Kenneth Paul Ocampo.
17 years of age. Course: Mechanical Engineering, Freshman. Matalino, matangkad, moreno, perfect sculpted body, SIZZLING HOT GUY!
Yan si Kenneth. Pero may pagkaisip bata at pagkakulit. Sobrang malakas din mang-inis ang kumag na to.
-----
Kenneth's POV
Nakakatawa talaga siya. Kaya ang sarap asarin e. Parang bata. HAHAHAHA! Hindi siya makaganti may prof kasi e. Panay lang ang tingin sa akin ng nakasimangot. Tas ako naman todo smile sakanya. :D
Nagtataka na siguro kayo kung bakit parang aso't pusa kami ng babaeng un no? Oh sige kwento ko na nga.
Ganito kasi yan. Nung elementary kami, ok naman kami e. Actually, sobrang bait nga niya sakin nun. Kaya ayon, naging crush ko siya.
Nagsimula kaming maging ganito nung 1st year kami. Narinig ko kasing nag-uusap sila ng mga classmate namin nung elementary na mga Bestfriends niya.
" Hoy! Napansin ko lang ah. Lagi ka tinitignan ni Kenneth. Siguro may crush sayo un. Ayiiiiie! "
" Oo nga. Haha! Pano kung manligaw siya sayo. Papayag ka ba? "
" Yuck! Tigilan niyo nga ako! Hindi no. Di ko siya type! Duh! "
And that's my First Ever Heartbreak. Oo, medyo pangit pa nga ako noon. Pero kahit na. Sakit e. Tagos!
Pagkatapos nun, hindi ko na siya kinausap. Lagi ko na lang siyang inaasar at niloloko. Bitter ako e. Yun na din paraan ko para mawala na yung pagkagusto ko sakanya. Effective naman. HAHAHA!
And the rest is history.
---
** Bell Rings **
Break na namin. Dito ako ngayon sa cafeteria. Kasama ko mga siraulo kong mga kaibigan. Dami nilang biniling pagkain. Nakakapagod daw umakyat ng stairs e.
" Oh pare, himala. Di ka ata nakikipag-agawan? " si Anjo. Nagsasalita nang puno ung bibig. Takaw!
" Oo nga. Saka pansin ko kanina ka pa ngumingiti-ngiti jan. Anong meron? " si Clark naman.
" Baka may nakatabing chicks kanina kaya ganyan. Hahahaha! Tinamaan ata. " sabi ni Jhay.
Mga baliw talaga mga to. Di ko nga alam pano ko naging barkada mga to e. Tsk!
" Di kayo maniniwala mga tol, pero kaklase ko si Anne. Seatmate ko pa. San ka pa di ba? "
Nagtinginan muna yung mga baliw saka tumingin sakin. Nakakunot yung mga noo.
" Si Anne David! Yung kaklase ko Grade 6. "
" Aahhh! " sabay sabay pa talaga sila.
** Evil Smile & Evil Laugh **
Nakng! Eto na naman yung nakakatakot nilang ngiti at tawa. May binabalak na naman mga to. Lagot ako nito niyan. >.<

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionNung pumasok si Anne bilang Freshman sa College, akala niya mawawala na sa kanyang landas ang kanyang Worst Enemy, Si Kenneth. Ngunit nagkakamali siya. Ito pa lang ang simula ng mas magulong buhay niya. Dito na kaya magsisimula ang kanilang UNEXPECT...