Kenneth's POV
Tss! Kabadtrip talaga. Sino kaya may pakana nung pagpopost ng picture ko? Makakasapak ata ako ng mukha e. Hindi ako makakatulog nito mamayang gabi, sigurado. Hindi talaga ako matahimik. Wala pa naman kasi akong pinapaiyak na babae sa campus e.
Nagwawala na yung alaga ko. Psh! Nakakagutom pa lang mag-isip masyado. Puntahan ko na nga lang yung mga kumag sa cafeteria. Sigurado kasama na naman nila yung tatlong kaibigan ni Anne. Pinopormahan ata nila e.
** sa cafeteria
Ayun, nakita ko na sila Anne. Pero wala yung tatlong itlog. Nasaan kaya mga yun? Matanong na nga lang kesa magpakahirap pa akong hanapin mga yun.
" Kawawa naman si Papa Kenneth. And this is all your fault. Hmp! " sabi ni Em. Pero hindi ako sigurado. Medyo malayo pa kasi ako nun e. Basta sigurado akong narinig ko pangalan ko.
" I dont care. Buti ka nga sakanya yon! He deserves it! After all, marami na siyang kasalanan sa akin. " sabi naman ni Anne. Sigurado na ako this time. Nasa likod na kasi niya ako.
" I desesrve what? " tanong ko. Nagulat sila. Ako nga talaga yung pinag-uusapan nila. Obvious masyado. Mga kabado itsura nila e. Lalo na si Anne, namutla pa.
" Ano ginagawa mo dito? Saka bakit ka nakikinig sa usapan namin? Kanina ka pa dyan noh? " Dami niyang tanong. Di pa niya sinagot tanong ko. Kakairita.
" You didnt answer my question yet. I deserve what? " sabi ko. Naiinis na talaga ako.
" You really want to know ha? You deserve what happened a while ago! " sagot niya. Shit! Siya yung may kagagawan ng nangyari kanina?! You've got to be kidding me!
Tumayo siya. Nagpapaalam sa mga kaibigan niya. Nawalan daw siya ng gana. Tsk! Siya pang may ganang mag-inarte? Di ko talaga maintindihan babaeng to! Hinila ko siya bago pa siya makaalis. Kelangan niyang magpaliwanag sa akin.
Ang ingay niya! Aaaarggggh! Mababaliw ako sa babaeng to. Eskandaloso masyado. Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante wala pa din siyang pakialam. Dinala ko siya sa likod ng cafeteria. Wala kasi masyadong tao dito. Off limits kasi sa mga students. Sinandal ko siya sa may pader at kinorner. Para di makatakas.
" Ano bang problema mo ha? Umalis ka nga sa harap ko! " sigaw na naman niya. Kelan kaya titgil bunganga nito? Sakit sa tenga e.
We stayed in that position in almost a minute. Ewan ko ba kung bakit. Basta titinitigan ko lang siya. Ang ganda pa rin niya kahit galit. Wala pa ring kupas. Pero bigla niya ako sinampal ng malakas. Naiilang ata siya sa posisyon namin.
" Ikaw, ano problema mo?! Bakit mo ginawa yon? Tapos ikaw pa yung may ganang magalit at manampal!! " sigaw ko. Nagulat ako e. Saka ang sakit kaya.
" Ang alin ba? Di ko alam sinasabi mo! Paalisin mo na nga ako! " sigaw din niya sakin. Amazona talaga siya. Ang tapang!
" NO! You'll stay here! Narinig ko kayo kanina. Ikaw nagpost ng picture na yon, umamin ka na! sabi ko. Muntik ko ng makalimutan kung bakit ko siya dinala dito. Dahil nga pala kailangan niyang magpaliwanag sa kahihiyang ginawa niya sa akin kanina.
Magsasalita na sana siya but I interrupted her by kissing her. Di ko alam bakit ko ginawa yun. Nakakabaliw talaga tong babae na to. Siguro kasi sobrang galit ako nun at ayaw ko ng marinig mgasasabihin niya, ganun? Hay ewan, basta!
Hindi naman masyado matagal yun kasi kumalas ako agad. Baka mapasarap e. Nung kumalas ako, nakita ko si Anne na gulat na gulat at sobrang namumula. Kahit ako nagulat sa ginawa ko e. Nakakahiya yung ginawa ko kaya umalis na lang ako. Iniwan ko na siya dun.
Babalik na sana ako ng room, malapit na din kasi matapos yung break nang makasalubong ko yung tatlong itlog kasama yung mga kaibigan ni Anne.
" Par, san ka galing? Nasaan na si Anne? Bakit di mo kasama? Magkasama daw kayo e. " Tanong ni Jhay. Napakachismoso talaga ng lalaking to. Tss! Di ko nalang sinagot.
" Napano na naman kaya yun? " - Si Clark.
" Baka badtrip pa din dahil sa kanina. Yaan niyo na yun. Di pa ba kayo sanay? " si Anjo naman.
Rinig kong sabi nila. Di ko na lang pinansin. Sobrang badtrip talaga ako sa mga nangyayari ngayong araw e. Wala ako sa mood makipag-usap kahit kanino.
Natapos na yung last 2 subjects namin. Hindi kami nakikibuan ni Anne. Tahimik lang kasi siya e. For the first time. Hahaha! Nakakapanibago nga lang. Para kasing ang boring ng atmosphere tapos ang awkward pa.
........................
1 A.M na. Di pa din ako makatulog. Anu ba yan! Tuwing Pipikit ako naaalala ko yung kiss namin Anne. Oo, O.A nga. Pero ano magagawa ko? Ganon talaga e. Di ko mapigilan.
Pilitin ko na ngang matulog. Sakit na ng ulo ko e.
---------------------------------------
Pasensya na kung hindi masyado maganda. wala pa sa mood e.
Keep reading! Salamat!
Leave some comments na rin kung nagustuhan niyo man o hindi.
TC! ♥
# Love, Author! :)

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Ficção AdolescenteNung pumasok si Anne bilang Freshman sa College, akala niya mawawala na sa kanyang landas ang kanyang Worst Enemy, Si Kenneth. Ngunit nagkakamali siya. Ito pa lang ang simula ng mas magulong buhay niya. Dito na kaya magsisimula ang kanilang UNEXPECT...