Chapter 11 (You're Only Mine Babyboy)

272 5 0
                                    

Alas tres ng hapon ng madesisyon silang pumunta na ng Parola. Excited ang lahat dahil kilala talaga ito sa pinakapaboritong pasyalan ng mga kabataan pati narin ng mga pamilyang nagbabakasyon rito.

Ganun pa rin ang pwesto nila sa Van, medyo naiba lang dahil sa dumagdag si Angelo. Magkakatabi sila ngayon, si Lander, Angelo, Denver at Cyron.

Hindi naman siya makakilos ng ayos dahil sa katabi nya si Angelo.

Samantala, hawak naman ni Cyron ang kanang kamay nya at nakahilig ang ulo sa balikat nya.

Maya maya pasimpleng hinawakan ni Angelo ang kaliwang kamay nya. Nagulat man sya pero di nya pinahalata dahil baka mapansin ni Cyron.

Tiningnan nya si Angelo, seryoso lang itong nakatingin sa kanya. Hinigpitan nito ang hawak sa kamay nya at pinisil pa nang bahagya saka binitiwan. Dahil nasa gilid lang din nito si Lander.

Napabuntong hininga lang sya. Bumilis din ang tibok ng puso nya. Kailangan nyang deadmahin nalang ang nangyayari dahil ayaw nyang magkagulo pa at magkaproblema sila ni Cyron. Baka madamay pa ang tatay nitong si Mang Jun. Kahit gulong gulo ang isip nya, pinilit nyang maging kampente.

Ilang saglit lang at nasa may entrance na sila. Agad silang bumaba para magbayad ng fee saka nagsimulang umakyat.

Kanya kanyang labas ng Cellphone para kumuha ng picture. Nakailang shots din sila bago nakaakyat sa taas.

Pagdating doon, naghiwa-hiwalay muna sila para maenjoy ang lugar. Medyo marami ring tao ngayon dahil hindi na mainit kapag ganitong oras.

Humiwalay muna silang dalawa dahil sa kagustuhan na rin ni Cyron. Si Angelo, Jameson, Melvin at Lander naman ang magkasama ngayon. Humiwalay rin kasi sina Chay at Lorrence at plano yata ng mga itong sumakay sa Zip line.

Naglakad lakad sila sa paligid habang tinatanaw ang malawak na hardin ng lugar.

"Babyboy" sabi ni Cyron.

"Bakit?"

"Okay na ba pakiramdam mo?" tanong nito.

"Okay naman na, wag kanang mag-alala" sagot nya naman.

"Gusto mo bang subukan yun?" turo nito sa Zip line ng makitang umaakyat na sina Chay at Lorrence.

"Hindi ba nakakatakot?"

"Kasama mo naman ako eh"

"Next time nalang, baka mahilo lang ako" sabi naman nya, medyo takot kasi sya sa heights.

"Oo nga, bawal ka pa nga pala jan" sabi nito at kinuha ang kamay nya.

"Andaming tao oh" pigil nya rito.

"Dimo kailangang mahiya. Kahit anong isipin at sabihin nila, hawakan mo lang ang kamay ko. Hindi kailangang matuwa sila sa kung anong meron tayo. Ang mahalaga, masaya tayong dalawa Babyboy" At hinawakan nito ang kamay nya.

"Kahit ano pang sabihin ng mga yan, wala akong pakialam. Di naman natin sila kilala eh at mas lalong di tayo kilala ng mga yan" sabi pa nito.

Hinigpitan nya ang hawak sa kamay nito.

Naglakad sila sa may huling kubo na nakaharap sa dagat malapit sa exit.
Napakaganda tingnan ng payapang pag-alon nito.

"Ang ganda babyboy diba?" tanong sa kanya ni Cyron.

"Oo nga, teka, magpicture nga tayong dalawa, para may souvenir yung birthday mo" sabi nya rito saka inilabas ang Cellphone. Agad namang nagpacute si Cyron sa camera habang naka-akbay sa kanya.

"Ang pogi naman ng babyboy ko" sabi nito.

"Hala, mas pogi ka nuh" sabi naman nya.

"Osige, pareho na tayong pogi, pero lamang ka ng konti" ngumiti ito.

Blind Love Season 1 - Mindoro BL Story Completed  ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon