KABANATA 18

43 1 0
                                    

wyrdaest>>

KABANATA 18

MATAPOS ANG PAGTATAGPO ng landas nila ni Aika at ni Boss Kyle nung nakaraang araw ay medyo gumaling na rin ang kaniyang mga sugat sa binti. Pero mababakas ang mga markang iniwan nito.

"Ugh!" naiinis niya sigaw. Naiinis siya? Hindi niya alam kung bakit. Basta wala siya sa mood ngayon.

"Ate, okay lang po kayo?" nag-aalalang tanong ni Berna sa labas. Nasa bathroom si Aika at naliligo, nakakalakad na siya ng maayos kaya ngayong araw rin ay papasok na siya.

Naiinis siya kasi isusuot niya ang uniporme niya at halata ang mga latiko sa binti. Ano? Sinong hindi mahihiya nu'n?

"Okay lang ako." sigaw niya rito. Hindi na rin nagsalita ang nasa labas siguro ay umalis na.

Naiwan naman siya sa bathroom na hindi maipinta ang mukha. Pa'no niya itatago ang mga peglat sa binti? Ugh! Uniform kasalanan mo 'to!

Tinapos na ni Aika ang maligo at agad na lumabas ng bathroom na nakatapis. Sinuot na niya ang uniporme sa kama. Wala na roon si Berna marahil ay nauna na.

Pagkatapos magbihis ay humarap siya sa salamin. Nakabusangot siya ng makita ang mga binti.

"Bwisit!! Ahhh!" sigaw niya.

"Walang maitutulong 'yang kakasigaw mo." ani ng pamilyar na boses sa kaniyang likuran.

Napatingin naman si Aika sa likod. Nakasandal ang lalaki sa pader habang nakacrossed arm.

"What are you doing here? Knock first, idiot?" naiinis niyang singhal sa lalaki.

He just shrugged his shoulder then walk towards her.

Napaatras naman si Aika dahil sa lapit nito. "M-Move away, B-Bado." ugh! Ba't kasi parati siyang kinakabahan 'pag lumalapit na ang mga lalaki sakaniya.

Ngumiti ito ng nakakaloko. "Scared, eh?" tanong nito.

Nanlilisik na tinignan niya ito at patuloy na umaatras. Nagulat naman siya ng maramdaman ang salamin sa likod. Now she's busted.

"Bado, I'm not in the mood to play with you. So, move away or else mapipilitan akong suntukin ka." babala niya dito. Hindi naman nagpatinag ang loko.

Nilagay nito ang dalawa kamay sa magkabilang gilid niya. Mabigat na ang naging paghinga ni Aika. Fuck! Ramdam niya rin ang kakaibang tibok ng kaniyang puso. Hindi niya alam kung bakit.

Nilapit nito ang mukha. Muli namang napaatras si Aika kaso wala na siyang maatrasan pa.

"A-Ano ba Bado!" sigaw niya.

Ngumisi lang ang loko at mas lalong inilapit ang mukha sakaniya.

Napasinghap si Aika dahil sa lapit ng mukha nito. Palapit ng palapit. Mariin pumikit na lamang si Aika at inantay ang pagdapo ng labi nito sakaniya.

Maya maya pa ay walang labing lumapat sakaniya.

"HAHAHAHAHAHA." tawa nito.

Nagmulat naman ng mata si Aika. Nakita niyang hawak na ni Bado ang tiyan habang tumatawa.

Tinitigan pa ni Aika si Bado. Lihim siyang napangiti. Ang gwapo pala nito kapag tumatawa. Damn! Dapat mainis ka!

Maya maya ay tumigil ito sa pagtawa at tinignan siya. Umayos naman ang mukha ni Aika, nagkunwaring naiinis.

"Damn you, Bado!" kunwaring naiinis siya at nag-iwas ng tingin. She feels her face redden.

"Nakita mo yung mukha mo, Aika? You looks so innocent." he said then chuckled again.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon