KABANATA 7

49 2 0
                                    

wyrdaest>>

KABANATA 7

HINDI NA NATULOY sa pag-alis si Aika dahil sa narinig. Si Bado magseselos? Kanino naman?

"Fuck." pinagsusuntok ni Aika ang pader dahil sa frustration.

Natigil siya sa pagsuntok ng makaramdam ng dugo at sakit sa kanang kamao.

Hindi ikaw 'to Bado. Anong nangyayari sa'yo.

Dahil sa wala siyang alam sa nangyayari ay agad siyang lumabas at bumaba ng hagdan saka nagtungong sala. Kailangan niya itong kausapin.

Naroon pa rin ang dalawa pero wala na si Boss.

Seryoso silang tatlo. Mauubos na ang pasensya niya kung maghihintay pa siya ng matagal kaya lumapit siya sa mga ito. Nagsitinginan naman ang mga ito sakaniya.

Nakakuyom ang kamao ni Aika at titig na titig kay Bado.

"Leave us alone." aniya at hindi tumingin sa iba.

Dali dali namang tumayo ang dalawa at nilisan ang sala. Tumingin si Aika sa paligid dahil mayroon pa ring mga tao.

"I said leave us alone!" sigaw niya dahilan para umalis ang mga ito sa sala.

Nakatayo lamang siya sa harap ni Bado na nakayuko at ginagamot ang pisngi. Nakita niyang natigilan si Bado habang nakatingin sa sahig.Napatingin rin si Aika sa sahig. Nagulat siya ng makitang may tumutulong dugo galing sa kamao niya. Tinago niya ito sa likod niya.

"Talk." aniya.

He stilled again then do what he's doing earlier.

"Hindi ka magsasalita?" tanong niya uli.

Binitawan ni Bado ang hawak na ice pack sa centre table saka tumingin sakaniya.

"Anong gusto mong sabihin ko?" seryoso at malumanay nitong tanong.

"All in all. Bakit mo ako iniiwasan? Bakit parang nagbago ang ugali mo? Bakit hindi ka na ngumingiti? Lahat ng iyan ay nagbago, bakit nga ba, Bado? Ano bang problema mo?" naguguluhan na siya.

"People change, Aika." sabi nito.

Nangigilid na ang luha ni Aika. Ayaw nitong sabihin ang totoo. Huminga siya ng malalim.

"Fine, kung ayaw mo akong makausap at pilit kang umiiwas, hahayaan na kita." sabi niya at patakbong tinungo ang kaniyang silid.

Pagkasara nu'n ay ang pagtulo ng kaniyang luha. Bakit siya nakakaramdam ng sakit? Oo nga't people change pero bakit hindi siya sanay? Umiyak siya ng umiyak hanggang sa magsawa ang kaniyang mga mata sa pag-iyak. Nahiga siya sa kama at natulog.

Nagising siya sa hindi malamang dahilan. Tumingin siya sa alarm clock na nasa night stand.

4:30 pm

Kaya kahit masakit ang ulo niya ay tumayo na siya at muling naligo. Ngayong gabi ang araw na bibinyagan na siya. Hindi siya pwedeng lumiban dun.

Napatingin naman si Aika sakaniyang kanang kamao. Namamaga na iyon, color violet na iyon. Kapag hahawakan ay may hapdi siyang nadarama.

Mas masakit parin talaga ang puso ko.

Ngumiti siya ng mapait at pumasok na ng banyo. Kailangan niyang magfocus sa magaganap na labanan mamaya.

Natapos siyang maligo ay nagbihis na siya ng black ripped jeans saka black shirt na may tatak na 'Demon' at hapit sa katawan niya saka niya pinatungan ng leather jacket. Naglagay rin siya ng light makeup para takpan ang namamaga niyang mata. Pero dahil sa maputi siya ay halata pa rin iyon.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon