Nang makababa na ang lahat maliban sa kanilang dalawa ni Angelo, umayos sya sa pagkakaupo. Nagpapaba kasi sa isang department store sina Jameson at Melvin kaya sya na lamang ang kasama ni Angelo ngayon. Naisip nyang nakatulog talaga sya nang mahimbing sa balikat ni Angelo.
Dalawa nalang sila sa loob ng van kaya naman medyo nailang sya kay Angelo. Wala silang imikan. Nakatingin lang ito sa kanya, maamo, para bang sinusulit na wala silang kasama ngayon.
"K-kamusta balikat mo? N-nangawit kaba? mukhang napasarap ang tulog ko eh" tanong nya dito dahil wala syang maisip na mapag-uusapan.
"Okay lang, Sarap nga ng tulog mo ehh" sagot naman nito at ngumiti pa.
"Talaga?"
"Oo, tulo nga laway mo eh"
"ano? talaga, patingin" nagulat naman sya at nahiya dahil sa sinabi nito kaya pinilit nyang tingnan ang balikat nito pero umiiwas ito.
"Joke lang, joke lang" pigil nito sa kanya habang tumatawa.
"Hayy,, nakaka-asar ka naman"
"Hahah, ang cute mo namang asarin" biglang sabi nito.
"Ewan ko sayo" umismid lang sya rito.
"Sungit naman" sabi lang nito.
Maya maya tumigil ang van sa harap ng dorm nya.
"Dito ka nakatira?" tanong agad ni Angelo.
"Oo, sige mauna na ako, ingat" agad syang lumabas ng van at direderetsong pumasok sa loob. Ni hindi nya nilingon ang nakatingin pa ring si Angelo. Umalis din naman agad ang van dahil ihahatid pa nito ang binata sa tiyahin nito.
Nasa harap sya ngayon ng pinto ng room nila ni Cyron. Halos ayaw na nyang pumasok dahil sa labas palang nito, nagflashback na agad ang gabing sinundo sya ni Cyron sa labas dahil nakalock ang pinto at di sya nakapasok. Bigla syang nakaramdam ng kakaibang lungkot. Pakiramdam nya lalo nya lang namimis ang binata.
Pumasok sya at agad nahiga sa kama. Nakatitig lang sya sa kisame habang iniisip kung ano na kaya ang lagay ni Cyron, nasan na kaya ito, anong ginagawa nya o namimiss rin kaya sya nito?. Andaming tanong ang nabubuo sa isipan nya. Bumangon sya sa pagkakahiga at tiningnan ang kama ni Cyron.
Naalala nya ang gabing nalasing ito at nakatabi nyang matulog, ganun din ang paghalik nito sa kanya. Lumapit sya rito.Buong kwarto ay nagpapaalala ng lahat ng nakaraan nila ni Cyron. Para tuloy syang ewan ngayon at di alam ang mararamdaman. Pakiramdam nya tapos na ang lahat sa kanilang dalawa. Pakiramdam nya hindi na babalik si Cyron.
Unti unting tumulo ang mga luha nya. Gusto nyang makusap si Cyron. Gusto nyang kamustahin ito, tanungin kung ano ba talaga ang nangyari pero wala syang alam na paraan. Naiwan pa nito ang Cellphone nito. Lalo syang naiyak at napasubsob sa kama ni Cyron habang yakap ang unan ng binata. Ngayon di nya alam ang gagawin nya. Wala syang gustong mangyari kundi ang makita muli si Cyron at makasama ito.
Wala syang balak na ibang gawin ngayon kundi magmumok at magkulong sa kwarto. Pakiramdam nya lalo syang malulungkot kung makikipag usap o haharap sa ibang tao kaya naman mas maiging manatili nalang sya sa kwarto.
Natigilan sya sandali sa pag-iisip, bumangon sya at kinuha ang ang wallet pati na rin ang susi ng motor nya.
Lumabas sya ng dorm para bumili ng alak. Ngayon pakiramdam nya'y wala nang ibang pag-asa, sa alak nalang sya muna kakapit. Gusto nyang malimot ang sakit.
Tumigil sya sa department store kung saan magkasama silang bumili rin ng alak ni Cyron dati, ang department store ng kuya nya.
Pumasok sya agad at dumiretso sa Wine section. Pero dahil hindi naman nya kaya ang hard drink, beer nalang ang kinuha nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/186288162-288-k652481.jpg)
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 1 - Mindoro BL Story Completed ❤
RomanceIf you're a fan of gay couples, you must read this. A new Story plot flavored with true experiences. Subscribe to be updated on every chapter.