Nagising si Denver dahil sa nararamdaman nyang kung anong nakapatong sa may parteng tyan nya. Hindi lang yun, may hangin na namang tumatama sa may batok nya. Si Cyron ito. Nakayakap ito patalikod sa kanya. Hindi talaga ito napigilan. Gumalaw sya para harapin ito. Dahan dahan syang umikot para di ito magising.
"Gwapo naman kahit tulog" sabi nya sa isip. Hinawi nya ang buhok nito. Pakiramdam nya napakaswerte nyang nakilala nya si Cyron. Bukod sa gwapo na, sweet pa.Bigla itong dumilat. Naniningkit pa ang mga mata nitong tumingin sa kanya. Tumingin sya sa kamay nitong nakayakap pa rin.
"S-sorry, babyboy, M-malamig kasi talaga kagabi eh" pagdadahilan nito at inaalis ang kamay na kanina pang nakayakap sa bewang nya.
"Tsss, palusot mo" nakangiti nyang sabi. Ngumiti rin ito.
"Kasalanan mo kasi to eh, " sabi nito habang kinukusot ang mga mata.
"Oh bat ako?" tanong nya.
"Nakakaadik ka kasi" at tumawa ito ng bahagya.
"Bolero" akma syang tatayo nang yakapin sya ulit nito.
"Oh teka muna, san ka ba pupunta, dito ka muna" pigil nito sa kanya. Kahit sobra syang kinikilig, di nya ito pinapahalata.
"Hayyy, ano ba" kunwaring tutol nya.
"Saglit lang, nilalamig pa ako eh" dahilan nito habang hinihigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya. Hinayaan nya lang ito. Komportable syang nasa ganoong posisyon sila. Nakayakap ulit ito ng patalikod sa kanya.
"Babyboy," sabi nito na nakasubsob sa balikat nya.
"hmm?"
"Natatandaan mo nung gabing sinundo ka ni Lorrence?" bigla nitong naitanong.
"Oo, bakit?"
"Selos na selos ako nun" malungkot nitong sabi. Natatawa naman sya dito.
"Bakit naman?" pigil tawa nyang tanong.
"Tss, syempre, sasama ka dun" Huminga ito ng malalim. "Ang totoo, di ako makatulog nun, hinintay kitang umuwi" patuloy pa nito.
"Talaga?" tanong nya naman.
"Oo, ramdam kong dumating ka, at alam ko ring wala kang dalang susi. Sinadya ko ding i-lock yung pinto. Pero di mo manlang ako nagawang katukin o tawagin" nakasimangot nitong sabi.
"Eh, galit ka kaya sakin nun" dipensa nya.
"Di ako galit," sagot nito.
"eh ano lang?"
"Nagselos kasi,"
"Mukha mo"
"Pinuntahan kita para sunduin ka sa room mo. Tapos nakita ko magka-usap kayong dalawa, sino ba namang di magseselos dun?"
"Aba malay ko bang nagseselos ka, eh akala ko nga straight ka eh" Natigilan ito sa sinabi nya. Ramdam nyang yumuko ito.
"may nasabi ba akong mali?" tanong nya.
"Wala," Nagbuntong hininga uli ito. "Kaya galit na galit si Chay sakin, kasi ayaw sa kanya ni Uncle Dad. Nalaman nya kasing bading si Chay at nakikipagrelasyon sya sa kapwa lalaki. Tapos nun naging malayo lalo ang loob nilang mag-ama. Ako naman ang napansin ni Uncle Dad, Di daw gumaya sakin si Chay. Palagi nya kaming kinukumpara. At galit na galit si Chay dahil dun. Kaya halos buong buhay nya, gusto nyang palabasin na pareho kami, na hindi din ako tunay na lalaki para magalit din sakin ang papa nya. Pero lagi syang bigo dahil hindi talaga ako halata. Kita mo pati ikaw di mo napansin" kwento nito.
"Kaya pala, gigil na gigil sya sayo"
"Pero ngayon alam na nya, di kasi kita maitanggi eh" kiniliti sya nito. Nanlaban naman sya dahil sobramg lakas ng kiliti nya. Iyon yata ang kahinaan nya sa katawan.
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 1 - Mindoro BL Story Completed ❤
RomantizmIf you're a fan of gay couples, you must read this. A new Story plot flavored with true experiences. Subscribe to be updated on every chapter.