[ANNE'S POV]
Sakit ng ulo at buong katawan ko. Hays! Bakit ganito amoy ng kwarto ko? Amoy alcohol, amoy ospital? Minulta ko mata ko para tignan. Teka, hindi ko kwarto to ahh. Tatayo na sana ako ng makita ko ang mga bestfriend ko na papalapit sa akin.
" Beh, musta na pakiramdam mo? " - Mhik
" Ano nararamdaman mo Bes? " - Gie
" Anong nangyari? Paano ako napunta dito saka bakit nandito ako? " hindi ko pinansin mga tanong nila, nagtanong din ako sakanila.
" Edi ano pa? Pinairal mo na naman yang kagagahan mo! Ultimo magbabad ka sa ulan! Buti na lang andun si Kenneth nung mga oras na yun. Ano na lang mangyayari sayo kung wala siya dun? Nag-iisip ka bang babae ka ha? Pinag-alala mo kaming lahat, alam mo ba yun? " ok. Eto na naman mga sermon ni Em. Daig pa niya si mama kung manermon sa akin.
" Uy! Ano ka ba? Hinaan mo naman boses mo. Mamaya mo na lang siya sermunan. " awat ni Mhik kay Em. Kaya mahal na mahal ko to e. Bait bait sa akin.
" Si Kenneth? Asan siya? " wala ako sa mood patulan si Em ngayon. Hindi pa ganon kaayos pakiramdam ko.
Nginuso nilang tatlo si Kenneth sa may sofa na natutulog. Kawawa naman siya. Medyo nakabaluktot ang katawan niya. Ang laki kasing tao e.
" Kagabi pa yan jan. Pinapauwi na nga namin siya e pero ayaw kang iwan. Responsibilidad ka daw niya kasi siya nagdala sayo dito. " paliwanag ni Gie. Parang nabasa niya nasa utak ko.
" Kagabi? Anong oras na ba? Baka nag-aalala na sila manang sa akin. "
" Tumawag na kami doon kaya wag mu munang isipin yun. Nga pala, pwede ka daw lumabas mamaya sabi nung doctor. Over fatigue saka stress daw kaya ka nahimatay. Ano ba kasing ginawa mo kahapon ha? " sabi ni Mhik sa halong nag-aalala at nanenermong tono.
" Wala. Saka ok naman na ako e. Wag na kayong mag-alala. Pasensya na din kung pinag-alala at naabala ko kayong lahat. "
" No, you're not okay Anne. Alam nating lahat yun. I'm sorry to say this but you should let go. Alam naman namin ano dahilan kung bakit ka hindi pumasok kahapon e. Sorry kung hindi agad namin yun naalala. Pero Anne, take a look at yourself. Andito ka ngayon sa ospital dahil pinairal mo na naman yang kahibangan mo kay Kenji. " tuloy tuloy na sabi ni Em. Napakaprangka talaga ng babae na to, pero may point naman siya e. Masakit pero totoo naman kaya naiyak na lang ako.
" Uy Em, tama na yan. Baka mastress na naman siya e. " awat ni Gie.
" No Gie. She needs this. Anne, move on! You and Kenji are over. You have to accept the fact that he dumped you because of that bitch. He left you Anne. And that was almost two years ago. Andito kaming mga kaibigan mo para tulungan kang makalimot pero hindi ka makakalimot ng tuluyan kung ganyan ka na lang lagi. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Sila masaya tapos ikaw, mukhang kawawa. Masakit, alam ko pero sinasabi ko sayo to dahil ayaw kong nakikita kang ganyan. " mahabang sabi ni Em. Umiiyak lang ako habang nagsasalita siya. Ang sakit kasi e.
" Anne, wag ka ng umiyak. Pabayaan mo na lang si Em. " sabi ni Mhik sa akin sabay yakap.
" Hindi Mhik, tama naman siya e. I need to let go. Ayoko ng magmukhang kawawa.This will be the last time you will ever see me cry because of that stupid guy. " sabi ko habang pinupunasan ko mga luha ko.
" That's our bestfriend. Pakita mo sakanila lalo na sa Kenji na yun na hindi siya kawalan sa buhay mo. " Sabi ni Gie at niyakap naman nila akong tatlo. kaya mahal na mahal ko tong mga to e.

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Roman pour AdolescentsNung pumasok si Anne bilang Freshman sa College, akala niya mawawala na sa kanyang landas ang kanyang Worst Enemy, Si Kenneth. Ngunit nagkakamali siya. Ito pa lang ang simula ng mas magulong buhay niya. Dito na kaya magsisimula ang kanilang UNEXPECT...