ANNE'S POV
Isang linggo ng nakalipas mula ng nagsimula yung klase.
Isang linggo ko na siyang katabi.
Isang linggo na akong nagtitiis sa mga kagaguhan niya.
I just think that this girl is my STALKER.
ARGH! Naaasar pa rin ako pag naaalala ko yung time na sinabi niya yun. Isang linggo na rin mula nung sinabi niya yun. Pero hindi pa rin ako makaget-over. >.<
Lunes na naman. Makikita ko na naman siya. Good thing may naisip na akong paraan para makaganti. NYAHAHAHA! Akala niya siguro nakalimutan ko na yung atraso niya ha. NO WAY!
- FLASHBACK -
" Ma?! Nasan na po yung mga pictures ko nung bata pa ako?! "
Kanina pa ako hanap ng hanap dito e. Di ko pa rin makita. Argh! Hassle naman!
" Anjan lang yun sa box. Bakit ba kasi ha? " sigaw sakin ni mommy. Nasa kitchen kasi siya e.
Sa totoo lang, hinahanap ko yung picture ni panget nung bata pa kami. Suot suot niya yung dress ng ate niya tapos nakamake-up. Ipopost ko dun sa Bulletin Board sa school. HAHAHAHA! * Evil laugh *
Hindi niyo siguro alam pero magkababata kami at close kami dati. Nakuha ko yun nung nagpunta kami ng mga classmates namin sa bahay nila at pinakita ng mama niya samin yun.
Ninakaw ko yun nung wala ng nkatingin. Ang cute niya kasi dun e.
" Wala po, project lang sa school. Wala naman po dito e! Kanina ko pa hinahanap." sagot ko.
" Hanapin mo lang. Anjan lang mga yun. "
So ayon, nahanap ko din after 1 and a half hour. Sakit ng ulo ko dun ah. Wew!
- End of Flashback -
Pumasok ako ng maaga this day. Ngayon ko kasi gagawin yung plano ko e. * Evil Smile * Talagang nag-effort ako na pumasok ng maaga para lang dito. Hindi kasi ako matahimik e.
Andito na ako sa Campus. Wala pa masyadong mga students. Sobrang inagahan ko talaga para walang makakita sakin. Perfect di ba? ^__^
Pinost ko agad yung picture niya na may captions pa.
HE'S A CERTIFIED GAY!
PAUL KENNETH OCAMPO.
Masisira ang kanyang Campus Heathrob image for sure. Oo, isa siyang campus hearthrob kahit bago pa lan siya sa school. Akalain niyo yun? Nakakapagtaka di ba?
6:30 am pa lang. Matutulog muna ako. 7:30 pa naman yung simula ng klase e. Dun ako sa classroom natulog. Ako pa lang kasi yung tao sa room e.
Nagising ako nung medyo naging maingay na. Parang may nagkakagulo.
" Siya ba talaga yan?! "
" Ayt! Bading siya? Sayang! "
" Type ko pa naman siya. Kaso bading naman pala."
" Nakakaturn off naman. "
Lakas ng signal ko no? E ang lalakas ng boses nila e. Di ko na kasalanan yun. Teka ano ba yung pinagkakaguluhan nila?
Lumabas ako ng room para tignan. Ang daming students sa may Bulletin Board. Nakita na nila yung pinost ko dun. NYAHAHAH! I feel sorry for that monster. XD
Paparating na siya. Nakita na niya yung nakapost. Weeee! This is going to be a good scene. ^__^
" AAAAAAHHHHHH! SINO NAGPOST NIYAN JAN?! "

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionNung pumasok si Anne bilang Freshman sa College, akala niya mawawala na sa kanyang landas ang kanyang Worst Enemy, Si Kenneth. Ngunit nagkakamali siya. Ito pa lang ang simula ng mas magulong buhay niya. Dito na kaya magsisimula ang kanilang UNEXPECT...