wyrdaest>>
KABANATA 23
UNANG UMATAKE ANG limang sections sakanila. Nagulat si Aika dahil sa pagka-agresibo ng mga ito. Ang tatlong babae'y papalapit na sakaniya. Huminga siya ng malalim at pumosisyon upang salubungin ang tatlo.
Nagsimula na ring makipaglaban ang mga kasama niya, hindi maipagkakailangang gamay ng mga ito ang pakikipaglaban.
"Yaaaaah!" sigaw ng isang babae at sinugod na siya. Umilag si Aika sa pagtangka nitong paglusob.
Susugod na sana siya ng biglang sumugod ang babae sakaniyang gilid. Fuck! Nakalimutan niya, three vs one ang ganap nila.
Muling inilagan ni Aika ang isa. Humigpit ang hawak niya sa kutsilyo. Saka dinaplisan sa leeg ang isang babaeng susugod na sana sakaniya. Napadaing naman ang huli.
Sunod sunod ang ginawang pag-atake ng tatlo kay Aika. Pero ni isa sa mga ito ay walang nakatama sakaniya.
"Yaaaah!" sigaw ng babae naging alerto naman si Aika umilag siya dito saka pumwesto sa likod nito, tinamaan niya ito sa likuran at sinipa. Nawalan na ng malay ito.
One-zero.
Hinarap niya ang dalawang natira. Akala niya ay susugod ang isa, ngunit ang hindi niya inaasahan ay pareho itong susugod sa gawi niya. Nanigas si Aika sa kinatatayuan, she never expect that!
Parehong nakabantay ang dalawa sa gilid niya habang tumatakbo sakaniya. Ang isa'y hawak ang kutsilyo ang isa nama'y cutter. Nag-iisip si Aika ng solusiyon pero wala! Mental block na siya ngayon!
Nataranta na si Aika habang papalapit ang dalawa. Pasalit salit niya itong tinignan, handa na ang mga armas sakaniyang tumama.
Think, Aika! Think!
Papalapit na ang mga ito. Wala pa rin siyang maisip na paraan upang matakasan ang dalawa. Should she run?! Nooo!!
Ilang inches na lamang ang layo ng mga ito sakaniya. Wala talo na siya. Mariin siyang pumikit. Inantay ang pagdapo ng patalim sakaniya.
Minutes later, wala siyang naramdamang patalim sa kung saang bahagi ng katawan niya. Nagmulat siya ng tingin at tumingin sa paligid. Nagkalat ang mga estudyanteng kalaban. Wala nang natira kahit isa. Kitang kita niya ang dalawang lalaking nakatayo sa kaniyang harapan habang hinahabol ang hininga. It was Draven and Marcus, while looking at the students in the floor. Hawak ang mga armas na puno ng dugo.
Tumingin si Aika sakaniyang magkabilang gilid. Ang dalawang babaeng susugod sana sakaniya ay nakahandusay na rin sa sahig.
But the other girl using a cutter really captured her attention. May tama ito sa braso habang walang malay. It was a knife blade... Wait, knife blade?!
Tumingin sa likod si Aika and she's right, it's Andrew. Ito ba ang tumama sa babaeng susugod sana sakaniya?!
Tumingin si Aika kay Andrew. Hingal na hingal rin ito habang hawak ang duguang knife blade at nakatingin ng kakaiba sa babaeng may hawak ng cutter.
He save me?
Naroon rin sa likuran ang dalawa. Si Bado at Prince.
Maya maya pa ay malakas na sigawan, palakpakan at tilian ang dumagundong sa buong silid.
"As expected, the winner, Section Bloody!" sigaw ng emcee.
Aika took a deep breath then look to the crowd. Still not processing what was really happened. It was fast like a thunder.
Umalis na ang kasamahan niya, sumunod na rin siya dito.
Napunta ang mga ito sa likod ng entablado. Sa locker room ng silid nila. Ang iba ay kaniya kaniyang kuha ng extrang damit sa locker at umupo sa bench, si Prince naman pumasok ng cr.
BINABASA MO ANG
Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)
Random[COMPLETED] Hindi sagrado ang buhay na kinakaharap ngayon ni Mikyla. Yes, she comes from a rich and happy family. Ramdam niya ang pagmamahal ng isang pamilya. Until one day, her Mom got into an accident because of her. Halos sisihin niya ang sarili...