CHAPTER 6 (Sweetly Awkward- Ang Pagtatapat)

296 11 0
                                    

Umaga na naman. Bagong kabanata ng buhay. Napakaganda ng bukang liwayway. Tanaw na tanaw ang bahagyang sinag ng araw. Malamig pa rin.

Nagdilat ng mata si Denver. May hangin na tumatama sa noo nya marahil ito ay marahang paghinga. May mga brasong nakapulupot sa katawan nya at kakaibang bangong humahalimuyak. Pabangong hindi kanya.
Tumingala sya para tignan ang tulog na tulog pa ring si Cyron. Napakakalmado nito. Napatitig sya sa mga labi nito at naalala ang mga sandaling naangkin ang mga ito. Napakatamis ng mga oras na iyon. Ngayon nagising syang nasa mga bisig ng taong mahal nya.
Kumilos sya para bumangon dahil alam nyang may pasok sila. Pero gusto nyang maunang bumangon dahil di nya alam kung paano ang gagawin kapag nagising ngayon si Cyron. Dahan dahan syang tumayo at pumunta sa banyo.

Tinitigan ang sarili sa salamin.
"Ang gwapo mo kahit bagong gising" nakangiti nyang sabi sa sarili.
Naalala nya ang sinabi ni Cyron.

"Sakin ka lang Denver" at kinilig naman sya.

"Basta akin ka lang rin" nasabi nya pa.

Inayos nya ang sarili saka lumabas para maghanda ng Almusal. Nagprito sya ng itlog at naggisa ng corned beef. Ganadong ganado sya. Paminsan minsa'y nililingon nya si Cyron na mahimbing pa rin ang tulog.

Feel na feel nya ang pagluluto. Pakiramdam nya tuloy obligasyon nyang ipagluto si Cyron. Kailangan pagsilbihan nya ito. Napapangiti pa sya habang nakatutok sa ginagawa.
Pagkatapos magluto nagpainit sya ng tubig at nagtimpla ng kape. Nilingon nya si Cyron at laking gulat nya nang makitang nakaupo na ito at nakaharap sa kanya. Nakatitig lang ito sa hinahalo nyang kape.

"G-gising kana pala, halika, kumain na tayo" alok nya rito na parang walang nangyari. Huminga lang ito ng malalim at tumayo. Pero sa halip na sa mesa, dumeretso ito sa banyo.

Naupo na sya. Mga ilang saglit ay lumabas rin ito. Naupo ito katapat nya at hinigop ang kape.

"Aah, M-may pasok ka rin?" tanong nito pero di tumitingin ng deretso.

"Oo, I-ikaw?" nailang rin tuloy syang tingnan ito.

"Oo" sagot nito habang nakayuko pa rin.

Kumain silang hindi manlang nagtitinginan. Punong puno ng katahimikan ang buong kwarto. Parang anlaki tuloy ng pagitan nila.

"nga pala, Sem break na next week, anong balak mo?" tanong nya habang nagliligpit ng pinagkainan. Hindi pa rin sya makatingin.

"W-wala, ikaw ba?" tanong din nito, tumayo na ito
at nag-ayos ng kama.

"Wala rin" sagot nya.

"Bahala na" sabi naman nito.

Wala sa kanila ang gustong magbukas ng usapan tungkol sa nangyari kagabi. At halatang iniiwasan ito ni Cyron.

Nagprepare na sila para pumasok.

"Mauna ka na" biglang sabi ni Cyron. Tiningnan nya ito.

"Ikaw?"

"May dadaanan lang ako saglit, magbabike nalang ako" paliwanag nito. Ramdam naman nyang naiilang lang ito kaya nauna na sya. Di nya maiwasang mapaisip habang nasa daan. "Sabi ko na nga ba lasing sya" sabi nya sa sarili. Saglit lang at nakarating sya sa school. Naabutan nyang nakaupo sa may parking lot si Jameson.

"Bat parang tinanghali ka yata?" tanong agad nito.

"Huh? maaga pa naman ah" sagot nya. Tumayo ito.

"Naka score kaba?" nakangiting sabi nito at kumindat pa.

"Sira ka talaga" sabi nya lang.

"Bakit di yata kayo sabay ngayon?" usisa pa nito.

"May dadaanan daw sya."

Blind Love Season 1 - Mindoro BL Story Completed  ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon