Nasa sala ang lahat ng bumalik sila sa loob. Nagtinginan naman ang mga ito pagdating nila.
"Saan naman kaya galing ang dalawa jan?" birong tanong ni Jameson.
"Sa labas lang nagpahangin" sagot nya lang.
Naupo sila sofa katabi nina Jameson at Melvin.
Patuloy pa syang inaasar ng mga ito. Nakatingin lang si Chay na ngayon ay katabi naman si Lorrence.
"Nga pala, bukas na ang birthday mo Cy, anong plano?" tanong naman ni Lander na nagsosolo sa isang upuan.
"Ahhmm, diko rin alam kay tito Jun, sabi ni mama, sila raw bahala" sagot naman nito.
Dahil na rin sa biyahe, nagpasya silang matulog na rin nang maaga upang makapagpahinga. Nakalatag sa sahig ang mga matres na gagamitin nila. Syempre magkatabi silang dalawa ni Cyron.
Ngayong gabi, kakaiba ang pakiramdam nya. Hindi nya alam pero kinakabahan syang katabi nya si Cyron sa pagtulog. Lalo pa at official na ang relasyon nila.
"Guys lights on, lights off?" tanong ni Lander na nakatayo sa gilid ng pinto ngayon malapit sa switch ng ilaw.
"lights off" sagot naman ng karamihan at agad naman pinatay ang ilaw.
Lights off.
Ang kinatatakutan ni Cyron. Pero wala syang choice dahil mas marami ang kailangang i-consider. Diretso lang itong nakahiga ngayon. Pansin nya rin na hindi ito kumikibo.
Syempre to the resque dapat sya. Agad nyang hinawakan ang kamay ni Cyron para malabanan nito ang phobia. Sobrang higpit naman ang hawak na iginanti nito sa kamay nya. Malamig rin ang ang palad nito.
"It's okay, nandito lang ako" bulong nya rito. Gumalaw ito para humarap sa kanya at agad sumubsob sa dibdib nya. Sa pagkakataong ito rin agad sya nitong niyakap ng mahigpit.
Masuyo nyang hinaplos ang buhok nito.Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya ngayon. Yakap yakap nya si Cyron na kanina'y sinagot nya at ngayon, magboyfriend na talaga sila. Sobrang saya nya kasi ngayon nya lang naranasan ang ganito uri ng relasyon. Dati kasi hanggang chat lang sya, hindi pa nagtatagal.
Ngayon ang lalaking pinangarap nya mula nang makita nya ito ay maituturing nyang kanya at mahal na mahal sya.
"Babyboy" biglang bumulong si Cyron.
"Hmmm?"
"I love you" sabi nito kahit alam nila parehong hindi lang sila ang tao sa kwarto.
"I love you too" bulong nya rin.
Amoy na amoy nya ang pabangong gamit ni Cyron. Pati ang paghinga nito ay ramdam na ramdam din nya. Kalmadong kalmado.
Napaisip tuloy sya kung nananaginip ba sya dahil sa mga nangyayari ngayon. Pero kung panaginip man ito, susulitin nya ang mga sandaling mahal na mahal sya ni Cyron.
Ayaw nyang matapos ang gabi. Masaya sya kapag nasa tabi nya ito. Pakiramdam nya kasi nasa kanya na lahat. Ang gwapo, mabait, matalino at sweet na si Cyron. Sigurado syang lahat pangarap ang magkaroon ng isang taong kagaya nito sa buhay nila.Habang iniisip nya ang mga bagay bagay. Nakadama na rin sya ng antok at napaidlip narin. Niyakap nya nang mahigpit si Cyron.
Pag-ibig nga naman, kahit anong sandali basta tumama tiyak may mga pusong maglalapit at tunay na magmamahalan.
***********
Kinabukasan
(Cyron's Day)Ngayon ang birthday ni Cyron. Ngayon ang birthday ng boyfriend nya. Kailangan may gawin syang special para dito.
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 1 - Mindoro BL Story Completed ❤
RomanceIf you're a fan of gay couples, you must read this. A new Story plot flavored with true experiences. Subscribe to be updated on every chapter.