wyrdaest>>
KABANATA 13
TINUNGO NI AIKA ang isang classroom na may tatak sa pinto na 'Section Bloody' doon ang classroom niya at makakasama ang mga lalaki.
Huminga siya ng malalim saka pinihit ang door knob at pumasok. Nagulat si Aika sa nakikita, mukha itong ordinaryo sa labas pero pagpasok sa loob ay mukhang nasa sinehan, may maliit na entablado sa harap, nakakalat kahit saan ang upuan, walang mesa kagaya ng isang ordinaryong classroom. Kakaiba ito kumpara sa iniisip niyang classroom.
Naglakad na si Aika pababa hanggang sa makarating siyang bandang harapan. Du'n siya naupo at inantay ang pagdating ng iba.
Habang nag-aantay ay nakapag-isip si Aika. Should she needs to approach the three or not?
Bakit kasi hindi nalang nila direktang sabihin sakaniya kung bakit sila nandirito. Oo, alam ni Aika kung bakit sila nandirito, pero gusto niyang sa mga bibig nila ito mismo manggaling. Ayaw niyang may tinatagong sekreto sakaniya.
Personal ba iyon kaya ayaw nilang sabihin?
Pilit iniintindi ni Aika ang sitwasyon pero hindi niya maiwasang mainis. Hindi ba pwedeng sagutin na lamang nila.
Ni oo o hindi, wala silang sinagot sakaniya. Mariing pinikit ni Aika ang mga mata at sinandal ang likod sa upuan.
I need to talk to them. Ayoko ng ganito, nangangapa ako sa wala.
Maya maya pa ay nakarinig si Aika na footstep pababa. Minulat niya ang mga mata at tumingin sa kaniyang likuran.
Si Marcus iyon na ngumiti ng tipid sakaniya. Tanging tango lang ang ginawa ni Aika. Puwesto ito malapit sakaniya... sa likod niya mismo. Umayos ng upo si Aika at tumingin na lang sa harapan. Galit pa rin siya sa mga ito.
Minutes later, another footstep they heard. Muling lumingon si Aika sa pinto sa itaas. Nakita niya si Draven nakapamulsang naglakad pababa ng nakayuko. Tumingin lang si Aika dito at muling tumingin muli sa harapan.
Mayroon nanamang narinig si Aika kaya muli siyang tumingin sa likod. It was Bado, with his serious face. Natingin ito sa gawi niya.
Saglit silang nagkatinginan at si Aika na ang umiwas. Naramdaman naman niyang umupo ito malayo sakanila.
Nakaramdam naman ng inis at kirot si Aika. Naiinis siya dahil hindi pa rin nito sabihin kung bakit sila nandu'n pero may parte sakaniya na nakaramdam ng kirot sa puso dahil sa paglayo nito. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganu'n siya.
Hays.
Dumating na ang proof na nanggaling sa likod ng entablado. Nagtaka man ay hindi na siya nagtanong.
Ngumisi ito sakanila. "Good Day, students." anito.
Walang ni isa sakanila ang nagbati dito. Tsk.
Tumango lamang ng lalaki. "I'm Gio Hidalgo, I'll be your proof for three months." anito at binalewala ang kaniyang mga estudyante na walang balak makinig dito.
"And our topic for to--"
"Am I late?" tanong ng lalaki sa kanilang likuran.
Napatingin naman silang lahat sa likod. Halos manlaki ang mga mata ni Aika dahil sa nakita.
Natigil ito sa paglalakad at nilibot ang tingin habang walang reaksiyon ang mukha hanggang sa dumako ang tingin nito sakaniya. Ngumisi ito kay Aika.
"What a coincidence, woman." mayabang nitong saad.
Tinignan naman ni Aika ito at nagkibit balikat. "Small world, I guess." aniya.
Ngumisi ito at puwesto malapit sa pinto, sa pinakadulo.
BINABASA MO ANG
Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)
Random[COMPLETED] Hindi sagrado ang buhay na kinakaharap ngayon ni Mikyla. Yes, she comes from a rich and happy family. Ramdam niya ang pagmamahal ng isang pamilya. Until one day, her Mom got into an accident because of her. Halos sisihin niya ang sarili...