KABANATA 55

36 2 0
                                    


wyrdaest>>

KABANATA 55

THERE HAS NEVER been a time when the miles that came between us have not been bridged by the closeness of our hearts. All this years, my feelings stay for you. I can't stop thinking about you.

Nakangiti siya sa kawalan habang dinadama ang hanging tumatama sa balat. Kahit anong gawin niyang paglimot ay talagang nakatatak na sa puso't-isipan niya si Callus. Hulog na hulog na nga talaga siya.

Ikatlong araw na ngayon at bukas na bukas ay uuwi na siya ng syudad. Ibinalita na rin niya sa pamilya ang gusto niyang mangyari. Nalungkot silang lahat ngunit kalaunan ay natuwa sila dahil sakaniyang desisyon.

"Sa wakas naman, Jay at napag-isipan mo ng lahat ang sinabi ko." ani ni Ken sa labas ng bahay.

"Siguro nga hindi dito ang tadhana ko." ngumiti siya dito.

"Malulungkot ako pero okay lang. You've made a right choice." he chuckled.

"Ow? Talaga? Mamimiss mo ako? Eh, parati mo akong pinapagalitan kapag hindi ko sinusunod payo mo sa'kin tapos mamimiss mo rin pala ako?" pabiro niyang saad.

Umiling ito at ngumiti. Gwapo si Ken, oo but not her type. Kay Callus lang ata naghuhugis puso ang kaniyang mga mata. Pero sana hindi pa huli ang lahat.

"Pero seryoso, salamat sa lahat ng tulong sa pamilya mo lalo ka na Ken." she smiled genuinely.

"Basta walang kalimutan ha!" masigla niyang saad.

"Oo naman. Baka nga ikaw diyan e, kalimutan mo na kami. Sige ka, iiyak lalo si Jane." anito.

"Hindi ah! I'll pay a visit when I have time."

Nilahad nito ang mga braso. Agad naman siyang yumakap dito.

"I'll miss you." saad nito.

"Ako din. Mamimiss ko kayo, lalo ka na."

"Pakilala mo sa'kin yung lalaking dinadramahan mo at nang masapak ko man lang. Makaganti ka man lang." pabiro nitong saad.

Natawa na lamang siya at pabirong hinampas ito sa dibdib. Nangiligid na ang kaniyang luha. She'll miss the family she temporary had. They're the best perfect edification of a happy family. They edify the family she dream to have in the near future. Someday.

Huminga siya ng malalim at unti unti ng tumayo upang bumalik na sa bahay. Magkakaroon ng konting salo salo sa bahay ng Rodriguez para sakaniyang pag-alis. Imbitado ang ilang kakilala't kapitbahay nila Inang Belen kaya hindi siya pwedeng mahuli at nakakahiya.

Nakangiti siyang naglakad sa tabi ng beach ng agad natigil ng makita ang isang pamilyar na bulto ng isang tao sa beach.

Habang nakatingin sa lalaking masayang naliligo sa beach kasama si Quen maging ang ilan nitong kaibigan ay labis na lamang ang bilis ng pagtibok ng kaniyang puso sa nakikita.

Habang nakamasid sa lalaki ay parang bumagal ang pag-ikot ng mundo. Namiss niya ito. Unti unting tumulo ang kaniyang luha habang nakamasid sa likod ng lalaki. His half naked and the way his biceps move mahahalata mong nagbago ang hulma ng katawan or is she just doesn't know the body of Callus without any shirt. His hair grows a lot na bumagay talaga ng husto dito.

Callus.

Natigil ang kaniyang imahinasyon ng makita ang babaeng nagngangalang Quen na lumapit kay Callus at hinila ito sa medyo malalim na parte. Callus laugh at nagpahila rin. Kita sa mukha ni Quen ang kasiyahan. Du'n niya lamang napansin na naka black two piece lamang ang babae at hubog na hubog ang katawan maging ang cleavage nito.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon