wyrdaest>>KABANATA 53
MALAYO ANG TINGIN niya sa tahimik na dagat na ang tanging naririnig ay ang hampas ng alon maging ang mga nagsasayawan na mga halaman sa paligid. It was a nice view of color sky blue sea, green leaves and an orange sky. So peaceful... away from her problem.
Huminga siya nang malalim at dinama ang panghapong hangin sa balat. Nakisabay sa hangin ang suot na floral na bestida maging ang mahabang buhok. Bumalik na sa dati niyang buhok ang haba isang taon na ang lumipas.
At mahigit isang taon na rin ang kaniyang pananatili sa Pangasinan. Ngunit sariwa pa rin sakaniyang isipan ang nangyari bago siya napadpad roon. Parang kahapon lamang nangyari ang lahat.
Mapait siyang ngumiti habang tanaw ang inosenteng tanawin. Sariwa pa ang kaniyang pang-alis nang syudad.
Pagmulat nang mga mata ay bumunggad agad sakaniya ang isang puting silid. Nilikot ni Aika ang mga mata at natanaw ang pamilyar na lalaki sakaniyang gilid.
Umayos siya nang higa na nakapagpagalaw sa lalaki. Nagmulat ito nang mga mata at hinarap siya. Parang tambol ang kaniyang puso habang nakatingin sa lalaki ngunit agad siyang umiwas ng tingin. His presence is so much that she can't handle.
The silence stayed. Ramdam na niya ang awkward nang atmosphere. But she don't want to talk unless Bado will talk first.
Narinig niya ang malalim na buntong hininga ni Bado bago tumayo. Saglit lamang siyang tumingin dito bago umiwas ng tingin. Hinayaan ang pagsusungit ng mukha.
"I-I know you can't accept my apology but baby, believe me... I only do that for your sake. I'm sorry."
Hinayaan niya itong magsalita. Gusto niya mang ibuka ang bibig upang sumbatan ito ngunit masyado na siyang napapagod sa lahat ng ito. Masyado nang masakit at hindi na niya kayang hawakan pa kaya siya'y tumahimik na lamang. Tao rin naman siyang nakakaramdam ng pagod. Kaya tama na.
"Aik--"
"Let's break up." nahanap niya rin sa wakas ang boses niya.
Ramdam niya ang saglit na natigilan si Bado sakaniyang sinabi. Anytime ay babagsak na ang kaniyang luha kaya kailangan na niyang tapusin ito ng mabilis.
"I-I don't want to see you anymore." maliit na tinig niyang saad. Yumuko siya at pinatitigan ang mga kamay.
"Aika, ple--"
"U-Umalis ka na. P-Please, Bado. Leave..." namamaos niyang saad.
Nanlalabo na ang kaniyang paningin. She's hurting physically and mentally. Damn! Wala nang mas sasakit pa sa lahat nang pait na dinanas niya sa buhay. She's hopeless. Fucking hopeless.
"P-Please." she pleased.
Maya maya pa ay mabigat itong huminga nang malalim bago umalis. Tuluyan nang napaluha si Aika. Ito ang pinakamabigat sa lahat nang sakit na kaniyang nadama.
Mahigit dalawang oras din ang tinagal ni Aika sa ospital na inuukopa. Madami pang check ups ang ginawa nang nurse sakaniya.
"Ma'am just wait for a while. Doc Denver will arrive to check you too, Ma'am." then she smiled before leaving.
And again Aika is spacing out. Nakatingin siya sa kawalan. Hanggang sa bumukas ang pinto. Napatingin si Aika roon at nanlaki ang mga mata maging ang Doktor na pumasok ay nagulat rin. Kalaunan ang ngumiti ito at naglakad sakaniya papalapit.
BINABASA MO ANG
Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)
Random[COMPLETED] Hindi sagrado ang buhay na kinakaharap ngayon ni Mikyla. Yes, she comes from a rich and happy family. Ramdam niya ang pagmamahal ng isang pamilya. Until one day, her Mom got into an accident because of her. Halos sisihin niya ang sarili...