[KENNETH'S POV]
" Saan naman kaya ako pupunta nito? Hays! " nababaliw na ako sa sobrang kakaproblema kung saan ako pupunta. Kinakausap ko na sarili ko.
Nakarating ako ng mall at naglaro ng mga arcade games dun. Medyo nakapagpalipas naman ako ng boredom sa ginawa ko pero nagsawa din ako. So napag-isipan ko na lang pumunta sa may Cafe Kingdom. Dun yung dating tambayan naming magbabarkada pag naisipan naming magcutiing classes. Natural na 'GOOD' boys e.
Pagkapark ko sa may coffee shop, nakita ko si KC, ang ex-girlfriend ko. Pumasok siya sa loob na may kasamang lalaki. Yun siguro yung ipinalit niya sa akin. Shit lang! Naalala ko na naman kung paano niya ako binasura dahil sa putang inang lalaki na yun.
** Flashback
" Hi baby. Anong meron bakit ka biglaang nagyayang lumabas? Miss mo na ba ako? Magkasama lang tayo nung isang araw ah. "
" Have a seat. " sabi niya. Mukhang seryoso siya. At parang namamaga mga mata niya.
" Baby, ok ka lang ba? May problema ba tayo? " tanong ko.
" Wala tayong problema pero ako meron. Kenneth, let's stop this relationship. "
" H-huh? B-bakit? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo! " hindi niya sinagot mga tanong ko. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko at umiiyak siya ng mga oras na yun.
" May iba na ba? Nagsawa ka na ba sa akin? Hindi mo na ba talaga ako mahal? Sabihin mo at papakawalan na kita. "
" Hindi na kita mahal. May iba ng nagpapatibok ng puso ko. I'm really sorry Kenneth "
" Sabi na e. Hahaha! Wag ka ng umiyak baka sabihin nila ako nakipagbreak sayo. And don't be sorry KC 'coz I'm not. Sana maging masaya ka sa piling niya. Bye. "
** End of Flashback
Aalis na sana ako ng mapatingin ako sa may Cafe. May babaeng padabog na lumabas doon at mukhang umiiyak siya. Namukhaan ko lang siya nang sumakay siya sa may kotse na nakapark sa tabi ng kotse ko. Si Anne yung babae na yun.
Hindi ko alam pero may kung anong bagay ang nag-utos sa akin na sundan siya. Huminto siya sa isang park at umupo sa may swing. Gusto ko sana siyang lapitan kaso umiiyak siya ng mga oras na yun. Baka mainis lang siya lalo kapag nilapitan ko pa siya.
Tagal din niya nagstay dun at umiiyak nang biglang umulan ng malakas. Akala ko uuwi na siya kaso di pa din siya umaalis dun. Sira ulo talaga babaeng to. Hindi na ako makatiis na titigan lang siya. Sobrang kawawa itsura niya dun.
" Anong ginagawa mo dito? " walang buhay niyang tanong sa akin.
" Hay salamat! Napansin mo rin ako. Kanina pa ako dito e. Ngayon mo lang ako napansin. "
" Kung andito ka lang para asarin ako, makakaalis ka na. Wala ako oras para makipagbiruan sayo. "
" Di ako aalis hanggang andito ka. "
" Alin ba sa mga sinabi ko ang hindi mo naiintindihan?! Saka ano bang pakialam mo ha? Kelan ka pa naging Concern sa akin? Kung hindi ka aalis, ako na lang! "
Ayon, iniwan niya nga ako. Sabi na nga ba e. Susungitan lang niya ako. Hays! Pero hindi pa siya nakakalayo ng bigla na lang siya natumba.
" Anne! Gumising ka! Anne! Sandali lang at dadalihin kita sa ospital. "
----------

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionNung pumasok si Anne bilang Freshman sa College, akala niya mawawala na sa kanyang landas ang kanyang Worst Enemy, Si Kenneth. Ngunit nagkakamali siya. Ito pa lang ang simula ng mas magulong buhay niya. Dito na kaya magsisimula ang kanilang UNEXPECT...