Chapter 10

16 0 0
                                        

JHAY'S POV ( James Henry Santos )

Dito ako ngayon sa room nila Kenneth. What am I doing in here? Nag-advance ako ng isang subject. Achitecture naman course ko e. Parehas lang ng mga subject sa engeering pag first year. Para hindi ko na rin itatake tong subject na to next sem.

6:50 A.M na, wala padin sila Kenneth at Anne. Ano kayang nangyari sa kanila kahapon? Ang weird kasi e. Lalo na si Kenz. Nakasalubong namin sila kahapon sa may locker, may himala. Guess what? Hindi sila nagpapansinan at nagbabangayan. Dati kulang na lang magiba yung buong school dahil sakanila. Oh di ba, ang weird talaga.

Speaking, andito na si Anne. Pero para siyang lutang. Halatang puyat. Hmm, ano kayang nangyari sa kanya? Tinanguan niya ako tapos umupo na siya sa may tabi ko. Then, yumuko agad sa desk niya. 

" Pssst! Napano ka? May sakit ka? Ok ka lang? " tanong ko sa kanya. Dikasi ako sanay. Lagi kasing mataas energy level nito e.

" A-ah o-oo naman! Bakit? " sabi niya. Nagulat ata. Di naman kasi kami gaano nag-uusap e.

" Wala lang. Para ka kasing may sakit. Nakakapanibago. Sigurado ka bang okay ka lang? "

" Oo naman. Anu -- " napahinto siya ng makita niya si Kenneth.

Bigla kasing dumating si Kenz tapos binagsak niya lang yung bag niya sa may floor sabay upo agad sa desk niya. Ginawa rin niya yung ginawa ni Anne kanina. Nakita ko naman si Anne na nagblush sabay yuko ule. Ano ba talagang meron ha?

" Oh par, mukhang puyat ka ha? Nagbar ka ata kagabi? " tanong ko.

" Hindi. " simpleng sagot niya.

" Eh bakit ganyan itsura mo? Para kang bangag. "

" Wala. Insomnia lang. " Ok wala sa mood ang lolo niyo.

Kukulitin ko pa sana siya kaso dumating na yung prof. Wala man lang tumayo sa dalawa. Nakayuko pa rin silang pareho. Hanggang matapos yung subject natutulog sila. Ok tong dalawang to ah. Hanep! Wala tuloy ako makausap.

Dumating na yung prof ng susunod na subject nila, tulog pa din sila. Tsk! Maya-maya, nakita sila ng prof. Sumigaw yung prof, ang lakas! Patay sila nyan. Buti na lang di na dun yung next subject ko.

" MR OCAMPO!! MS DAVID!! BAKIT KAYO NATUTULOG SA SUBJECT KO??!! "

" a-ah e-eh, sir ano kasi -- " napatayo si Anne sa gulat. Si Kenz naman parang wala lang.

" Go to the Detention Room!! NOWWW!!!! "

Hindi na nakasagot si Anne. Tumayo na kasi agad si kumag. Ano kaya problema nun? Ayon, sumunod na lang sakanya si Anne. Kawawang mga bata.

-----

ANNE'S POV

Okay! Kami ngayon ni Kenneth sa Detention Room. Kaming dalawa lang. Yih! Ang malas ko talaga. Ok lang sana kung may kasama pa kaming iba dito e.

Naalala ko na naman nangyari kahapon. >.< Dahil dun di ako nakatulog kagabi. Bwiset kasi tong lalaki na to e!

" May sakit ka? " tanong bigla ng mokong na kasama ko.

" W-wala naman. B-bakit? " Shit! nabubulol ako. Nakakailang talaga.

" Wala. Tahimik mo e. Di ako sanay. " sabi niya.

" Ikaw din e. Napano ka ba? Mukhang puyat ka. " wow! kailan pa ako naging concern sa kanya?

" Hindi ako nakatulog kagabi e. " Pareho pala kami. Bakit kaya? Iniisip niya din kaya yung nangyari?

" ahhh. Kaya pala. " sabi ko naman.

" Kakaisip sayo. "

" huh? May sinasabi ka? " ano daw? Di ko narinig e.

" WALA! Ang gulo mu. Natutulog ako e. " Wow! Kahiya naman sa kanya di ba?

" SUNGET! " sabi ko tapos tumahimik na rin ako.

Kakaisip sayo.

 Yun ba sabi niya? Or imagination ko lang yun?

___

A/N:

Please do leave a comment. Di ko kasi alm kung maganda ba or panget. Nalilito na rin ako kung itutuloy ko pa ba to.

Any comment, I'll appreciate it a lot.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon