A/N: So hello guys! Kamusta na? Send your thoughts about this story in the comment section. And also vote na rin! Mwaah!
wyrdaest>>
KABANATA 29
MATAPOS KUMAIN SILA Aika sa hapag ay nagboluntaryo na ang ginang na linisin ito. Naiwan naman ang mag-ama maging si Aika sa sala. Nagkwentuhan tungkol sa sarili niya.
"Nakatapos ka iha?"
She smiled then nodded. "Opo, business administration po."
"Ano yung business administration?" tanong ni Jose sakaniya.
Oo nga pala, hindi nila alam ang mga ganung bagay. "Tungkol iyon sa pagnenegosyo, Jose."
Tumango naman ang huli. "Eh, anong negosyo ang meron ka?"
Nag-alangan si Aika kung sasabihin niya dito o hindi. Pero sa huli ay sinabi niya rin. "N-Nagretiro na ako."
"Huh? Bakit?" tanong muli ni Jose.
Nasa isang tabi lamang si Mang Mar. Tahimik na nakikinig sa usapan nila.
"Mahabang kwento." ayaw na niyang pag-usapan ang nakaraan niya. Masyado siyang nababalot ng inis kapag naaalala ang nangyari noon. Ang pananatili niya pa sa puder ng ama. Mabuti na lamang at hindi na nagtanong ang mga ito tungkol dito.
"Pa'no ka nga pala napadpad dito sa Baryo namin, Aika?" wika ni Mang Mar.
"Naglalakad po ako." hindi naman siya halatang naging pilosopo sa tonong iyon.
Tumawa ng mahina ang matanda maging ang anak nito. Huh? May nakakatawa?
"Hindi ko alam na mapagbiro ka palang bata. Ang ibig kong sabihin ay paano mo nahanap ang lugar naming ito? Sobrang layo ng Baryo namin sa kabihasnan. At sa'n ka ba galing?"
Ah, yun pala. Nakaramdam ng kahihiyan si Aika dahil sa sinabi. 'Di kasi nag-iisip.
Pero sasabihin ko bang nanggaling akong imperno? Funny.
"Hindi ko rin po alam. Basta po ang natatandaan ko ay dito kami dumaan noong nakaraang gabi ng kaibigan ko."
Kumunot ang noo ng binata maging ang matanda at sabay na nagtinginan. Maya maya pa ay nagsalita si Jose.
"Teka, du'n ka ba nanggaling ng... Ano nga ulit yu'n, Itang?"
Nag-isip ang matanda at nagsalita ng maalala. "Gra-ve Ci--"
Her eyes became wide. Fuck! Alam nila iyong lugar na iyon?!
"You mean Grave Civis?"
Tinuro turo siya ng matanda. "Oo tama! Iyon nga!"
Huh?! Paanong---
Jose smiled at her. "May minsan na ring naligaw dito sa'min na taga roon. Anong lugar ba iyon, Aika?"
Mas lalo siyang nagulat ng magtanong ang binata. Fuck!
It was a living hell for us.
"L-Lugar lamang iyon ng mga m-mayayaman." she lied.
Ang kaninang masayang mukha ng mga ito ay napalitan ng lungkot.
"Du'n ka ba galing? Anong itsura ng lugar na yu'n?" busisa ni Jose.
Ngumiti siya ng pilit. Hell. "Malawak ang lugar na iyon. It was a school for trainers." trainers to fight the leaders of the devil.
"A-Ano?"
Umiling na lamang si Aika. "Wala, sabi ko hindi maganda ang lugar na iyon."
"Ah."
Tumayo si Mang Mar at nagpaalam may lakad raw ito. Samantalang naiwan naman siya at si Jose sa sala.
BINABASA MO ANG
Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)
Random[COMPLETED] Hindi sagrado ang buhay na kinakaharap ngayon ni Mikyla. Yes, she comes from a rich and happy family. Ramdam niya ang pagmamahal ng isang pamilya. Until one day, her Mom got into an accident because of her. Halos sisihin niya ang sarili...