Chapter 13

58 0 0
                                    

 [KENNETH'S POV]

" KEEEEENNNNNNNNN! " nakng! Ang ingay naman! Pwede naman hindi sumigaw di ba? Tss.

Naabutan nila akong natutulog kaya sumigaw si Jhay para gisingin daw ako. Andito kami ngayon sa may garden ng mga ungas kong barkada. Kasama nila yung mga girlfriends ata nila, yung tatlong kaibigan ni Anne. Maaga pa kaya tumambay muna kami dito hanggang tumunog na yung bell.

** Bell rings

"  To all CEA and Tourism 1st year students, please procede to the Theatre Room immediately. Thank you. "

" Uy! Magkakasama pa rin tayo! Wooooh! " sigaw ni Jhay. Ang ingay talaga nito. Parang babae kung makasigaw.

" Hoy anu ba! Nakakahiya kang kasama alam mo ba yon? Para kang bata. " sabi ko. Sakit sa tenga e. Kanina pa siya.

" Boom! Ang ingay mo kasi e. Yan tuloy, nabara ka. " asar sa kanya ni Clark. Nabara nga siya sa akin kaya tumahimik na sa wakas ang mokong.

Pagkatapos non, wala ng nagsalita sa kanila. Natakot atang mabara sa akin. Naglakad lang kami papunta ng Theatre Room ng tahimik. May Career forum daw kasi kami ngayon. Daming alam. Psh! As usual, hindi agad nagsimula yung forum.

Nagkukulitan lang mga kasama ko habang naghihintay kami nang mapansin kong may kulang. Wala si Anne. Nacurious naman ako kung bakit wala siya kaya tinanong ko yung kaibigan niyang si Mhik. Siya kasi malapit sa akin e.

" Kulang ata kayo ng isa? " sabi ko. Nagets naman niya agad yung gusto ko sabihin. Si Anne lang naman kasi yung wala dito e.

" A-ah. Oo nga e. Wala pa si Anne. Baka late lang yon. " sagot nya sa akin. Medyo nauutal pa nga. Nagulat siguro. Ano akala nila sa akin, hindi marunong makipag-usap?

" Ahh. Nalalate din pala yon. " tipid kong sagot.

Nagsimula na din yung forum kaya wala ng nagsalita sa amin pwera lang kay Jhay. Kung hindi siya napagalitan, hindi siya titigil. Buti nga sa kanya. Ang ingay kasi e. Solid! Natapos din yung Forum na yun ng 11 a.m. Nagkayayaan silang kumain sa may cafeteria kaso tinatamad ako. Umalis na lang ako. Hindi na ako nagpaalam sa kanila kasi busy silang naglalandian e.

Saan naman kaya ako pupunta?

~~~~~~~

[ANNE'S POV]

Shit! Ang sakit ng ulo ko. Hays! Tinignan ko yun cellphone ko kung anong oras na, 8:30 a.m pa lang pala. Daming kalat. Argg! Naalala ko anong ginawa ko kagabi. Naiiyak na naman ako.

" Baby Jian, bakit niya kaya *hik* kaya ako pinagpalit dun *hik* sa babaeng yon? "

" Mahal na mahal ko pa rin siya Baby Jian!! Anu bang meron sa babaeng yon *hik* na wala ako? Binigay *hik* ko naman lahat ng kaya kong ibigay e. Isa *hik* lang di ko nabigay sa kanya. Alam mo ano yun? Ang pagkababae ko!!!! "

Inalog-alog ko yung ulo ko para alisin yung thoughts sa isip ko. Ang aga-aga, iiyak na naman ako? Ayoko muna. Masakit pa ulo ko sa hangover. Naparami yung nainom ko kagabi e. Nagpunta ako sa cr para maligo. Pagkatapos, bumaba na ako para magbreakfast.

10 o'clock pa lang. Saan kaya pwede pumunta? Ayoko kasing pumasok, wala ako sa kundisyon para mag-aral. Isa pa, sobrang late na ako. Nagbihis ako at kinuha ko yung susi ng kotse ko. Magdadrive na lang ako kung saan ako saan man ako mapadpad. Wag lang dito s bahay.

Nagdrive ako hanggang sa makarating ako sa Cafe Kingdom, isang coffee shop. Dito kami unang nagkakilala ni Kenji, dito niya ako tinanong kung pwede ba daw niya ako maging girlfriend at dito din siya nakipagbreak sa akin. Pumasok ako at umorder ng maiinom. Namiss ko ang lugar na to. Ngayon lang kasi ako ulit nakapunta dito e.

" Oh hija. kamusta ka na? Ngayon ka lang ule napadaan dito ah. " bati sa akin ni Mr. Chan, may-ari nitong Cafe Kingdom. Kilala na niya ako kasi nga lagi kami ni Kenji dito dati.

" Oo nga po e. Busy po kasi e. Ok lang naman po ako. Kayo po? Madami na pong nagbago dito ah. "

" Ayos di lang naman hija. Ocge, mauna na ako at marami pang customer. Enjoy your coffee. " paalam niya sa akin.

Tumango na lang ako. Tumingin tingin ako sa kabuuan ng shop. Marami na ngang nagbago dito gaya ng marami ding pagbabago sa buhay ko. Abala ako sa pagrereminisce nang mapatingin ako sa may entrance. May nakita akong dalawang pamilyar na mukha.

Si Kenji at si KC.

Nagkasalubong naman ang tingin namin ni Kenji pero umiwas agad siya ng tingin. Kitang kita ko na masaya silang dalawa ni KC. Dapat ako yun e. Dapat ako yung kasama niya at nagpapangiti sa kanya. Ang sakit pero hindi ko matanggal mga mata ko sa kanila. Pero bago pa tumulo yung mga luha ko, umalis na agad ako. Ayokong makita ako ni Kenji na umiiyak. Ayokong kaawaan niya ako.

 Umalis na ako sa may Cafe Kingdom at pumunta sa isang park. Doon ko binuhos lahat ng hinanakit na nararamdaman ko nang biglang umulan ng malakas.

I stayed there and i have no idea how long. Hanggang sa hindi ko na nararamdam ang pagpatak ng ulan sa katawan ko pero sigurado akong umuulan pa. Inangat ko ang ulo ko para siguraduhin. Nagulat ako sa nakita ko........

Si Kenneth --- nakapayong sa akin.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon