wyrdaest>>
KABANATA 59
2 years later...
She smile as she watched the people having a happy faces. Atlast masasabi na niya ding... She's happy. Hindi niya alam kung kailan at saan niya naramdaman iyon basta ang alam niya kontento na siya sa kung anong meron siya. Sa nagdaang dalawang taong lumipas sa buhay niya, masasabi na niyang no more pain.
Nabigyan siya ng pagkakataong muling maranasan ang pagiging masaya. Magkaroon ng masaya at kompletong pamilya.
"Mommy!" Matinis na sigaw ng bata sa kaniyang gilid.
Napawi ang kaniyang ngiti ng makita ang batang lalaki na tumatakbo sakaniyang pwesto. Kunot noong minata niya ito habang tumatakbo sakaniya papalapit.
Ang suot nitong asul na polo, itim na short at asul na sapatos ay nadesenyohan ng putik. Halos matakpan ang kulay ng suot nito.
Napatayo siya sakaniyang pwesto at yumuko sa batang kaharap.
"James, what did you do? Bakit ang dumi mo?" aniya habang pinupunasan ito ng dalang blue towel.
James smile cutely at her. Nagpapacute para hindi pagalitan. Her weakness."I'm sorry, Mommy. I just play with Kuya Paolo po kasi doon po oh." Nakangusong turo nito sa kanilang hardin na medyo basa ang lupa. Medyo pautal utal pa magsalita ang dalawang taon niyang anak.
Napabuntong hininga siya at umiling.
"I told you not to go away di'ba? Look at you now? How can you greet Xia if you look like that? Let's go and change your clothes. Where's your Dad? Kasama mo siya kanina hindi ba?" Aniya habang hawak ang maliit nitong kamay at naglakad papasok ng bahay.
James is two years old, turning 3 this May. Siya ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan. Nang malaman niyang ipinagbubuntis niya si James ay sobrang laking tuwa niya at ni Callus. Maituturing niyang blessing si James sakanila ni Callus, dahil muli niyang nakita ang ama. Tumira ito sa America ng ilang taon dahil sa sakit nitong cancer. Pansin ang pamamayat ang panghihina dito ngunit nabuhayan ang mga mata nito ng muli siya nitong masilayan.
Naibenta halos lahat ng ari ariang mayroon sila. Kaya hindi kaagad nakabalik ng bansa ang ama. Walang araw na hindi siya hinanap ng ama. Nang malaman nito ang paglayas niya sa puder nito ay napagtanto ng ama ang mga pagkukulang at pagkakamali. Lahat ng oras at pera ay ibinigay ng ama mahanap lamang siya ngunit hindi siya nito mahanap, hanggang sa magkasakit at mapilitang magpunta ng ibang bansa.
Ipinagkatiwala ng ama ang business sa isang kakilala ngunit hindi naglaon ay nalaman nitong nagbubulsa ito ng limpak limpak na siyang ikinatigil sa paghahanap sakaniya at ang matagal na pamamalagi ng ama sa ibang bansa. Nabuo ang galit sakaniyang puso ng marinig ang balitang iyon galing dito mismo.
May pagkamasama man ang ugali ng ama ay hindi pa rin nito deserve ang ganoong bagay. Naawa at umiyak ng umiyak si Aika sa ama ng dahil sa iniwan niya ito. Nagsisisi siya ngunit ang sabi ng ama ay hindi nito kasalanan. Inalagaan at hindi niya iniwan ang ama hanggang sa kaniyang panganganak. Sa ganoon man lang paraan ay makabawi siya sa taong nawalay siya sa ama.
Sobra ang tuwa ng kaniyang ama ng masilayan nito si James. Walang araw na hindi ito pumupunta sa kwarto ni James na nakalaan sa bagong bahay na ipinatayo ni Callus para sakanila. Kahit nanghihina ay hindi ito nagpapalampas ng araw, masilayan lamang ang apo nito.
Nang maipakilala niya si Callus sa ama ay akala niya ay magagalit at susumbatan nang ama si Callus dahil na rin sa ina nito ang kaniyang Mommy ngunit laking gulat niya ng yakapin nito si Callus ng buong puso at paulit ulit na humingi ng kapatawaran. Naiiyak nga siya sa nasilayan ng araw na iyon. Kapag naiisip niya iyon ay hindi maiwasang maging emosyonal.
BINABASA MO ANG
Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)
Diversos[COMPLETED] Hindi sagrado ang buhay na kinakaharap ngayon ni Mikyla. Yes, she comes from a rich and happy family. Ramdam niya ang pagmamahal ng isang pamilya. Until one day, her Mom got into an accident because of her. Halos sisihin niya ang sarili...