Araw ng Myerkules ngayon, maaga ang pasok ni Denver. Dahan dahan nyang dinilat ang kanyang mata, wala nang tao sa kama ni Cyron. Kinusot nya ng bahagya ang mata dahil nanlalabo pa ang mga ito. Nilingon nya ang suot na relo at nagulat sya sa oras, 5:20 na tanghali na iyon kumpara sa nakasanayan nyang 4:00 na gising kaya naman napabalikwas sya ng bangon at napatayo."Gising ka na pala" bati ni Cyron na ngayon ay nakaupo sa may mesa at nagkakape ito.
"Ipinagtimpla kita ng kape, sakto ang gising mo, heto, sana tama lang ang timpla" at iniabot nito ang hawak na kape. Syempre tinanggap nya ito at naupo rin. Magkaharap sila ngayon sa lamesa. Tinikman nya ang kapeng gawa nito.
"Sakto naman sa panlasa ko, salamat" at nginitian nya ito.
"Salamat rin, para sa kagabi" nakayukong sabi nito.
"ayos lang, wala namang ibang makakatulong sayo, dadalawa tayo rito" paliwanag nya.
"ang totoo may phobia ako sa mga madidilim na lugar, kaya mas pinipili kong mag-isa sa kwarto para pwede kong iwang bukas ang ilaw buong gabi". Ito na yata ang pinakamahabang salitang narinig nya mula kay Cyron.
"At least ngayon alam ko na, kaya ko namang matulog kahit bukas ang ilaw".
"Kumain kana rin, nagluto na ako mukhang maaga ang pasok mo ngayon" Alok pa nito, syempre agad syang kumilos dahil ayaw nyang malate. kaharap nya ito habang kumakain sya.
"Ikaw? sumabay kana rin" alok nya rin dito. Kumuha rin naman ito ng pinggan at kumain na rin.
"Half day naman ako ngayon, mamayang hapon lang klase ko" sabi pa nito bago sumubo ng pagkain.
"dapat pala magprint tayo ng schedule natin, sakto may printer ako dyan, para alam natin ang schedule ng isa't isa" Paliwanag nya rito.
"Mukhang magandang ideya nga yun" sabi nito.
Pagkatapos nyang kumain ay naligo na rin sya agad. Si Cyron ulit ang nagligpit ng mga ginamit nila. Mabilis syang nakapag asikaso at ngayon ay handa na sya para pumasok.
"Pasok na ako" hindi nya maintindihan pero parang kelangan nya itong sabihin, tumingin naman si Cyron at ngumiti.
"Ingat ka" pahabol pa nito bago nya maisara ang pinto.
Nagpatigil sya saglit sa labas. "Anong nangyayari? si Cyron ba talaga yun? Parang ibang iba sya ngayon, napakalaki ba nang nagawa ko kagabi at napakabait nya ngayon?" sa isip isip nya.
"Hayyyy" nasambit nya lang at nagpatuloy na sa paglabas, dinaanan nya si Jameson, ready na rin ito. Isinakay na nya ito para sabay na silang pumasok. Noong una si Melvin ang naghahatid rito dahil may motor rin itong sarili.
"Kamusta naman ang first night natin jan?" nakakalokong tanong ni Jameson sa kanya.
"Sira, " sabi lang nya.
"Hoy Der, ilang taon na tayong magkaibigan ha, kilala na kita mula ulo hanggang paa at alam ko rin kung kelan ka nahuhumaling sa kung sino, kaya wala kang maitatago sakin. Umamin kana kasi" pagyayabang pa nito.
"Tumahimik ka nga" patawa nyang saway dito. Tama nga ito, sa tinagal tagal nilang magkaibigan alam na nila ang kahulugan ng mga simpleng galawan ng isa't isa.
"Halata ko na malakas ang tama mo kay roommate mong hot pare, wag ka nang magkaila" pamimilit pa nito.
"Dami mo talagang alam" lalo syang natawa sa sinabi nito kasi alam nyang totoo ang mga sinasabi ni Jameson.
"Okay, pag di ka umamin sakin, kay Cyron ko nalang lilinawin" at tumigil ang mundo nya sa sinabi nito. Saktong dating nila sa parking lot ng school.
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 1 - Mindoro BL Story Completed ❤
Roman d'amourIf you're a fan of gay couples, you must read this. A new Story plot flavored with true experiences. Subscribe to be updated on every chapter.