Chapter 20

11 0 0
                                        

A/N:

Tutal New year naman diba? Sana mapagbigyan niyo hiling ko.

Kahit 5 votes lang bigay nyo sa akin, masaya na ako.

Pangpagana ba kumbaga. Please?

So yun lang, Enjoy reading my update.

LOVE, Author. ♥ 

 ~~~~~~~~~

CHAPTER 20

[ANNE’S POV]

Bwiset yung lalaki na yun. Tsk! Akala ko pa naman nagbago na siya. Kanina pa siya sa room e, kaya ayon kinagat ko kamay niya. Buti nga sa kanya. NAKAKAASAR TALAGA SIYA E!

“ Oh Bakit ganyan mukha mo? “

“ AY KABAYO KA! Ano ba yan Em?! Bakit ka ba nanggugulat? “

“ Sa ganda kong to? Kabayo?! Bangasan kaya kita gusto mo? Paano ka hindi magugulat e lumilipad yang kokote mo. Napano ka ba kasi? “ ang siga talaga nito. Hmp!

“ HOY ANNE! HUMANDA KA TALAGA SA AKIN PAG NAABUTAN KITA! “ sigaw ni Kenneth. Tae naman oh. Pagod na ako e.

“ Oh Shit! Andyan na siya. Una na ako dun sa table ha? Bye! “ paalam ko kay Em tapos takbo ule.

Nadatnan ko yung mga lovers sa table namin. Buti na lang at nandito si Mhik. May magtatanggol sa akin Wahahaha! Kawawang Kenneth.

“ Mhik, tago mo ko. Andyan na siya. “

“ Ha? Sino ba? Oh sige. Ako bahala sayo. “ wow! Bait talaga. Haha! Hindi na siya makakaganti sa akin.

“ Si Anne? Nakita ko siya pumunta dito. Wag niyo na itago. “ tanong ni Kenneth kila Mhik at Gie habng hingal na hingal pa rin.

“ Napano ba kasi kayo? “ tanong ni Mhik sa kanya.

“ See this? Siya may gawa niyan. Now, where is that girl? “ pinakita niya yung kamay niya tapos tinanong niya ule kung nasaan ako. Mukhang galit, patay ako nito. Pero kasalanan naman niya e.

“ Nandito sa likod ni Mhik. Oy labas ka na jan. “ tinuro ako ni Gie kaya sinamaan ko siya ng tingin pero ng kibit-balikat lang siya at kumain ule. Im Doomed!

“ Kinagat mo naman pala siya e. Tignan mo yung kinagat mo oh. May bakas pa. “ sabi ni Mhik sa akin. Tinignan ko yung kamay niya. May bakas pa nga at namumula pa.

“ Ouch pare! Sobrang sakit niyan. “ komento naman ni Clark.

“ Wag nga kayo maawa jan! Kasalanan naman niya yan e. “pagtatanggol ko sa sarili ko.

“ Di ba sabi ko sayo humanda ka sa akin kapag nahuli kita? You’re coming with me. “ sabi sa akin ni Kenneth habang hawak niya ng mahigpit yung braso ko. Tapos yung smile niya, nakakatakot.

“ NOOO! Em, Mhik, Gie! Tulungan niyo ako! Ayoko sumama sa kanya! WAAAAH! Maawa kayo sa akin! “ pagmamakaawa ko sa kanila habang nakahawak ng mahigpit sa upuan.

“ Oh yan. Sama mo na. Ikaw na bahala magparusa jan. Goodluck! “ pinagtulungan nilang alisin yung kamay ko sa pagkakahawak sa may upuan at binigay ako sa lalaking ito.

“ WAAAAAH! How Dare you do this to me?! “

“ Ok lang yan friend. Para sayo din yan. Bye! “ yan lang sagot sa akin ni Gie  tapos tuluyan naako hinila ni Kenneth.

Hanggang sa may parking lot ng school, hila-hila niya ako. Nagmamakaawa ako sa kanya pero ayaw talaga ako pakawalan. Kaya ng makahanap ako ng tiyempo, tinadyakan ko yung paa niya at tumakbo. Pero nabahol niya pa rin ako. And this time, binuhat niya ako na parang sako ng bigas para hindi na daw ako makatakas. Buti na lang walang tao sa parking lot that time. Nakakahiya yung ginawa niya sa akin. Dinala niya ako sa kotse niya at sinakay ako dun.

“ Ano ba kasi talagang binabalak mo ha? Saan mo ba ako dadalihin? “ tanong ko sa kanya pagkapasok ko sa kotse niya.

“ Hmm, let’s see. “ sabi niya tapos lumapit sa mukha ko hanggang 1inch na lang yung natirang pagitan sa mukha namin.  Tinitigan niya ako sa mata tapos binaba niya tignin niya sa labi. OH MY! Ano kaya iniisip ng kumag na to? Then may binulong siya sa akin.   

“ SECRET! Hahahaha! You should have seen your face. Hahahaha! You’re so funny! Don’t worry, wala ako gagawin masama sayo. Relax! “ nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi niya. Pero dapat maging alerto pa din ako baka sakaling magbago isip niya.

Buong byahe, hindi ako umiimik. Baka ano pa masabi ko sa kanya at mapadali buhay ko. Kaya minabuti ko na lang na huwg na lang magsalita. But, in the corner of my eye, I can see him looking at me and then he will laugh softly. Parang baliw lang? He keeps on doing that and it drives me mad!

“ Ano bang tinatawa-tawa mo jan ha? Kanina ka pa ah! “ tanong ko nang hindi na ako nakapagpigil.

“ Ano bang pakialam mo ha? Masama na ba tumawa ngayon? “ he answered my question by questioning me. What the Hell is his problem?

Hindi na lang ako sumagot dahil baka masigawan ko lang siya. Mahirap na. Hindi ko alam ano tumatakbo sa isipan ng baliw na lalaki na to. Ganon din naman ginawa niya pero tintawanan pa rin niya ako. Nakakainis talaga. After ilang minutes, huminto kami sa harap ng isang magara at mamahaling fine dining restaurant. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Wow! Gentleman?

“ Andito na tayo. Bumaba ka na jan. “ sabi niya. Ouch! Akala ko Gentleman, hindi pala. Isa siyang dakilang GENTLEDOG! Hindi man lang ako inalalayang bumaba at nauna pang naglakad papasok sa resto.

“ Wait! “ habol ko sa kanya at huminto naman siya. “ Ano bang gagawin natin dito ha? “ tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

“ Hindi ba obvious? Kakain malamang! Akala ko pa naman matalino ka. Tss! “ inis na sagot niya. Alam ko naman na kakain kami no, pero my point is, bakit dito? 

Nagsalita ulit siya na para bang nabasa niya yung iniisip ko. And this time, natonguetied ako ng sobra sa sinabi niya.

“ This will be our First Date kaya gusto ko sa pinakamaganda at mamahaling restaurant kita dadalihin para hinding hindi mo talaga makakalimutan. ”

-------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon