, darating din naman ang oras na magkikita tayo eh.
A: Oo nga, hayaan mo, mag iipon ako para mapuntahan kita dyan sa inyo.
D: Sana nga magkita tayo.
A: Balang araw, darating din yun. Mahal na mahal kita.
D: Mahal na mahal din kita.Kahit corny ang naging usapan nila dati, aminado syang damang dama nya iyon. Ngunit bigla syang nakaramdam ng kirot. Hindi nya alam kung bakit pero bigla syang nanghinayang.
Biglang humarap si Angelo sa direksyon nya. Ngumiti ito nang pagkatamis tamis.
Wala naman syang nagawa kundi suklian ang ngiti nito.
Maya maya bumukas ang pinto ng kwarto. Excited syang humarap sa pumasok. Ngunit biglang nawala ang excitement na iyon nang makita nya ang isang kasambahay bitbit ang isang tray.
"Gising kana pala" inilapag nito ang tray sa mesa sa gilid ng kama. "Inumin mo ito, mabisang pantanggal ng hang over ang tsaang ito"
"Salamat po" nakangiti nyang sgot at kinuha ang tasa. Hinigop nya ito. Masarap nga ng lasa niyon.
"Binilin yan ni Cyron bago umalis, yan kasi ng paborito nyang ipagawa sakin kapag nakakainom sya."
"Ahhh, salamat po. Masarap nga po ng lasa" sagot nya at bigla syang natigilan. "Ano pong sabi nyo? Umalis?" agad nyang tanong.
"Ahhh, Oo, hindi na siguro sya nakapagpaalam sayo, kaninang madaling araw ipinasundo silang dalawa ni Chay ni maam Carmina. Di na nga sinabi kung bakit eh, pero emergency daw at kailangan nilang lumabas ng bansa." paliwanag nito. Halos di naman sya makapaniwala sa narinig. Hindi nya maintindihan. Umalis ito ng hindi nagpapaalam sa kanya.
"Wag kang mag-alala, si Ben pa rin ang maghahatid sa inyo ng mga kaibigan mo. andyan sila sa baba at nagkakape. Oh pano, bumaba kana lang maya maya para makapag almusal ka ha"
Tango lang ang naitugon nya at lumabas na ng matanda.
Napaupo sya sa kama. Bigla syang nakaramdam ng lungkot. Kagabi sobrang saya nilang dalawa at pinagsaluhan ang maiinit na sandali. Hindi nya inakalang iyon na pala ang Magsisilbing pagpapaalam nila sa isa't isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/186288162-288-k652481.jpg)
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 1 - Mindoro BL Story Completed ❤
Любовные романыIf you're a fan of gay couples, you must read this. A new Story plot flavored with true experiences. Subscribe to be updated on every chapter.