KABANATA 26

34 1 0
                                    

wyrdaest>>

KABANATA 26

KINAGABIHAN AY NAKAHIGA lamang si Aika sa sariling kama. Nakatingin sa kisame. Gumugulo sa isip niya ang nangyari kanina. Damn! Hindi niya akalaing yayakapin siya ni Boss Kyle.

Napahawak si Aika sa mukha. "Ugh!" hindi siya kinikilig! Naguguluhan siya.

Fuck!

Habang nagmumuni muni ay may kumatok sa pinto. Inalis niya ang kamay sa mukha at tumingin sa nag-iingay na pinto.

Damn! Sino nanaman ito?!

"Sino 'yan?!" sigaw niya.

"Marcus the handsome!"

Tsk. Napairap si Aika at bumangon. Binukasan niya ang pinto na nakabusangot. Anong kailangan ng isang 'to?!

Ang kaninang nakangiting mukha ni Marcus ay napalitan ng pagtataka. "What's with your face?"

She took a deep breath then fake a smile. "Happy?" she asked sarcastically.

"Ha-Ha-Ha, funny." he rolled his eyes. Aba't!

"Ano bang ginagawa mo dito?!"

Tumingin ito sa suot na relo. At muling tumingin sakaniya. "Its already seven. Tapos hindi ka pa nakabihis?"

Kumunot ang kaniyang noo. "Anong meron?" nagtataka siya dahil wala namang balita na kailangan niyang magbihis dahil may---

Napanganga si Aika sa lalaking hindi na mapinta ang mukha sakaniyang harapan.
"Now, do you remember?"

Nahihiyang sinara niya ang pinto at dali daling naghanap ng isusuot. Shit! Bat ba nakalimutan niyang inaya siya ni Marcus ng date ngayon?! Ugh!

Nadapo ang tingin niya sa isang cape white dress above her knees. Kapit ang dress sa kaniyang katawan dahilan para makita ang hubog nito sakaniya.

She just put a light makeup. Hinayaan niya lamang ang maiksing buhok na nakalugay. Nagsuot na rin siya ng two inches heels.

Saka siya naglakad sa pinto at muling binuksan.

Tumingin siya sa paligid at nakita si Marcus na nakasandal sa kanan.

"I'm ready." aniya.

Tumingin ito sakaniya at umayos ng tayo. Saglit itong natigilan habang tinignan ang kaniyang kabuuan.

Naiilang si Aika. Pakiramdam niya ay may mali sa suot niya.

"Y-You look so beautiful, A-Aika." at ngumiti sakaniya.

Pakiramdam niya ang pamumula ng pisngi. Kaya yumuko siya upang matago ang pamumula.

Nilahad ng lalaki ang palad. "Lets go?"

Tumikhim siya at tumango rito saka inabot ang palad nito. Nilagay ng binata ang kamay niya sa braso nito. Oh, gentleman. Naglalakad na sila palabas ng dorm ng may bigla siyang naalala. Damn!

"Marcus."

Tumingin ito sakaniya ng nakangiti. Damn! Playboy, tigilan mo nga ang pagngiti.

"Yes?"

"We're not allowed to go outside the Grave Civis. Malilintikan tayo." aniya

"Who told you not? There's another way to go out in this place, Aika. And I know what I'm doing." kumindat ito at muling tumingin sa daan.

Wala na ring nagawa si Aika kundi ang sumunod. Wala namang makakaalam.

Mabuti na lamang at kokonti ang mga taong nagkalat sa kung saan. Hindi sila mahahalata.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon