PROLOGUE

186 8 0
                                    

A/N: Another story of mine!! Hope you'll support my stories!! Dadalasan ko nalang din po ang Author's Note ko sa umpisa at dulo. Thank you. I hope you'll like it!!

wyrdaest>>

Note: there's so many grammatical errors, wrong spellings, wrong punctuations and even loopholes so please beware.

PROLOGUE

"BUT DAD!" mariing sigaw ni Mikyla sa kaniyang ama.

"No buts! Ikakasal ka sa nag-iisang anak ng mga Montemayor." giit ng ama niya.

Naiinis siya. Parati nalang siyang sumusunod sa gusto ng ama. Anong magagawa niya? Wala. Dahil wala na ang kaniyang ina na pumoprotekta sa gusto ng ama.

Bakit kasi si Mom pa ang nawala?!

"You're so unfair Dad! Parati nalang!" hindi niya mapigilang sigaw at padabog na umalis ng opisina nito. Hindi na niya kaya. Sumosobra na ito.

Agad niyang tinungo ang kaniyang silid at nilock iyon. Doon na nag-unahang tumulo ang kaniyang mga luha. She hates it. When she's angry but turns to cry. And what's worst is that she can't do anything about it.

Why does she need to obey her Dad anyway? Well, she's the only child of the family. Bakit kasi pinanganak pa siyang mayaman? Ganoon na lang lagi ang sitwasyon.

Sana hindi nalang namatay si Mom.

Minsan talaga naisip ni Mikyla na maglayas na lang. She stilled of what she's thinking. Bright idea. Pinunasan niya ang mga luha at nagtungo sa walk in closet niya.

"I'm sorry Dad. I don't want to marry so soon." bulong niya sa sarili.

Sinimulan niya ang pag-iimpake at nilagay sa kulay pink na maleta na binili ng kaniyang ina nung nabubuhay pa ito ang kaniyang mga gamit.

Marrying someone that I don't love is not my thing.

Natapos siyang mag-impake ay nilagay niya iyon sa pinakatagong parte ng closet niya saka lumabas at nahiga sa kama.

Hindi alam ni Mikyla kung saan siya pupunta. Basta ang sigurado siya ay kailangan niyang makaalis ng bahay na iyon para maging malaya na siya ng tuluyan.

Naging mabigat na ang talukap niya kaya mabilis siyang nakatulog.

Nagising siya ng pasado alas dos ng umaga. Walang inaksayang oras si Mikyla.

She took a fast bath then wore a simple black skinny jeans and a white loose shirt. Nagsapatos na lamang siya ng black rubber shoes. Kumuha pa siya ng bullcap at sinuot. Hinayaan niya lamang na nakalugay ang kulay brown niyang wavy hair na umabot na hanggang beywang.

This is it, Mikay. Makakaalis kana sa impyernong lugar na ito.

In her 24 years of existence, never niyang sinuway ni isang utos ng ama. Ngayon lang. Nakakasakal na rin. Ayaw niyang habang buhay siyang kinokontrol. This is my life and no one will control me... anymore.

Tumingin si Mikyla sa repleksyon niya sa whole length mirror. Nagulat pa siya sa nakikita.

Simple but beautiful.

Dali dali niyang kinuha ang maleta at ang shoulder bag niya sa night stand.

Pasimple siyang sumilip sa pinto. Nang makasigurong walang tao ay dali dali siyang tumakbo hanggang makalabas na siya ng mansyong iyon.

Muling tumingin si Mikay sa mansyon.

Bye-bye dear home. I need to leave you. I want to be free. I want to live my life as I want... without no one is controlling me.

Pinahid ni Mikay ang luhang kumawala sa mga mata niya at mabibigat ang paang pinilit na umalis. Tinakbo ang daan palabas ng village.

Sakto tulog ang mga gwardiya kaya malaya siyang nakalabas ng walang nakakakita except from the cctv's in the village.

Hindi naman siya makikilala agad dahil sa suot niya. Far from the Mikyla Jay Rias that is elegant and rich.

She's now the new Mikyla Jay Rias. A simple and an average person.

Pumara siya ng taxi 'di kalayuan sa village. Nilagay niya ang maletang dala sa compartment saka sumakay sa passenger seat at nagseat belt.

"Manong sa lugar na magulo. Doon mo ako dalhin." aniya.

Hindi alam ni Mikay kung saan iyon basta gusto niyang lumayo sa kaniyang Daddy. Sa magulong lugar tiyak hindi mag-aaksaya ang ama niya sa paghahanap kung saan iyon.

Huminga siya ng malalim at natulog muli.

---

A/N: Bago kong istorya. Sana inyong tangkilikin at mahalin. Thank you in advance!

#EnjoyReading

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon