KABANATA 52

30 1 0
                                    


wyrdaest>>

KABANATA 52

"PAKAWALAN NIYO AKO!" pagsisisigaw ni Aika habang patuloy na nagpupumiglas sa pagkakagapos. Nakatali ng bakal ang binti hanggang paa maging ang mga kamay sa likod ng upuang bakal. Nasa isang madilim na kwarto siya ngayon at ang tanging bumbilya lamang sa tapat ng kaniyang kinauupuan ang nagsisilbing liwanag.

She's scared? Yes. Damn, Yes! Ngunit walang panahon para du'n. Lalaban siya hangga't kaya. No time to be kitten.

Ilang beses na siyang napahamak dahil sa kapabayaan. Kakambal na nga niya marahil ng panganib at hindi siya kayang lubayan.

She thinks for the possibilities on how to get her ass out to that place. But the other side of her is always reminding her that she can't. Making her way out of the place is so impossible.

"Kahit magsisisigaw ka diyan, Miss wala ka nang magagawa." said by one of her guards. Then they laughed in unison before leaving her. Tsk, devils.

Tinapunan niya ng masamang tingin ang pinto bago muling nagfocus sa pag-iisip. Kailangan niyang makatakas pero ang tanong pa'no?

Gago ka Tild, mamatay ka nang hayop ka!

Kanina niya pa paulit ulit na pinatay sa isipan ang hayop na iyon.

She continue what she's doing when a tray of foods served infront of her face. Napatingin siya sa lalaking may hawak ng pagkain.

"Kain ka muna, Miss." he smirk.

Tsk. Pa'no siya kakain kung nakagapos siya? Nag-iisip ba etong lalaking ito?

She rolled her eyes then look at her right.

"Bahala ka." at nilapag nito ang pagkain sa tapat ng kaniyang mga paa sa sahig.

Nagugutom siya? Oo, pero hindi niya inisip ang pagkain. Hindi niya masikmurang kumain habang patuloy siyang binabagabag ng takot at pangamba. Ang kailangan niya ay makaligtas at makaalis sa lugar na iyon.

Oh happy birthday, self. Mabuhay ka pa sana.

In her entire life, hindi niya naisip na mas may lalala pa pala sa paggunita niya ng kaarawan.

Ilang oras ang ginugol niya sa pagpalag sa pagkakagapos ngunit wala ni isang nangyari. Nagkalat na rin sa sahig ang mga pagkain dahil sa paggalaw niya. Nakaramdam na ng pagod si Aika dahil sa ginagawa. Tinigil niya ang paggalaw dahil sa pagpapawis at sunod sunod na paghinga. Wala nang pag-asang nakikita si Aika na makakalabas pa siya roon ng buhay. She imagine herself gets the hell out of that place cold and dead. Napangiwi siya sa sariling iniisip.

Nonsense. Really nonsense. Yumuko siya upang habulin ang hininga nang biglang bumukas ang pinto. Nag-angat siya ng tingin at handa na sanang singhalan ang pumasok ng nanigas siya sa kinauupuan habang nakatingin sa lalaking pumasok.

Bumilis bigla ang tibok ng kaniyang puso hindi dahil sa galak kundi dahil sa sakit. Pakiramdam niya ay gustong kumawala ng kaniyang puso sa ribcage niya habang nakatingin sa lalaki. Wala ni isang nagsalita sakanila at tanging ang mga mata lamang ang nangungusap.

Nakikita niya sa mga mata nito ang pagod at sakit. Maging ang mukha nito ay miserable, from his hair that is messy. Ang suot nitong kulay puting v-neck shirt ay may gusot at konting dugo maging ang faded na pantalon nito ay ganoon rin. Gusto niyang maawa ng biglang nanariwa ang mga katagang binitawan ni Tild. Pinipigilan niya ang maiyak kaya umiwas siya ng tingin dito. Parang pinipiga ang kaniyang puso dahil sa nangyayari.

Pinagkaisahan siya. She makes herself a fool. They fooled her in the first place at eto naman siyang tanga ay nagpaloko rin.

Kinagat niya ang ibabang labi ng marinig niya ang mga hakbang nito papalapit sakaniya. Habang papalapit ang binata ay siya ring pagdurog ng kaniyang puso. Kapag naiisip ang mga sinabi ni Tild ay talagang hindi siya patahimikin ng sakit. Ganito ba? Ganito ba ang gusto nila? Ang maging miserable lalo ang kaniyang buhay?

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon